Chapter 29
"Hello?"
"Nakahanap na kami ng witness sa pagkamatay ni Mr. Trinidad and we have evidence too. The knife that used to kill Mr. Trinidad. Nakita nakin sa ilalim ng lupa. Ang fingerprint ni Ms. Arabella Villamontes ang nakita namin." Agad ako napatayo sa kinauupuan ko dahil sa narinig ko.
"T-Tagala? Good. Yung witness na nakausap niyo... Can I talk to him?" Nangingig na sambit ko sa kaniya.
"Opo."
Pagkatext sa akin kung saan ko siya pwede makausap umalis ako kaagad sa office ko.
Pagkatapunta ko doon tinanong ko lang siya ng mga bagay na kailangan kong malaman.
Kinabukasan I arranged the evidence that we found and requested to re-open the case of Lorence.
"N-Na buksan mo talaga ulit ang kaso?" Gulat na tanong sa akin ni Aira.
"Yeah... and the suspect is still Ara," I said coldly.
"Gosh. W-Why is she going to kill Lorence? They are good friends since we were a child." Hindi makapaniwalang sambit ni Aira. Kausap ko ngayon si Aira sa cellphone. Matapos niya mabalitaan na nabuksan ulit ang kaso.
"I'll call you later." Pagkapatay ko ng tawag binuksan ko ang tv at nakita ang balita tungkol sa pagkakaaresto kay Ara. I smirked and get my bag to go to the police station.
Habang nagdridrive papunta sa police station napansin kong may tumatawag sa akin kaya agad ko iyon sinagot.
"Do you already know whose Ara's lawyer?" Tanong sa akin ni Timmy.
"Nope. Who?"
"Si Raze." Sagot niya kaagad sa akin. Agad kong tinapakan ang preno dahil sa gulat ko sa narinig ko kay Timmy.
"N-No... No." Hindi makapaniwalang sabi ko.
"Mav..." naawang sambit niya. "I saw in the news. Nagpunta siya ng prisinto para puntahan si Ara." Dagdag niya. Hindi ako nakasagot sa kaniya. Wala sa sarili kong pinatay ang tawag.
Inilagay ko ang ulo ko sa manubela at ipinikit ang mata ko. Hanggang ngayon ayaw mag sink in sa utak ko ang narinig ko kay Timmy.
Bakit siya? Ibinigay ba sa kaniya ng boss niya?
Tinanggal ko ang pagkakalagay ko ng ulo ko sa manubela saka hinampas iyon. Pagod kong isinandal ang ulo ko sa upuan saka tuluyan na tumulo ang luha ko.
"Bakit kailangang ikaw ang maging abogado niya? Tinanggap mo? Gano'n siya kahalaga sayo na handa kang tanggapin 'yung kasong 'yon para sa kaniya? Kahit na alam mong importante sakin 'to?" Pagkausap ko sa sarili ko.
Huminga muna ako ng malalim bago magpunta sa police station. Habang naglalakad sa hallway papunta kung nasaan si Ara nakita ko sila Raze at Eros sa labas na seryosong nag-uusap.
So it's true. He will hold the case for Ara. Ngayon lang sa akin nagsink in na siya ang magdedefend kay Ara laban sa akin.
Pinili kong hindi sila tapunan ng tingin. Pumasok ako sa loob ng hindi sila tinatapunan ng tingin. Tinignan ko si Ara na gulat na nakatingin sa akin. Nakaposas ang dalawang kamay niyang nakapatong sa lamesa.
"We meet again," I said coldly. Naramdaman kong pumasok sila Eros at Raze dito. Pinilit kong hindi magpakita ng kahit na anong emosyon. Nanatiling malamig ang tungo ko sa kanila.
Wala akong ibang maramdaman kundi galit. Galit sa babaeng nasa harapan ko at sakit dahil sa pagkuha ni Raze ng kasong ito.
"Ms. Villamontes and Atty. Esquire... I'm Prosecutor Vergara and I'll be the prosecutor of this case." I said coldly.
![](https://img.wattpad.com/cover/258978471-288-k126779.jpg)
BINABASA MO ANG
Inclement Season 2
General FictionLas Rozas Series #1 (Book 2) COMPLETED *PROOFREADING* Atty. Raze Gedeon Esquire, the man with principle and moral. In his life, everything and everyone around him has use and purpose. He is a ruthless and manipulative lawyer. He can manipulate someo...