PROLOGUE
Sa malayong Kaharian nakatira sina Reyna Rosana at Haring Emanuel
mayroon silang anak na kambal.
Sina Prinsesa Ysabelle at Prinsesa Bernadeth . Si Prinsesa Ysabelle Ang Pinaka matanda. Ito ay mabait,maganda, at mapagmahal. Samantala ang isa naman ay kabaliktaran nito. Masama, Makasarili, walang galang, at hindi marunong sumunod sa patakaran.Isang araw.... habang namamasyal sa bayan si Prinsesa Bernadeth, may lumapit sakaniyang pulubi, ito ay sobrang dumi , sobrang baho at sobrang nanghihina
"MALAMANG! MAY PULUBI BANG MALINIS AT MABANGO? HOY! BILISAN MO NGA MAGKWENTO NAIINIP NA KO! ECHOSERANG TO!" - bernadeth
"Ang sama mo talagang bata ka! eto na nga eh!"
"Maaari ba akong malahingi ng tinapay na iyong kinakain? ako kasiy sobrang gutom na dalawang araw na ako hind kumakain.. sige na kahit konti lang" pagmamakaawa nito.
"Utot mo red! So, kasalanan kong di ka kumakain? atsaka wag ka saking lumapit ang baho mo! hindi ba uso maligo sainyo?" mataray na sagot ni bernadeth.
"Napaka sama mo! hindi ka marunong tumulong sa iba! makasarili ka" pasigaw na sabi niya sa prinsesa.
"Oh tapos? Wag ka nga lumapit sakin pag nagsasalita ka! ang baho ng hininga mo! tse!" at tuluyan ng lumakad ang malditang prinsesa
habang naglalakad siya sa kakahuyan may biglang nagliwanag at lumabas anh isang diwata.
"Ay imbyerna!" sigaw ng prinsesa ng nakita niya ang diwata.
"Dahil masama kang prinsesa at hindi ka marunong tumulong sa iba, paparusahan kita!" at winagayway niya ang kaniyang hintuturo sa hangin at pagkatapos ay itinapat ito kay prinsesa bernadeth. at bigla itong naglaho.......