CHAPTER 1

28 3 0
                                    

CHAPTER 1: MEET HIM

ZACH MARTIN LEONEL P.O.V

*TING*

Nabalik ako sa reyalidad nang biglang tumunog ang bell ng elevator.
Doon ko na lamang namalayan na nasa 251th floor na pala ako ng building, tatlong daang palapag kasi itong building na ito.

Itong building na ito ay isa sa pagmamay-ari ni Dad dahil kilalang businessman si dad both local and international at marami siyang mga negosyo sa iba’t ibang bansa lalo na dito sa L.A California.

If you’re wondering why I can speak tagalog because I’m pure Filipino, it just that nag-migrate kami ni dad here dahil sa mga negosyo at trabaho na ipinamana ni lolo kay dad bago mamatay si lolo.

Eversince na mangyari yung trahedya samin 10 years ago, naging sobrang workaholic na ni dad even me, his son ay wala na siya minsang time para sa akin, but I do understand him naman, hindi ko siya masisisi, I know that he is just in  pain kaya naghahanap ng ibang paglilibangan si dad para kahit saglit manlang ay makalimutan niya yung nangyari.

Nakalimutan ko nga palang ipakilala sarili ko, I’m Zach Martin Leonel 17 years old, ‘di man halata na kahit 17 palang ako ay marunong na akong mag-manage ng mga negosyo kasi darating ang araw at ako na ang magmamana nang lahat ng negosyo ni dad. My dad’s name is Zayn Mark Leonel, he’s in his 42 years of age.

Hindi ko na lamang namalayan na may patak ng mga luha na lumalabas sa aking mga mata. Nanumbalik ang aking kamalayan ng biglang tumunog ang bell ng Elevator at nasa 290th floor na ako ng biglang may pumasok na isang babae.

Agaw pansin ang kaniyang itsura at talaga namang mapupukaw nito ang iyong atensyon. Ang kaniyang tindig ay nakaka-panindig balahibo, ang maitim niyang mga labi, itim na itim na buhok, ang rip jeans at lether jacket na kasing itim na kanyang labi, ang aroma ng sigarilyo ay maamoy mo mula sa kaniya na pawang katatapos lamang nitong manigarilyo, at ang kaniyang ocean blue round eyes na kaya kang gawing bato sa napakalamig na mga titig nito.

“what are you staring at?” she said with roughness at coldness in her voice.

Nabalik ako sa wisyo ng magsalita siya.

“uhm.. n-nothing” yun nalamang ang nasabi ko at agad ko namang nilipat ang aking paningin sa harapan.

Ilang minuto pa ang lumipas at patuloy parin akong hindi mabagabag dahil sa babaeng nasa tabi kaya naman hindi ko maiwasan na pasimpleng sulyapan siya.

Hindi ko maintindihan kung bakit, she’s not my type at all, she’s not even qualified na maging type ko eh but why?.. why I can’t divert my eyes on her? Why I can’t keep my eyes off to her? Parang hinahatak ako ng kaniyang mga mapupungay na mata.

“Just one more stare and I’ll rip your neck” sabi niya ng hindi nakatingin sa akin ngunit bakas sa tono ng boses ang diin at pagbabanta.

“Oh..I’m sorry, I don’t mean to stares at you, it just that, where are you going miss?” dahan dahan at kabado kong tanong sa kanya.

The weird girl shifted his gaze on me at bakas sa kaniyang mukha ang pagtatanong at pagtataka. Ang napakalamig niyang titig na pawang walang pakialam sa paligid niya.

“What do you mean? You’re saying that I can’t afford this kind of luxury just because of how I dressed up?” tanong niya sa akin habang nakataas ang isang kilay at parang puputok ang buong mukha niya dahil sa sobrang inis niya sa akin.

“Wait, chill miss, I’m sorry but I don’t mean either of that way. What I’m tryin’ to say is, the next floor is the office of the Director, do you have appointment to him?” kabado pero magalang kong tanong sa kaniya.
Ngunit parang hindi nabawasan ang init ng ulo ng babae sa akin sa hindi ko malamang dahilan.

Chasing Constellation (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon