Chapter 3 : Love Ain't Mental

15 0 0
                                    

"God? tama na yun please?. Ang rami nang nangyari sa first day ko.. Una na si Will tas yung sandwich tapos ang laser naman. God! may idea ako kung ano nang gagawin nyo para hindi na kayo ma bored :) Try niyo kayang umpisahan na yung LOVE STORY ko?. eh ilang taon ko nang hinintay yun matapos eh 16 years nalang wala pa?. Gaano kakapal po yan?."

"Kung gaano kakapal yung mukha mung mag demand kay God :) " alam na ninyo guys sino tong gagong sumulpot nanaman..

"Lumayo ka nga. Privacy please? kung pwede?"

"Wow, kaw na rin nagmay-ari ng chapel"

"eh ano ngayun kung... GRRRR!! dyan ka na nga! In the name of the father...."

" Bye Scarlet ako nalang magsosorry para sayo kay Lord"

"Idasal mo na rin na mawala ka dito sa mundo!"

"At mapunta ako dyan sa puso mo?"

"Wag na ang hirap kasi makahinga kapag may bwesit na nakabara"

"Hala Lord, bad word oh.."

"Bye Lord, pakisunog nang taong yan hindi yata naka on yung security mo.." sabay palayo sa chapel..

Kahit saan nalang ako magpunta nandyan yang lalaking iyan. Palagi nalang bwebwesit. Kala mo kung sino. Oo gwapo nga siya eh ano naman ngayon? Maganda ako pero hindi masama? Kaya lang ang daming nagka crush sa kanya? Tignan lang natin 1st day palang ngayon mag 10 months pa..

Teka lunch na pala.. papunta na nga nang canteen.

*SA CANTEEN*

"Ano ba yung trip mo sa Math Scar?. May galit ka kay maam?" - Cam

"Malay ko bang naglalaro pa pala siya ng laser" sagot ko

"Hi guys, Hi Melissa" sabi ni Dexter at kung nandyan si Dexter nandyan naman yung new bestfriend nya. Ang dakilang gago si Will

"Hi guys :)" - Will

"Hi Will!!" sabay pang nagsagutan ang mga bruha..

"Hi Scarlet, pwede tabi tayo?" - Will

"Pwede. Tatabi mo na ako" sagot ko.

"Scar ano ka ba?. nakikipagkaibigan lang yun tao oh" - Stef ( my motherly friend)

"Ok Fine!" (wala tayong magagawa eh tao rin pala kala ko aso) binulong ko sa sarili ko..

"SCAR? :( " - Stef..

"Ano? Ayan oh umupo kana po? Kailangan pa bang punasan?" -Scar

"Bat ba napakabitter mo kay Will, Scar?" tanong ni Jess

"Wala! na bwebwesit lang" sagot ko.

"Wala oh pakipot ka lang talaga?" -Stef

"Anong pakipot?" - Scar

"May Crush ka kay Will no" - Stef

"hahahha" at natawa pa ang gago?.

" Hindi nuh, Excuse me. Hello Blind ba kayo?. ayaw ko nga sa kanya"

"So meaning hindi ka pa nakaka move on ka Mr. J?" - Jess

"Ang tagal na kaya nun. That was so Last school year. Tigil muna ako sa Love2 na yan. Im so tired"

"Promise, sa aking hindi ka mapapagod:)" -Will

"Sa susunod na ibubuka mo yung bibig mo kakain ka na ng plato" sagot ko..

"Eh pano na yung promise mo?. remember?. NO LOVELIFE NO GRADUATION?." - Jess

"May 10 months pa no."

"Sapat ba yun?"

.... teka. OO nga sapat na ba yung 10 months?. hey guys sure na sure ako wala na akong feeling para ka Mr. J. Paano na yung high school life ko?. masaya nga with my friends.. but it will never be the same pag mayroon kang memories with the one you love nuh.. So magagawa ko kaya?. Love?. Sino naman Love ko ngayun?..

__ Gaga, may love ka na binabalewala mulang (heart) __

__ meron ba?. wala naman kasi akong naalala o nalalaman eh ( brain)__

__ Love ain't mental its emotional (Heart) ___

Meron kaya talaga?. Meron nga akong nafe-feel pero kanino?. di ko alam.. Alam ko na.. Gutom lang to! hahahah

#Alone Doesn't Mean Lonely :3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon