CHAPTER 6

4 2 0
                                    

Chapter 6: A Friend

ZACH MARTIN LEONEL P.O.V

*FLIGHT 7880 LANDED SUCCESSFULLY*

It’s already 11:39 PM Philippines time and sobra na akong inaantok kahit maghapon na akong natulog sa biyahe.

Sabi ni dad yesterday ay hapon daw ang flight ko kaya 1:00 in the afternoon ay nasa airport na ako tapos nung tinignan ko yung flight time ng ticket hayop…. 9:00 pm pa pala yung flight kaya naman natengga lang ako sa airport ng halos 8hours. Si dad naman kasi, hapon pa pala sa kanya yung alas nuwebe ng gabi.

Napanbuntong hininga nalang ako habang naglalakad palabas ng CON D’ International Airport.

It’s really feels so good to be back sa sariling bansa mo. Ang pamilyar na simoy ng hangin na hahagod sa iyong balat, ang maaliwalas na kalangitan na kitang kita ang kabilugan ng buwan na kasamang nagniningning ang mga bituin, ang maingay ngunit masayang presensya ng taong sasalubungin ang kanilang kamag-anak pagkalabas ng airport at higit sa lahat ang masasaya at mapupunggay na mga mata bawat tao at ngiti na nakakahawa. Napakasarap lang sa pakiramdam na ganito dahil sa amerika ay puro seryoso lagi ang mga tao pero ngayon, this feeling is what I really love the most.

Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti sa bawat aking madaraanan. Lahat kasi ng mga bagay bagay na nakikita ko ay binabalik lahat ng mga masasayang mga araw kong inilagi dito in past 6 years.

Ang mga pamilyar na amoy ng mga streetfoods na talagang pang pinoy ang lasa. Mula sa kwek kwek, adidas, isaw at marami pang iba na makakapagpatakam sa iyo.

Nawala ang aking antok dahil sa mga bagay na nagpapaalala sa akin kung ano nga ba ang buhay dito sa pinas ng bigla na lang tumunog ang aking tiyan. Mukhang gutom na pala ako kasi naman kahit business class yung flight ko ay hindi ko masyadong gusto ang mga pagkain roon dahil mas prefer ko talaga ang mga pagkaing pinoy kaya siguro nakatulog lang ako maghapon kahit hindi ako kumakain.

Nagtungo ako sa mga nagbebenta ng streetfoods at talagang mas pinalakas nito ang pagkalam ng sikmura ko dahil sa nakakatakam na amoy ng mga niluluto.

Lumapit ako isang tindahan at bumili.

Manong pabili nga po ng limang stick ng isaw at dalawang kwek kwek.” Sabi ko kay manong na nagtitinda na sa tingin ay nasa singkwenta pataas na ang edad niya.

Halata naman na medyonagulat si tatang kasi nagsalita ako ng purong tagalog at ang accent ko ay pang pilipino pero dahil nga sa itsura ko na sobrang gwapo ay aakalain mo talagang taga-ibang bansa ako.

Ginulat mo naman ako iho at napakahusay mo bumigkas ng mga salita nakangiting sabi ni manong tapos inabot na sa akin ang dalawang plastik na baso na may lamang limang stick ng isaw sa isa at yung kabila naman ay dalawang kwek kwek at parehas nang may sawsawan rito.

“Hindi naman po manong, laking pilipinas ho ako at purong dugong pinoy ang nananalaytay sa aking dugo” sabi ko kay manong habang nanguya ng isaw.

Ay napakaganda mong binata iho at mukha kang taga-ibansa kaya hindi ko inakala na isa kang pilipino” sabi ni tatang.

Natawa nalang ako sa sinabi ni manong. Totoo naman kasi, magandang binata talaga ako haha.
Patuloy lamang ako sa pagkain ng isaw ng isang stick na lamang nito at simulan ko na rin kainin ang kwek kwek. Sobrang sarap, ngayon nalang kasi talaga ako ulit nakatikim nito sa loob ng anim na taon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Constellation (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon