roku

57 4 3
                                    

"Carmela! Daddy's already here" Agad kong binuksan ang mga mata ko. Alam ko kung kaninong boses yun.

Then there i saw his face. Nakangiti sa akin, God knows how i miss that smile.

"D-Daddy!" Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak. Namiss ko siya. Miss ko na yung dating kami. Madami akong gustong sabihin kaso luha lang ang lumalabas sa takot na baka pagalitan at ikulong na naman ako ni nanay kapag nalaman niyang nagsusumbong na naman ako kay dad.

"Such a crybaby! Tahan na nandito na ako." Sabi niya sabay hagod ng kamay niya sa aking likuran para patahanin ako. My dad doesnt know na hindi na ako nagaaral, i sacrifice myself para makapagaral sa magandang school yung dalawang step sisters even though they don't treat me well. Si Rhea at Thea ay kambal sa unang asawa ni nanay at halos magkataonan lang kami at ang mas nakakatawa lang na pati birthday parehas din kaming tatlo.

"Ilang taon kana ule nak?" Napapalo lang ako sa likuran niya para pahintuin ang tatay ko sa pangaasar saakin. This is what i like kay dad, alam niya kung paano ako patawanin, kung paano niya kayang pagaanin ang loob ko.

"Dad! Mang-aasar ka pa eh" Natatawa siyang kumalas sa pagkakayakap sakin at tingnan ako sa mga mata.

"19 kana nak! Abay dapat naghahanap kana ng mapapangasawa mo." Napatingin ako ng masama sa kanya. Alam niyang ang bata ko pa para sa ganyan. Gusto ko sanang sabihin na study first kaso hindi na pala ako nagaaral. Napaluha na naman ako. Hinawakan ni dad ang dalawang kamay ko at senserong nakatingin sa mga mata ko.

"Wag mo akong iwan ule please dad" Pakiusap ko sa kanya. "Ayaw ko na po dito." Bulong ko. They don't treat me well dad. Ginagamit ka lang nila at ang pera natin. Mabait lang sila kapag nandyan ka. Gusto kong idugtong kaso alam kong wala ring kwenta.

"Wag kang mag-alala carmela. Hindi na. Hindi na ako aalis."

Isang buwan nung sinabi niya yan he left again, Mas pinili niya na magtrabaho para sa pangangailangan nila nanay at ang masaklap hindi na siya bumalik.

He left me all alone.

"Merlat! Napagisipan mo na ba hmm?" Kasalukuyan kaming nasa hapag ni sir jaime at kakatapos lang namin magtanghalian, na inihanda mismo niya para saaming dalawa.

Nagiisang linggo na akong nasa condo niya simula nung dinala niya ako dito pero hanggang ngayon di pa rin ako masanay sanay na ako ang pinaagsisilbihan. Kain, tulog at nuod lang ang ginagawa ko minsan naglilinis din ako dahil hindi ko kayang walang ginagawa at pumirmi kaya kapag wala lang siya dito dun ako naglilinis. Ayaw niya kasing nagkikilos ako dahil bisita niya daw ako.

Magiisang linggo na ding sarado ang bahay namin dahil nagbakasyon daw sila nanay sa hindi ko alam kung saan. Gusto ko man silang tawagan at kontakin hindi ko naman alam ang mga number nila. Wala rin akong facebook para ichat ang dalawang kapatid ko.

Naalala ko nung nagpunta si sir jaime sa bahay para kausapin sana ako tungkol dito sa we got married na ito at alamin kung bakit ko daw siya inignore, sa ganda niya daw bang yun di ko man lang nagawang kontakin o puntahan man lang kaso ayun nga nakakahiya ang nadatnan niya sa bahay.

Habang andito ako ay unti unti niyang ipinaliwanag saakin ang we got married project. Hindi ako makapaniwala na inaapply pala kami sa ganito na wala man lang kaming kaalam-alam pero mas nakakasama ng loob ng hindi man lang nabanggit ni nanay na may email o sulat man lan ako o banggitin ang tungkol man lang dito, ganun na siguro siya kadesperadang mawala ako sa bahay at buhay nila. Hindi katulad ng nanay ni sir jaime na gusto lang siyang magkaroon ng pamilya na makakasama niya hanggang pagtanda.

Pamilya.

Naalala ko si dad. Oo nga pala, wala na din pala akong pamilya. Tama nga naman ang sinabi ni sir jaime. Wala na akong ibang matutuluyan lalo na't pinalayas ako at hindi ko alam kung makakabalik pa ako dun , wala na din akong pwedeng lapitan.

Alam kong eto nalang ang option ko para mabuhay lalo na't di ako graduate at mailap din ako sa tao dahil nasanay akong di lumalabas at nasa bahay lang para gumawa ng mga gawaing bahay.

"Hoy babae! Bigla ka namang naging estatwa dyan. Im asking you nakapagdecide ka na ba?" Tanong muli sa akin ni sir jaime. Napayuko ako at pinaglaruan dulo ng damit ko.

"T-Tama ba tong papasukin natin sir?" Itinaas ko ang tingin ko sa mga mata niya para makita ang magiging reaksyon niya.

Sa halos isang linggo na magkasama kami ni sir jaime nakita kung gaano siya karesponsable na tao lalo na sa kanyang trabaho at pati na din sa business nito at kung gaano ito kabait sa pagpapatuloy sa akin at ibigay lahat ng pangangailangan ko. Sa mga araw na nagdaan, Nakilala ko siya at ang kabaklaan niya.

Ang kanyang pagmamake-up, mga kachat na lalaki, minsan pagbabar niya at ang mga charity niya. Minulat niya ako at dinala sa mundo niya na alam kong nagpapasaya talaga sa kanya.

Hindi ko naman kayang maging selfish at hindi isipin ang side ni sir jaime dahil napakabait nitong tao.

"Kaya mo bang makasal sa babae? Sa akin?" Alam kong deserve niyang maging masaya. Deserve niyang maging malaya at hindi matali sa kagaya kong hindi na nga niya kalevel tapos babae pa.

"Ikaw ba, Kaya mo bang makasal sa tulad kong bakla na mas maganda pa sayo?" Pabalik niyang tanong sa akin habang nakatingin ng seryoso sa mga mata ko. "Carmela" Tawag niya sa akin at hinawakan ang parehong kamay.

"Kaya mo bang tanggapin na ang magiging asawa mo ay magandang bakla?" Sunod na tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko. Napangiti ako.

"Wala namang kaso sa akin yun, Alam kong may mabuti kang puso sir, sapat na dahilan na yun para tanggapin ka tsaka yan ka eh! Rerespitiuhin ko yun." Binitawan niya ang kamay ko at itinakip yun sa bibig niya at parang naiiyak na.

"Wag ganyan merlat! Kinikilig ako." Natawa nalang ako sa itsura niya.

"Ayaw kong kunin kalayaan na meron ka ngayon sir jamie. Deserve mong maging masaya dahil napakabuti mong tao. Hindi ko alam kung magiging sapat ba ako o kung magiging masaya ba tayo. Hindi ko din alam---" Hinawakan niya muli ang kamay ko at nginitian ako ng pagkatamis-tamis nito.

"Merlat! May kalayaan din naman ako para piliin kung ano ang gusto ko diba? Mahiya ka naman kasi ikaw yung pinili ko." Sa unang pagkakataon, Pinili ako at masarap yun sa pakiramdam. Ibinalik ko ang ngiting ibinigay niya saakin at hinawakan din ang malambot nitong kamay. Gusto ko din maging selfish sa pagkakataong ito.

"Nasaan na ba yung mga pipirmahan natin sir jaime?"

--------
Thank you for reading ❤️

We Got Married Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon