kyuu

75 7 4
                                    

"MERLAAAAAAAAT! I'm home naaaaa. Yohoooooo!" Sigaw ko ng makapasok ako ng condo namin sabay tanggal ng sapatos ko. Sinalubong naman ako nito.

"Hindi ko alam na medyo late ka pala makakauwi" Matamlay na sabi niya habang kinuha ang coat at bag ko sa akin.

Minsan nagugulat nalang ako sa mga kilos na ganito ni merlat. Alam na niya ang gagawin niya kada dumarating ako katulad nito, Kukunin niya ang mga gamit ko at ilalagay yung sa workplace ko. Feel na feel niya naman ang pagiging wifey duties niya, ako dapat yun eh!

"Sorry na sis. Nagovertime kasi kami" Pagsisinungaling ko. Hindi naman kasi talaga kami nagovertime, nagover stay lang talaga ako sa office kanina.

Ang totoo kasi niyan mga beshy, kinakabahan akong umuwi dahil sa singsing na dala ko. Hindi ko alam kung paano ko ibibigay sa merlat na nasa harap ko. Like "Merlat suotin mo oh! Wedding ring natin" o di kaya "Merlat! May binili akong wedding ring natin" ugh! so not girly kaya nun tsaka di ko alam kung paanong approach ang gagawin ko. At lalong, Hindi bagay na ako ang nagbibigay ng singsing!!! Babae ako eh! Ako dapat yung binibigyan ng ganito. Hmp!

"Sige magpalit ka na muna. Ipapainit ko lang itong pagkain akala ko kasi maaga kang makakauwi kaya hinintay kita. Sabay na tayong kumain" at dumiretso na siyang kitchen kaya pumunta na ako sa kwarto ko.

Nang matapos na akong magpalit, dumiresto na din akong kitchen at amoy na amoy ko ang ulam na nakahain sa table. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na magaling at masarap magluto ang babaeng ito.

"Tara na kain na tayo" Yaya ni merlat na nakaupo na sa harapan ko.

"Hinintay mo pa ako? Sana nauna ka ng kumain. " 10pm na ako nakauwi kanina kaya paniguradong gutom na gutom na ito. "Teka ang dami naman yata nito? Teka birthday mo ba?" Kinakaabahang sabi ko. Hindi lang kasi adobo ang nakahain, may pansit, fried chicken, shanghai at may dessert pang leche flan at graham cake. "Oh my gosh! Kaya ka ba tumawag kanina?"

"Hindi" Natawa pa siya ng bahagya. Di na galit yan?"K-kasi diba ano special day natin ngayon. Ito yung unang araw natin bilang mag-asawa kaya yan hinintay kita at pinaghandaan ka katulad ng mga ginagawa ng isang asawa." Nakayukong sabi niya na parang nahihiya pa. "Gusto ko sa unang araw natin ay sabay tayong kumain ng hapunan " Tsaka siya tumingin sa mga mata ko. "Gusto ko ding maging mabuting asawa mo, sa paraang yun man lang makabawi ako sa kabutihan mo sa akin. Hehehe awkward ano? Sige na kain kana. Sandukan na kita ha!" Napatitig ako sa kanya habang nagsinasandokan niya ako at tuwang tuwa naman ang gaga kaya napangiti na din ako.

Aminin ko man o hindi, I'm starting to like this feeling, yung may naghihintay sa pag-uwi mo para sabayan kang kumain, yung tipong may nakahanda nang pagkain di mo na kailangan magluto at yung pagsisilbihan ka niya kasi alam nitong pagod ka galing trabaho. Ganito pala yung feeling no? Nakakaganda lang! Kadalasan kasi ako yung nasa posisyon ni merlat. Ako yung gumagawa ng ganyan sa mga naging jowa ko. Alam mo na ang bakla pagirl. Napangiti ako habang tinitingan siyang nagsasandok sa pinggan niya. I feel like i am not alone now, sana ganun din siya.

"Ang dami mong paso girl! Effort na effort ha" Biro ko sa kanya na siya namang itinawa niya. Bigla kasing nahagip ng mata ko ang kamay niyang may mga paso.

"Special day kasi natin to kaya ginalingan ko sa pagluluto. Kaya tinawagan kita para isurprise ka sana at masabay kang kumain ngayon, Alam ko naman kasing busy ka kasi malapit na yung next collection niyo."

"Sorry talaga merlat kung nalate ako ng uwi." halatang pinageffortan niya to para sa special day namin. Gosh! Nageffort siya para ipakita sa akin na kahit walang "Love" sa amin eh kaya pa din niyang gawin ang duty niya bilang asawa ko. Nageeffort siya para magwork-out ang relationship namin.

Maguilty kang bakla ka! Pinagantay mo pa.

Pero H-How can she be this sweet? Kung tutuusin wala pa kaming isang buwan na magkakilala, ni nasusungitan ko pa nga siya minsan. Bakit parang feeling ko ang swerte ko sa kanya? Bakit feeling ko ang haba ng hair ko ngayon. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa kanya, nahinto lang nung sinabihan niya akong kumain na.

Waaaah! Hindi ko alam na mageefort siya ng ganito. Kahit siguro napakaliit na bagay nito sa kanya, napakalaki na para saakin. Gash! Akala ko siya ang masusurprise, mas ako pa pala.

"Merlat! Pwedeng pahawak ng kamay mo saglit" Ayaw niya pa sanang ibigay pero kinuha ko ito ng sapilitan. Heehehehe its now or never!

"Ano bang gagawin m------" Sinuot ko sa kanya ang wedding ring namin.

"Tadaaaaa! Ganda diba? Kasing ganda ko. Hihihi" I knew it na kasya sa kanya to. "Ikaw naman oh, isuot mo sa akin ito dalii." Excited kong ibinigay ko ang wedding ring ko sa kanya kaso ang gaga nakatulala lang. "Hoy carmela ano na? My hand is waiting!" Agad niyang kinuha at isinuot sa daliri ko. Sakto din sa akin! Waaaaaah. Ang ganda sa kamay namin.

"Ayan! We're official na talaga merlat. Look oh!" Ipinakita ko ang kamay kong may singsing habang hawak ko pa din ng isang kamay ko ang kamay niyang may wedding ring.

Ang ganda pala ng nabili ko, Bagay sa kamay naming dalawa! Hindi ko alam pero kinikilig ako habang tinitingnan ang kamay naming pareho na may singsing. Who have thought na itong magandang bakla eh kasal na sa merlat? Diba?! Ganda ko. Para akong naiiyak kasi ang ganda talaga.

Bigla niyang inagaw ang kamay niya sa pagkakahawak ko na ikinagulat ko.

"Why did you----"

"This made my night jaime. Thank you!" Bigla ko nalang naramdaman ang mga braso niyang nakapulupot sa leeg ko. Nakayakap siya patalikod sa akin. "Wag kang mag-alala pagiingatan ko to katulad ng pagiingat ko sayo" Parang nanglambot ang mga binti ko kahit nakaupo ako sa lambing ng pagkakabigkas niya sa mga salitang yun. Feeling ko nawala lahat ng pagod ko sa pagsubmit ng marriage contact namin at pagbili ng wedding ring.

Tumayo ako at niyakap ko siya.

Niyakap ko siya ng maghigpit sa sobrang tuwa. i feel so damn lucky!

-------------------------------
Salamat sa pagbasa ❤️ I really do appreciate those who vote and read this story. Thank you!

Godbless po sa lahat!

We Got Married Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon