Chapter 4

1 0 0
                                    









SERAH'S POV






  ** BACK IN HIGHSCHOOL **







Nasa kusina ako at nag babalat nang prutas nang may nag text sakin. Nang binuksan ko ang mensahe ay na gulantang ako, maya maya ay nakabawi ako, para akong baliw na kinilig nang subra! Kaya naman nag mamadali akong tinawag si Auntie na nag lilinis nang bahay.








"oy! Pag hinay sarr, madagma kang bataa ka" sabi ni auntie sakin dahil sa patalon talon kong ipinakita sakanya ang aking cellphone "unsa mana? Di ko kabasa ug tarong, unaha sa nang ambak ambak nimo diha!" pagsabi niya. Kaya huminto ako, ngunit di ko pa rin mapigilan ang nararamdaman ko. Para akong kilig na kilig dahil nayakap ni Scott Adkins. Hihi



Translated: oy! Dahan dahan sarr, madapa kang bata ka!

Translated: ano ba yan? Di ko mabasa nang mabuti, unahin mo muna yang pag talon talon mo dyan!






Humagikhik ako nang binasa niya na ang mensaheng natanggap ko. Nakita ko kung pano nag iba ang mukha niya, galing sa pagkakunot noong nagbabasa, dahan dahan din siyang nangiti. Matapos niyang mabasa nang tuloyan ay niyakap niya ako nang mahigpit na mahigpit! "congats sarr" si auntie, nangilid naman ang luha ko nang mabatid ko ang mamasa masa niya ring mata.






Nakatira ako sa Auntie ko na kapatid nang mama ko. Yung mama ko kase ay lasenggera na halos wala nang pake saamin nang kapatid ko, tatlo kaming mag kakapatid at ako ang bunso sa amin, ang panganay sa amin ay si ate Sabrina at ang sumonod naman ay si Sibastian.






Matapos naming mag drama ni auntie ay nag impake agad ako para sa pag alis papuntang Ford Mindanao Academy. Nag register kase ako sa ka una unahang batch nang scholarship nila, dahil sa 100th  birthday nang great great grandfather nang may-ari. Marami rin ang nag apply kaya di ko mapigilan ang gigil na sayang aking nararamdaman! SA WAKAS! MAKAKAPAG-ISA NA AKO SA BUHAY!






Mabilis na dumaan ang araw. Araw nang lipatan nang mga students. Not the officially pasukan, isang linggo ang ganto dito. Depende kung kaylan mo gustong pumasok bastat maka pasok ka nang di pa natatapos ang linggong ito. Sa linggong ito mo gagawin ang paghahanap mo nag iyong dorm, pag sali sa mga sports or kahit anong activities like dancing, singing, poetry, or anythings like that. Yan ang pinakadapat meron ka sa school na to. Kaya ako natanggap dito dahil na rin siguro sa kakayanan ko nang softball. Nag entry ako nang isang laro! Na mahigit isang oras! Dugo't pawis ang binuhos para makapasok dito. Dahil kung di mo afford dito or wala kang connehshons! Hu! Mag layas nalang.






Pero laking pasasalamat ko at napunta ako dito, dahil imimaintain ko lang yung grades at sports ko? Sagot na ako sa lahat. Yan daw yung pamigay nang May ari nang school na to. Di ko talaga maipagkakaila. Pwede na akong mamatay ngayon na! Joke. Pag nakatapos ako dito, solve na lahat sakin, makakakuha na ako nang matinong trabaho at kayang kaya ko nang buhayin ang sarili ko.






Di ako maarteng babae, infact medyo boyish ako, babaeng babae naman ako, gusto ko lang magpakaboyish dahil sa wala sa utak ko ang makapagkasama nang lalaki? Basta, parang ang bastos kase sakin.






Naglalakad ako sa isang building.. Ito daw yung dorm nila, walo daw sa iisang dorm, pina desenyo at pinagawa daw ito para ilaan sa plano nilang mga scholar.







Sana naman makasundo ko ang mga ka dormmate ko. Nang makita ko ang dorm number ay snwipe ko yung keycard para mabukas, dahan dahan ko binuksan pero matapos ang pinto ay may isa na naman glass door? Nakakamangha naman, mas maganda pa sa bahay namin, nang inislid ko yung glass door tsaka bumungad saakin ang napakalawak na salas. nakanganga akong nilibot ang buong ulo ko! Sa kabilang gilid papunta sa kisame sa sahig at patungo sa kabilang gilid nang silid. May isang medyo malaking pinto sa left side ko, na ang hula ko ay kwarto. Sa right side naman ay dining area at kusina may makikita ka ring isang pinto sa gilid nang kusina na siguro ay banyo? Pumunta ako sa sofa at binagsak ang katawan tsaka ko rin sinandal ang aking ulo. Ang sarap naman— di ko natuloy ang nasa isip ko dahil sa narinig kong parang haguhol na iyak? Sino yun? Naririnig kong galing yun sa pinaghinalaan kong kwarto. OMG! Namilog ang mata ko sa iniisip ko, ito ba yung witch sa larong zombie zombie sa internet cafe? Nagtindigan ang balahibo ko sa sariling naiisip ko. Ano ba naman to, di ba nila to pinabinyagan bago gamitin— naputol ulit ako nang tuloyan nang nakalapit sa pinto.







The Eight Tarantadaz Beautiness Where stories live. Discover now