Start

4 3 0
                                    

Paulino Henmiez

Serene Rosas

▪︎•▪︎•▪︎•▪︎•
MANILA is a place that you'll always love. Hard alcoholic drinks, smokes, different lights and babes was sheer bliss. Parties and clubs was my life. Tamang pakasaya sa alak at babae ang libangan ko since this world was introduced to me when I was 16.

Hot girls are around me. Waiting to be dragged and hailed as my woman of the night. This is the world where I rule. I am the superior. Not until the bar was raided. I had no clue.

"Henmiez, Paulino? Laya ka na." Anunsiyo ng isang pulis sa selda na kinalalagyan ko, kasama na rin ang ilan sa mga kakilala ko sa club. Antok akong napaupo at napatingin sa pulis.

"Sino nagpyansa sa akin?" Takang tanong ko dahil wala naman akong kamag-anak dito sa Manila. At dahil na rin asa probinsiya ang mga magulang ko nakatira.

"Si Gov." Maikling sagot nito. Napakunot ang aking noo dahil hindi naman kami close ng Gobernor ng Maynila. Well, kilala ko siya dahil naging girlfriend ko ang anak niya pero ang laki ng galit nun sa akin dahil niloko ko ang anak nito. Baka nga siya pa ang nagparaid sa bar eh.

"Oh ano? Gusto mo bang umalis diyan o di?"

"May sinabi ba ako?" Maangas kong tanong. Napakamot na lang ng ulo niyang walang buhok ang pulis at nagdabog na sinara ang selda matapos kong makalabas.

Inayos ko ang suot kong black jacket at maong na pantalon dahil sa alikabok na dumikit dito. "Maynilang maynila pero wala man lang linis yung selda. Tsk. Tsk." Reklamo ko. Pansin kong mapatingin yung ilang pulis na malapit at nakarinig sa sinabi ko.

"Masyado ka na atang madumi dito sa Maynila, Pau." Sabad ng boses sa likuran ko. Naningkit ang mga mata ko dahil sa pamilyar na boses. Mabilis ko itong hinarap at natulos ako sa kinatatayuan.

"Gov., papirma po kami dito." Pagsisingit ng pulis na kalbo kanina at pinapirmahan ang isang papeles.

"Gov." I utter. Hindi makapaniwala sa nakikita. S-siya ang nagpyansa sa akin?

Pinaningkitan ako nito ng mata at sinuri ang kabuoan ko. "Naging pormal ka ata bigla, Pau? Hindi mo man lang ba yayakapin ang dad mo?" Tanong nito at dumipa. Nag-aantay na yakapin ko siya.

Lumapit naman ako dito at ambang yayakapin siya ng bigla ako nitong batukin ng napakalakas.

"Aw, f(:<)ck." Napamura ako dahil halos masubsob pa ako sa sahig.

"Kala ko pa naman maabutan kitang puspusang nag-aaral sa condo mo, pero sa kulungan pala kita makikitang bata ka!" Badtrip na sabi ni Papa. Shit. Pagdating talaga kay Papa tiklop ako, nyeta. Piningot pa ako nito at hinila pasakay ng kotse. Pinagtitinginan na kami bg lahat ng nasa loob ng presinto, rinig ko rin yung tawa ng pulis na walang buhok. Gag(~o~) yun ah!

"Kung hindi pa siguro ako dumaan ng condo mo, hindi ko pa malalaman mga pinag gagawa mo dito sa maynila. Buti na lang talaga dito ang meeting naming, tongue-na ka!" Galit na sermon nito ng nakapasok na kami ng kotse. Nakapag mura na diya dahil kami na lang ng driver at bodyguard niya ang nakaririnig.

"Sorry na po." Paumanhin ko na nakayuko. Takot ko lang na makita yung mukha niyang umuusok.

"Psh. Wag mo akong kausapin, Pau. Sumasakit yung ulo ko sayo. Your mom and I are disappointed. You crushed our expectations in you. Ano na lang sasabihin ng mama mo sayo?" Problemadong sabi nito at bumaling sa labas.

"Dad, sorry na nga po! Babawi ako next sem. Promise" sabi ko. Nawala na ata yung antok ko kanina sa presinto. Ang alam kasi nila ay maaga akong natutulog pagkatapos mag-aral. Well that was me before ko mag college. Nung asa probinsya pa ako, nasa isla. Medyo mahirap din kasi yung kinuha kong kurso pero napagsasabay ko naman sa night life ko. Medyo bumaba nga lang ako ng ilang puntos ngayong sem dahil sa dumami yung invites sa akin sa mga bar, pero kaya ko naman yung bawiin sa susunod.

"I just can't imagine na masasangkot ka sa illegal drugs, Paulino! Ano na lamang ang mararamdaman ng mama mo the moment na malaman niya ito? Baka nga alam niya na ngayon kung ano ang mga nangyayari dito! Mabuti sana kung pambababae mo lang eh, kaya ko pa yang isikreto sa mama mo kasi nasa tamang edad ka na pero, damn naman anak, iba na ito eh! Drugs! Bars!" Nagtitimping sigaw nito.

"But dad hindi ko naman yun ginagawa! I never tried using party drugs or what. Like you said, illegal is illegal."

"At kasama ay kasama, Paulino! Kahit di mo ginawa, dawit pa din ang pangalan mo doon sa club na iyon! That would drag our name down!"

"At ayoko na lumala pa ito. You've done enough here in Manila. It's time for you to go back." Pinal na pahayag nito. I looked at him confused, lalo na ng bigla kaming dumiretso kesa sa lumiko papunta sa condo ko.

"W-what? Dad! Wrong way na tayo! Kuya, sa kabila yung condo ko!" I started to panic. Why now?! Shit si Trina! Napahilamos ako ng mukha dahil hindi ako pinapansin ng tatlong kasama ko.

"Go back, where?" I asked dad.

"Home, son. At ang ingay ingay mo, alam mo ba yun? Jay, make him sleep." Utos niya sa lalaking nasa passenger seat. May kinuha itong kung ano sa dashboard at nilagay sa panyo. Shit, is that what I think it is?

Bago pa man ako makareklamo at makaiwas ay naamoy ko na ang pampatulog na nasa panyo. Shit! Daming alam ni Papa!

"Sumbong kita k-kay Mama!" Sabi ko sa kaniya at napapikit na lang hanggang sa sakupin ako ng dilim. Si Trina nga pala!

+×+×

Desclaimer

This is a work of FICTION.

Names, characters, places and incidents are either the product of the Author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual person, living or dead, business establishments, events, other works, or locales is entirely coincidential.

No part of this book may be revised, produced, scanned, or distributed in any printed or electronic form without PERMISSION.

PLAGIARISM IS A CRIME.

+×+×+

Author's Note:
Enjoy reading, buddies! And please bear with me. I am only using my phone in writing this story. But I'll try my best to use my laptop next time-when the internet connection is stable enough-but yeah! I'll do my best.

×+×+×

Started: May 02, 2021
Status: Ongoing

The Island's UntouchableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon