A/N: Hey. I am typing this now with my phone. Which unfortunately has small keys and I'm not very good at it. There will be typos and Spelling errors. Please be kind. Corrections are welcome :) Thank you.
"Yengot! Gising na!"
May naririnig ako. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko magawa.
"YENGOT!"
AHH. Shit naman oh.
Napabalikwas ako ng bangon. Kainis.
Paano ba naman kasi, sinigawan lang naman ako sa tainga nitong matabang ito. Urgh. Kung hindi ko lang ito Ate. Aish.
Kahit gaano talaga kabait ang isang tao. May oras talaga na natatamad na silang magpakabait at kawawa mga biktima nila. Huhu.
"Ate naman eh. Ang aga pa eh." Sabay higa ulit. Baka makalusot. HAHA
"Wow. Maaga? Sure ka?" Mataray niyang sagot. Kainis talaga to. Pag nagising akong tuluyan. Ah. Kikilitiin talaga kita -_-
"Oomphh." I murmured under my pillows. Oh God. Heaven talaga ang feeling pag nasa kama ka. Hmm. Bango ng unan ko. Sarap yakapin ni Rilakkuma. Heart Heart.
"Ah ganun. Okay" Yes. Aalis na siya. Makakatulog na ak-
"Aw aw aw shit. Oo na Oo na. Babangon na po!" Aish. Ansakit ng puwet ko -_-
"Dapat lang. Konting kembot na lang, hapon na Madame. Ano ba kasing pinaggagawa mo sa gabi at tinatanghali ka na palaging gumigising? At hindi pa yan volunteered ha? Kailangan ka pang pengotin sa puwet bago ka bumangon? Hindi ka man lang makatulong sa umaga. Hindi na talaga kita pahahawakin mamaya ng phone at tablet na yan. Namimihasa ka na." Ay grabe. Ang ikli ng speech. Halos memorize ko na yang linya ni Ate eh. Parang kay Mama lang. Tss. Buti na lang talaga wala dito si Mama kundi dalawang machine gun ang mag-raratatat sa akin araw araw.
Hindi niya pa din naman ako matitiis mamaya. HAHAHA.
"Oh, ano pang tinutunganga mo diyan? Bumangon ka na't lahat. Andyan ka pa rin naman sa kama. Kumain ka na nga. Kahagas kang bata ka." Litanya ni Ate at umupo sa harap ng computer. Tss.
Makapagsabi ito -_- Atleast kahit tanghaliin ako magising. Ako naman naglilinis lahat dito. Kung hindi lang ako nahihiya kina Tita eh. Eh siya nga, wala ng gawa maghapon kundi magchat sa kung sino man diyan at maglaro ng touch sa pc. Tss.
That moment na gusto mo sumagot pero nanatili ka na lang walang imik? Sakit magtimpi. Promise.
Inayos ko na ang higaan namin ni Taba. Ay speaking of Taba. Pumasok na ba yun?
"Si Taba te?" Tinanong ko si Ate.
"Malamang pumasok na. Anong oras na ba? Yan kasi, puyat ng puyat di naman nagigising sa tamang oras. Hindi na-"
Aish. Ang ikli ng tanong ko eh.
Hindi ko na siya pinakinggan, tutal halos alam ko na ang sasabihin niya. Dumiretso ako sa kusina at naghalungkat ng pagkain. Gutom na ako -_-
BINABASA MO ANG
Tinder Love ❤
Teen FictionAre you in search of that certain person who you like and likes you back? Install Tinder App.