Chapter 6

17 2 0
                                    

"Stop struggling and just come with me!" Hindi mapigilan ni Keyller ang mainis dahil sa patuloy na panlalaban sa kanya ng dalaga.

"Sabi nang magsalita ka ng Tagalog at hindi kita maintindihan!" she rebutted while flailing her legs and trying to kick his back.

Napailing nang wala sa oras si Keyller. Kanina pa sila nag-uusap ng dalaga pero hindi pa rin sila nito nagkakaintindihan. Ni wala siyang ideya kung ano ang pinagsasabi nito at pakiramdam niya ay naglalakad siya sa dilim na hindi alam ang patutunguhan. He needs someone to translate for him. Pero sino? He can't just ask Chloe or else Boss Trace will kill him.

But who?

Keyller let out a frustrated sigh when he reached outside the building, but still couldn't find someone who could be his translator. Sa likod siya dumaan upang maiwasan kung sino mang kasamahan ng lalaking napatay niya ang sasalubong sa kanya at upang makatakas sila nang mabilis.

"Bakit mo kasi ako kinuha hindi naman kita kilala! At bakit mo pinatay ang bantay ko!?"

Keyller only understood a few words, like, pinatay and kinuha. Other than that ay wala na siyang naintindihan sa sinabi ng dalagang bitbit niya kaya hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad habang pasan pa rin ito.

May mga kotse na naka-park sa likod ng building at hindi nag-atubili si Keyller na kalikutan ang lock ng isa sa mga nandoong kotse niyon at nagtagumpay naman siya nang walang kahirap-hirap. Matagal niya ito na naging gawain, ang bukas-kotse, noong miyembro pa siya ng isang maliit na sindikato sa Italy.

Nang maalala iyon ay hindi niya maiwasang maalala ang butler niya, si Montague. Is he still alive? He should be! You should be alive because you still need to pay your debt to me!

"Saan mo ako dadalhin? Ibalik mo ako doon sa loob!"

Ang sigaw ng dalaga ang pumukaw sa lumilipad na utak at nagpabalik sa diwa ni Keyller. Muli siya nitong pinagsusuntok sa likod at pinagsisipa sa dibdib. Sa likuran niya nakaharap ang mukha ng dalaga kaya ang puwetan nito ang nasa mukha niya. At sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang tinampal ni Keyller ang maumbok na puwetan nito.

Hindi niya alam kung dahil gusto niyang patigilin ang dalaga sa pagwawala nito o naa-attract siya sa seksi na katawan nito. But he discard the latter as fast as lighting. He is not attracted to someone, and never will be.

"Shut up!" he shouted and shoved the girl inside the car after succeeding in opening it. "Just keep your mouth shut. I am saving you from those people and you are still a fit?!"

Keyller slammed the door closed after settling her seat belt to prevent the woman from escaping. Nakaposas pa rin ito kaya hindi malaya ang kamay nito upang tanggalin ang seatbelt. Matapos masigurong hindi ito makakatakas ay pumunta siya sa driver seat at saka muling may kinalikot na mga wires doon upang subukang paandarin ang kotse na hindi gumagamit ng susi habang panaka-nakang tinitingnan ang babae sa salamin at sigurohing hindi ito makatakas.

Why the fuck am I doing this? I loathed women, but why am I indifferent to this particular girl who doesn't even understand me!?

Nang matagumpay na mapaandar ang sasakyan ay mabilis na pinaharurot iyon ng binata palayo sa naturang building. Forget about the auction. Wala siyang pakialam kung mapaparusahan siya ulit ni Aoife dahil sa pagsuway sa utos nito basta ang mahalaga ngayon sa kanya ay mailigtas ang babae.

Muli niya itong sinulyapan mula sa salamin at nakita ang nakabusangot pa rin nitong mukha but Keyller found it cute that he couldn't help but twitch his mouth. He felt something itchy inside his heart while staring at her, but that itchiness felt comfortable that he kept glancing continuosly.

Keyller Rafe Hayes (Wild Men Series #34) TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon