"Sige-sige kahit na ano ang sabihin mo alam ko na ipinagtanggol mo sya :3"
"Bahala ka nga dyan basta di ko sya ipinagtanggol"
Di ko nga rin alam kung bakit ko sya pinag tanggol, parang yung bibig ko lang mismo ang gumalaw :/ .
Nung palabas na ako ng School nakita ko sya na nagaayos ng kanyang bike, At nilapitan ko sya...
"Nasira ba yong bike mo ??"
"Di naman.. nag lock lng yong disk break nya"
Di ko inakala na papansinin nya ako.
"sige mauna na ako magiingat ka sa pag uwi ahh"
Napalaki ang mga mata ko at nagpatulala. Nang Bumalik na ako sa isipan ko wala na sya. Grabe.. Ang lakas ng impact ng salita niya sakin ha.. Napatulala ako.. @_@
Nang dumating na ko sa bahay.
"Oh anak kamusta ang first day of school ??"
"ok naman po ma Wala pang regular na class pina school tour lang kami kanina."
"May hinanda akong pagkain dyan sa ref kunin mo na lang kung gutom ka"
"Ay salamat mama perfect timing gutom talaga ako ngayon"
"hay nako anak pra ka talagang tatay mo na palaging gutom pag umuuwi"
"hehehehe san pa ba ako mag mamana??"
Tapos umakyat na ako para pumunta sa room ko dala ang fav. Food ko :3 (Nom-Nom) at binuksan ko yong laptop ko at nag open nang facebook at meron akong 8 friend requests ..
"baka mga bago ko tong kaklase at nagulat ako dahil nandon si Ezekiel.. di ako makapaniwala na eh a'add nya ako.. tiningnan ko yong profile nya "blank space" wla talagang laman prang di lang ginagamit..
THE NEXT DAY
Nasa room kami at nag tuturo si sir Wala ako sa isipan ng oras na iyon at May na rinig na lang ako na "ANO"
"huh ano po yun sir??"
"hay nako Ms.Ramos >.> .Sabi ko ano ang sagot dito ??
"Ang uhhmmm"wala talaga akong alam ng oras na iyon at tinawag ako ni Zeke "psssst" mahina nyang sinabi yon tiningnan ko sya tapos may kinuwa syang maliit na papel at Sinulat ang sagot don at pinakita sakin..At bilis ko yon sinagot kay sir .
"Ok Ms. Ramos umopo ka na .
Bakit nya ako tinilungan? Hay.. Sa dami ng tao dito na ka close ko, sya pa talaga ang tumolong..Nag lunch Break na pinuntahan ko sya para mag "Thank You"..
"Uhm.. Zeke salamat pala kanina sapag tulong mo sakin ahh"
"You're welcome."
*GRABEEEE!!! Soo Cold nya! parang walang kaluluwa naman to! parang zombie! Cute na Zombie nga lang. XD*
Sa araw na iyon ay pipili kami ng anong club ang gusto naming salihan ako sumali ako sa Sports club kasama si Janna at abigail. Si Zeke naman ay sumali sa Music club Kasama nyang yong best friend nya na si john ray..
At nong palabas na kami nang classroom nakita ko sya naka ngiti. Bakit kaya sya napa ngiti ??Ang wierd nya naman. @_@
At ilang weeks na Kami sa school Dumaan na ang mga exam ok naman ang mga grado ko Napa dala ako sa top 4 At yung top one nman ay si Mark yung American classmate namin pangalawa si Anna at pangatatlo si Zeke...At Next week na yong sports day namin kaya busy na ang lahat sa pag paparactice sa kanila mga laro ako sa volleyball kaya tudo practice din ako ..Di ko na rin na pansin si Zeke nang mga araw na yon kasi napa busy ako
"Janna ahh pagod na ako"
"ako rin ehh Jan,Cait pahinga muna tayo tara punta tayo sa canteen"
"sige tara-tara!!! My gosh. Naglalaway na ko sa sobrang uhaw. Tara!"
At pumunta na kami ng Canteen.
"Ay sandali lang nakalimutan ko yung wallet ko sa bag!"
"Ay nako Cait ang batabata mo may memory lost ka na hahahaha"
">.> sandali lng kukunin mo muna ung wallet ko.. ma una na kayo"
"Sige-sige kita nalang tayo don"
Tumakbo ako pabalik sa volleyball court at mabilis na kinuha ang wallet ko. at nung dumaan ako sa music room nakita ko si Zeke na mag isa dun.. prang hinahawakan lang naman niya ang piano. Parang may inisip.
Miyamiya ay tinugtog na niya yung piano ..Ang ganda ng sound na tinutugtog nya .. Masyadong nakaka relax at nanainlove ung sound.. nung nakita nya naman ako ay tinigil nya ang pag tugtog at mabilis na lumabas. Pero dahil mabilis ako, napigilan ko siya sa may music hall.
"Ui, Bkt ka tumigil? "
Tumingin siya sakin at tumingin sa sahig. Teka, bakit siya nakatingin sa sahig? Mas maganda ba yung sahig kesa sa mukha ko? -_- Nakaka offense naman huh. -3-
"Di lang kasi ako sanay na may tumitingin sakin na nag papiano"
"Huh?? bakit naman ang ganda kayang pakingan.. Pati kung ganun man..Sorry kung na disturb kita sa pag papiano mo huh.."
"Walang problema..sa totoo lng di ko pa tapos na pagaralan yung kanta na yun"
"ano ba yung title nang kanta na yun ??"
"ahh yun River flows in you." May pupuntahan ka ba ??"
"Oo sa Canteen"
"Sa canteen sabay na tayo pumunta dun kakain na rin ako ehh"
Di naman ako pakapaniwala na niyaya nya ako na sumama na pumunta sa canteen akalain mo ang silent boy nang classroom ay kinausap ako at niyaya namakasama papunta sa canteen. At nang dumating na kami sa canteen. Tinawag kaagad ko ni Janna
"Cait dito kami"
"Sige mukhang tinatawag kana ng mga kaibigan mo See you around"
"Sige-sige"
