"Ate! I-uninstall ko itong facebook mo sa phone!", pasigaw kong pag-inform kay Ate. HAHA. Yes, inform. Kasi, hindi ko hinihingi permiso niya. Ganyan kakapal mukha ko. Dejoke. Pinapayagan niya lang naman kasi ako eh. Medyo spoiled kami kay Ate kaya love din namin siya. SUPER.
"Oo na!, Nahiya ka pa!", sumigaw din si Ate. HAHA. KITAMS? Bait.
Nasira kasi yung phone ko kaya, nakikigamit lang ako. HAHA.
Well, siya din naman may gawa. Ihulog ba naman sa toilet bowl. Pft. Okay, aksidente lang DAW yun. Pero la eh. Nangyari na.
Hindi naman ako palagamit ng phone kaya okay lang. Wala din akong katext. Wala din akong katawagan. At higit sa lahat wala akong pang-load. Hirap ng buhay. Facebook na lang. Makikigamit lang ako ng wifi. At ngayon nga pala, may na-discover na naman akong application. Haha. Iyan lang gawa ko parati. Browse ng mga bagong apps sa playstore, install, try, uninstall ulit. Hindi ako nagtatagal sa lahat ng bagay. Madali akong mag-sawa. Ewan. Ganun talaga ako eh.
Kanina, nanonood kami ng Jessica Soho. At as usual, ang ganda ng mga topics niya dun. Nakakakilig yung story na nagmula daw sa Dating App na Tinder. Like lang daw kung gusto mo yung person, kung ila-like back ka niya, match kayo. Parang nakaka-thrill diba? Hindi niya malalaman na nilike mo siya, kung hindi ka niya ilalike. Galing. Sabi ni Tita itry ko daw, pero siyempre sabi ko hindi. HAHA. Wag pahalatang desperada.
Pagtapos maghapunan at manood ng tv, andito na kami ngayon sa kwarto ni Taba. Magkatabi kasi kaming matulog. Jelyn yung totoo niyang pangalan. Kapatid siya ng boyfriend ng Ate ko. At dito kami ngayon nakatira sa kanila kasi magtatransfer ako ng school this year. Nag-stop kasi muna ako, because of personal problems. Chos. Sige hindi na ako magpapakaplastik. Kasi kulang pambayad ko sa finals. Kainis. Pero balik sa pinag-uusapan natin, iniinstall ko na ang Tinder. Haha. Ngiting-aso talaga ako.
Hilig ko kasi yung makipag-usap sa mga hindi ko pa kilala. Because I believe that every stranger is a friend you haven't befriended yet. Chos. Pero opo, yun yun. Pag medyo hindi ko na gusto yung usapan, block agad. Simple lang. Gusto ko kasi ying phase ng Getting-to-know-each-other pero hindi ako ganun ka-confident at ka-tapang to cross the line kung maganda na ang usapan. Kaya yes. NBSB ako. Alam niyo na meaning niyan. At palagi kong tanong sa sarili ko, is it something to be proud of? Or something to be ashamed of? And as usual, magulo din sagot ng utak ko. Haha.
Minsan iniisip ko, maging proud dapat kasi Hello?. Minsan na lang yung 19 years old na NBSB. Tapos sagot nung kabilang utak ko, "so, ano ka? Endangered Species? Hindi na yan uso ngayon. Pagtatawanan ka lang. Ano ka? Probinsiyana?" Kita niyo na? Salbahe nila. Ginugulo nila ako.
Hindi ko masasabing happy ako sa buhay ko ngayon kasi hindi ako plastik. Nababasa ko palagi sa tumblr yung mga happiness quotes na yan, nakakadepress lang. Hindi naman kasi napipilit ang pagiging masaya. Kahit ilang quotes pa isave mo sa device mo, basahin mo ng paulit-ulit, hindi ka magiging masaya. Masyado na ba akong emo? HAHA.
Ako nga pala si Cassandra Luisse Gonsalez. Pinapasalamatan ko ang mga author nito kasi ang cute ng pangalan ko. HAHA. 19 po ako. Graduating na sana ako sa kursong BSIT kung hindi lang ako nagloko nung first year at second year, at hindi kinulang ng pambayad sa 2nd sem. Try again next sem na lang ako. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa na makakatapos ako. Kasi yun talaga pangarap ko para sa sarili ko at sa pamilya ko. *insert naluluha mukha here. HAHA.
At ang gawa ko ngayon? Heto tambay sa bahay, kain, tulog, facebook, COC, HayDay, lahat ng karaniwang gawa ng palamunin. At hindi ako proud. Naglilinis naman ako noh? Ako tagahugas ng pinggan, talagalinis ng kwarto, although obvious na yun kasi ako gumagamit, but well. HAHA
Installing Tinder App...
Okay, kanina pa to ah. Ang haba na ng nasulat ko dito. Di pa rin tapos ang loading na ito. Tss.
Tinder
Successfully installed.
Yesh! Natapos din. Haha.
Okay, gawa ng profile. Connect to facebook na lang para madali. Tss.
At tadaaaahh! Hanap-hanap na ako dito. Siyempre sinulat ko sa bio ko, in search of friends and friends and friends lang. Haha. Baka mambastos eh. Dating App pa naman. Naninindig balahibo ko pag nagmamanyak na. Andami ko na kayang experience nun. Okay, overreact. Mga 10+times na siguro. Andami na din diba? Mga lalaki kasi, born to be wild na talaga :D Okay hindi lahat. But, most.
Okay, like lang ako ng like dito. HAHA. Basta't mapagkakatiwalaan naman kasi yung itsura, okay na sa akin. Sabi nila, don't judge the book by it's cover. Pero well, wala naman mawawala sa akin. It's not like I would do meet-ups or something.
It's a Match ❤
It's a Match ❤
Wow, sunod-sunod talaga Siguro like lang din ng like tong mga to. Haha. Okay what to do? Ayoko mag-chat first! Haha.
Like lang din ulit ako ng like. Hindi naman sila nag-chat -_-
It's a Match ❤
"Hi."
Maygad. Eto na! HAHA. Siya nauna. Galing. Haha.
John Paul Treyes Apuhin ang pangalan. Hindi muna ako nag-reply. Baka namalik-mata lang ako kanina eh. Haha, tiningnan ko profile niya. CUTE. Hindi tulad ng aso. Haha, I mean, maputi, although hindi ako masyado mahilig sa maputi kasi parang bakla? HAHA. No offense meant. Sorry. Ang ganda ng mata, tangos ng ilong, kulot ang buhok at ang ganda ng ngit niya. Parang ang bait. Sige, reply ko na nga
"Hello po xD", reply ko. Kagat-kagat ko pa yung hintuturo ko. Mannerism.
Ano bayan? Hindi ko nakikita kung nagtatype o nabasa man lang -_-
Mas masaklap pa to sa seen-zoned sa facebook eh.
5 minutes passed.
10 minutes passed.
20 minutes..
Wala pa din. Okay, narealize niya siguro na namalikmata lang siya. Oh well, inaantok na ako. Haha. 11:31 na pala. Makatulog na nga -_-
Nag-out na ako sa Tinder. In-off yung wifi. Plug ng earphones, Ed Sheeran playlist at sumiksik ako kay Taba. Ayaw niyang sumisiksik ako, pero tulog naman na siya kaya wala na siyang magagawa
_______
A/N: Hi po! Hindi ko pa po alam ano pinaggagawa ko pero bahala na. Haha. I'll try to sort out this story habang nagsusulat ako. No harsh comments please Welcome po yung critics basta't reasonable, thank you na din po. Bukas po ako mag-uupdate.
BINABASA MO ANG
Tinder Love ❤
Teen FictionAre you in search of that certain person who you like and likes you back? Install Tinder App.