The Island's Untouchable: One

1 2 0
                                    

Chapter One:

"Babaero"

"Ugh sh-ate naman oh! Di na ako iinom nyeta!" Usal ko at nag gulong gulong sa higaan ko. Napadami ata ang inom ko kagabi, my head hurts a lot. Siguro naman naipag order na ako ni Trina ng makakain pampabawas ng sakit ng ulo.

"Paulino! Bumangon ka na dira (diyan)! Buysit kang bata ka! Namu kaaa! Sarap mong balatan ng buhay at ibalik sa sinapupunan ko!" Sigaw niya habang hinahampas ako ng unan ng paulit ulit at palakas ng palakas. Shit! Bigla kong naalala mga nagyari sa akin bago ako kinidnap ni Papa't pinatulog.

"Ma! Si Papa! Kinidnap ako!" Pagsumbong ko sa kaniya ng huminto na siya sa pagbugbog sa akin gamit ang unan.

"Ugh, shit ang ulo ko!" Kinapa ko pa ito at may naramdaman pa akong bukol na maliit.

"Mabuti nga yun at ng mahinto na yang kaka-bar mo! Haay. Bilisan mo na diyan at kakain na." Sabi nito at itinapon sa mukha ko ang unan na hawak niya.

"Nyeta naman oh! Yung phone ko!" Mabilis kong hinalughog ang bulsa ko para hanapin ang cellphone ko. Tumambad sa akin ang lampas 100 na missed call. Halos lahat ay galing sa iba't ibang babae na halos pare-pareho na ang endearment. Hindi ko yun pinansin at binuksan naman ang messages.

"Man! You're all over the news! You alright? Sabi ko naman sayo na mag pass ka muna kagabi eh. Nasangkot ka pa tuloy. Babae pa more!"

"Shit bruh! Naisahan ka ng tatay ng ex mo ah! Balita ko yun daw ang nagparaid ng club. Saan ka na ngayon? Inom tayo!"

"Naka ilan ka kagabi, Pau? Hahahah. Hinanap ka ni Trina dito sa amin, saan ka?"

"Babe? I heard you're out from jail. Where are you na? Don't tell me, nasa ibang bahay ka na naman!"

I sigh. Nireplayan ko sila Jonas, Kierth, at Charles. Hinayaan ko na muna si Trina dahil paniguradong tatalakan na naman ako nun kapag malaman niyang nandito ako sa probinsya namin. At hindi ko alam kung anong problema dahil ang hina ng net dito. I hate it here..

I texted the guys na dinala ako pauwi ni papa ng probinsya at nagsorry na rin in advance dahil magtatatalak na naman yung si Trina sa kanila. Trina is my ex. We had a strong relationship back then but yea, parang kami pero hindi. She's just around me all the time. Maliban na lang nung naraid yung club. There was an emergency at her job that time, on her modeling agency. I wouldn't say na walang nangyayari sa amin even though were not in a relationship. Baka bigla akong kidlatan kapag ideny ko diba?

I got up and did my morning routines. Kahit na lalaki ako, I have to do some skincare routines to maintain my handsome face. Easy chick kapag ganun. At pumunta na ng dining area. I almost got lost dahil madami ang nabago dito sa bahay since 4-5 years na din akong hindi umuuwi dito. Hustle din kase at nakakapagod ang land travel at sea travel papunta dito lalo na kung masama ang panahon ay paniguradong drained ka pagdating dito sa isla ng Romblon. Buti na lamang at may nakasalubong akong isang maid at syempre pinormahan ko muna bago ako nagtanong kung saan ang dining area.

"Hey, miss. Uh hi!" Pinigilan ko siya sa paglalakad gamit ang paghawak sa braso niya. Namula naman ito ng makita ang mukha ko. Ang gwapo ko talaga.

"S-sir? Bakit po?" Tanong nito at yumuko dahil nahihiya. Mas lalo pa itong namula dahil sa pag-utal nito.

I smirked, "I was looking for the dining area but it seems that I got lost. Good thing you found me, Honey."

She looked at me with wide eyes. Tinuro naman niya ang daan gamit ang kamay niya dahil hindi na ata ito makapagsalita. Oh Pau, hindi ka pa rin kumukupas.

The Island's UntouchableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon