Chapter 1 - Don't Mess with Demiana

1K 26 10
                                    

Chapter 1 – Don’t Mess with Demiana

“DEMIANA Florencia Alonzo?”

“Present!” nakasimangot kong sabi. Eh paano ba naman, whole name ko nanaman ang ginamit ni Ma’am Dipaculang. Halos isang buwan na rin simula no’ng first day of class pero hindi pa rin siya nasanay. Maturuan nga ‘to ng leksyon!

“And ma’am, it’s Demi. Hindi ka ba marunong—“ natigilan ako nang ma-realize kong nagtaas ako nang boses at napatingin sa akin mga ka-klase ko. Ay oo nga pala. Dapat pa-demure ako, pwe! “Ang ibig ko pong sabihin ma’am, masyado pong mahaba ang whole name ko kaya Demi na lang.” I said in a very soft voice.

Napatingin naman ako sa unahan ko at nakita kong naghahagikhikan ang dalawa kong bestfriend—si Chloe at Zha-zha.

“But I like your name, Demi. Bagay na bagay sa’yo.” Nakangiting sabi ni ma’am sa akin. Hindi ko alam kung compliment ‘yon or pang-aasar.

“Yeah, like bagay nga sakanya ang pangalan niyang mabantot!” said Marnie—my Primadonna slash bully slash Queen B sa Senior’s department. Nababanas talaga ko sa meztizang ‘to! Lagi na lang akong inaaway eh ang bait-bait ko nga sakanya. Though sa isip ko matagal ko na siyang pinatay at ginutay-gutay!

“Marnie, ang mean mo talaga sa bestfriend ko!” pagtatanggol sa akin ni Chloe and for sure kanina pa niya gustong humagalpak sa tawa.

“Kaya nga sistah!” pages-second the motion naman ni Zha-zha—my beki friend. Isa rin ‘yan na sinasakyan ang kabaliwan ko.

“Class tama na ‘yan. Marnie, mamaya mag apologize ka kay Demi. Hindi tamang nag-aaway-away kayo.” Sabi ni m’am Dipaculang.

“Whatever!” she murmur.

Gusto kong hablutin ang mahaba at makintab niyang buhok pero pinigilan ko sarili ko. Hindi ko hahayaan na masira ang reputasyon ko dito sa school dahil lang sakanya.

Maputi lang siya! Ang favorite mantra ko. Kahit kayumanggi ang kutis ko, alam ko sa sarili ko na maganda ako.

After ng two subjects namin ay may 15 minutes break time kami. Kasama ko si Chloe at Zha-zha papunta sa locker nang harangin kami ni Marnie and friends. More like Barnie and friends! Duh!

“Pa-bida ka talaga ano?” nakahalukipkip niyang sabi. May dalawa siyang julalay sa likod na anino’y mga bratz sa sobrang kapal ng make up at ng kanilang red pouty lips na puwede sabitan ng hanger!

“M-marnie, ano bang sinasabi mo?” pa-inosente kong sabi. I gave her my most innocent look that can fool everybody except my bestfriends.

“You’re a fake! Stop fooling everybody na inosente ka where in fact isa ka ring bitch na makati!” may nilabas siya sa bulsa niya—her iphone6. Hmm, gusto ko rin ng ganyan.

Pinakita niya sa amin ang phone niya at may picture do’n. Teka, ako ‘yan ah. Kainis hindi man lang ako nakapag project ng maayos. Nasa library kami at nakaupo ako habang nakatayo si Axel at may pinapakita sa aking libro.

“Nilalandi mo si Axel Florida!” pagbibintang niya.

Napamaang naman ako at kunwari natameme. Bwesit na babaeng ‘to, gusto niya talaga akong masira sa school na ‘to!

“Friends lang sila. Besides, nagpatulong lang si Axel sa project nila sa History. Nagkataon na si Demi ang maalam sa History kaya siya ang nilapitan ni Axel.” Pagtatanggol sa akin ni Chloe. Medyo totoo naman kasi talaga ang sinabi ni Chloe. Si Axel talaga ang lumapit sa akin.

“That’s impossible! Axel will be our batch valedictorian at impossibleng magpatulong siya sa isang Demiana Florencia Alonzo.” Then bigla siyang napangisi at tumawa ng malakas. “History, huh? Sabagay, makaluma ka nga pala kaya alam mo ang History ng buong mundo. Tell me, ninuno mo ba si Teodora Alonzo?” nagtawanan ang mga julalay niya sa likod.

My Two timer heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon