Twenty-Two

4 0 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Five Years Ago...

"WOW, PAPA!! Ang ganda!!" Bulalas ng katorse anyos na si Kaleide habang nakatanaw sa mga floating cottages na nadaanan nila habang sakay ng malaking bangka.

Those cottages are cool to look at for Kaleide dahil iyon ang unang pagkakataon na nakakita siya ng gan'on. And the ocean water where the cottages float are clear as glass kaya kita niya sa ilalim niyon ang puting buhangin.

Ang mangrove forest na nasa tabing-dagat, sa likod ng cottages, ay malalago at berdeng-berde and it makes the view more lovely. Tinernohan pa ng magandang panahon ang asul na dagat kaya maayos ang takbo ng bangkang sinasakyan nilang mag ama.

"Oo anak, that's why I choose this place for you to take your vacation." Pasigaw na wika ng ama niya dahil malakas ang makinang pandagat at hindi niya ito maririnig kung gagamitin ang natural na lakas ng tinig nito.

"Salamat po papa!! Pero dapat kasama natin si mama ngayon! Sayang naman!" Iniwan nila ang mama niya sa maynila dahil abala ito sa tinatayong café na matagal na nitong pinapangarap na itayo.

"Hayaan mo, sa susunod isasama natin ang mama mo dito! Promise!" Pangako ng ama niya dahilan para mapangiti siya ng malawak.

Nilampasan nila ang floating cottages at muli na naman siyang namangha sa cliff stone na nakita. Isa iyong malaking bato at ang babagsakan sa cliff ay ang batuhan sa ibaba na konektado sa dagat. Malakas ang paghampas ng alon sa ibabang bahagi ng cliff stone na iyon, which adds the beauty of it. Tila naging palamuti ang mga tubig na humahampas doon mula sa malalakas na alon.

Kagaya sa may floating cottages, ang tubig dagat sa parteng iyon ay malinaw at kita ang ilalim. He even saw some fishes kaya tuwang-tuwa siya. Parang gusto na niya maligo sa dagat dahil sa ganda niyon.

"Anong pong tawag dito?" Usisa niya sa kasama ng nagmamaneho ng sasakyan sa dagat.

"Unico ang tawag sa parteng iyan. Sabi ng matatanda pag nagiisa kang anak, babae ka man o lalaki, ay mamamatay ka pag dumaan ka dito." Nanlaki ang mata niya at nahintakutan sa sinabi nito, he's afraid lalo na't nagiisang anak lang siya ng mga magulang niya.

Natawa ang pinagtanungan niya sa naging reaksyon niya at ginulo ang buhok niya. "Pero 'wag ka mag alala, mga kwentong matatanda lang iyon, hindi naman totoo ang kwentong iyon."

"Then, can I swim there?" Maganda kasi talaga doon, parang swimming pool lang kaya gusto niya masubukan lumangoy doon.

"Tanongin mo ang papa mo, baka p'wede." Tumango siya dito at agad lumapit sa ama na abala sa pakikipagusap sa tourist guide nila.

"Papa, p'wede ba tayo pumunta sa parteng 'yon?" Aniya sa ama bago tinuro ang Unico na tinatawag ng mga taga roon. Agad bumaling ang ama niya sa guide nila at tinanong kung p'wede ba.

"P'wede daw, basta huwag lang tayo lumangoy papunta sa batuhan dahil baka anurin tayo at mahampas sa mga bato." Baling ng ama niya matapos magtanong sa guide na kasama nila.

Natuwa siya at agad niyakap ang ama sa sagot nito lalo na sa magandang blowout nito para sa kanya. Well, he worked for it. Nangako ang ama niya na dadalhin siya nito sa pinakamagandang lugar basta makasali siya sa honor students. And because of his competitive attitude ay nakasali nga siya sa honor students na pinaghirapan niyang makuha.

The boat's butt strands on the sand when they reached their destination. Bumaba siya sa bangka at muling namangha sa long beach at sand bars na kita niya mula sa kinatatayuan. He turn around and his eyes were welcomed by the island in front na parang nakabalandra iyon doon para maging palamuti. At may parola sa burol niyon na magandang tanawin kung nasaan  sila ngayon.

Fragments of Lost MemoriesWhere stories live. Discover now