***
"Patawad, pero hindi ko po sinusubukang tumakas!" Halos maipit ang mukha ni Lot 520 habang malakas siyang tinutulak sa pader ng lalaking nakakita sa kanya. Isa itong bantay ng sindikato na nakatoka sa kanya. Hindi rin siya puwedeng lumaban dito kasi alam niyang hindi ito kalaban kaya nagpaubaya siya kung sa ano ang gustong gawin sa kanya ng bantay.
Magkasama sila kanina ni Doctor Lacsamana ngunit naligaw siya habang naghahanap ng banyo dahil napahiwalay siya sa doktor nang hindi sinasadya sa dami ng tao sa lobby nang bumaba sila kanina mula sa klinika ng doktor. Ayaw niyang isipin na sinadya ng Doktor na itakas siya roon kahit iyon ang totoong dahilan.
Nandito sila ngayon sa isang malawak at malaking building at walang ideya si Lot 520 kung saan ang lugar na iyon. Wala rin siyang ideya kung bakit si Doctor Lacsamana lang ang kasama niya samantalang may mga bantay silang kasama kanina bago umalis sa basement na kinakukulungan nila. Kung paano natakasan ng Doktor ang mga bantay ay palaisipan kay Lot 520, mukha kasing may ibang tumulong sa Doktor.
"Huwag ka nang magmaang-maangan pa! Kung akala mo makakatakas ka, nagkakamali ka! Huwag kang managinip nang gising at isiping makakaalis ka sa poder ni Boss!"
Impit na napaiyak si Lot 520 dahil naramdaman niya na sumasakit na ang mukha niya sa pagkakatulak sa pader.
"Hindi po talaga ako tumatakas! Nagsasabi po ako ng totoo. Naligaw lang po ako." Sinubukan niyang magpaliwanag kahit pumipiyok ang boses ngunit hindi siya pinakinggan ng lalaki.
Hindi gaanong matao sa koridor na kinaroroonan nila pero walang pakialam ang bantay at sinaktan pa rin siya kahit may mangilan-ngilang dumadaan.
Kahit kailan ay hindi niya iniisip na tumakas. Nagsasabi siya ng totoo na naligaw lang siya dahil sa sobrang laki ng building na kinaroroonan niya at hindi siya pamilyar sa mga ganitong klaseng lugar. Isa pa ay daming pasikot-sikot ang naturang gusali at hindi rin naman siya marunong magbasa ng mga senyales na nakapaskil sa pasilyong nadaanan niya. Kaya hindi niya namalayang lalo siyang napalayo sa dotor na kasama na ngayon ay hindi na rin niya alam kung saan.
The guard scoffed and didn't let her go. May kinuha itong posas sa bulsa nito at mabilis na pinosasan ang dalawang kamay niya upang siguraduhing hindi na siya makakatakas.
"What the fuck are you doing? Let her go!"
Just then, a cold and strict voice resounded. Biglang nanlaki ang mata ni Lot 520 sa narinig na hindi pamilyar na boses at pilit niyang hinanap kung saan nanggaling ang tinig na iyon. Imbes na matuwa dahil may nais tumulong ay lalo lamang siyang natakot at baka lalo siyang saktan ng mga sindikato. Ito raw ang tawag sa mga taong may hawak sa kanya ayon kay Doktor Lacsamana.
"Huwag kang makialam dito! Umalis ka bago ko pa pasabugin 'yang bungo mo!"
Pilit na inangat ni Lot 520 ang mukha para lang hanapin kung sino ang bagong dating at nang makita iyon ay ganoon na lang ang pagkasindak niya.
Madilim ang mukha ng lalaki habang nakatingin sa kanila pero hindi pa rin niyon maitatago ang taglay nitong kaguwapuhan. Makapal ang magkasalubong nitong kilay at dahil doon ay lalong naging istrikto ang mukha nito. Ang mata nitong kulay tsokolate ay nababakasan ng pagkayamot.
Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ni Lot 520 sa hindi malamang kadahilanan. Kahit hilam sa luha ang mata ay nais pa rin niyang titigan ang nakakabighaning tsokolateng mga mata ng lalaki. Nais niyang itulak ang lalaking nasa likuran niya upang makalayo rito at lapitan ang bagong dating ngunit walang lakas ang dalaga.
"I don't fucking understand what you are talking about, but if you insist on pinning that girl on the wall, I might as well do the same to you. I'll count to three. If you don't step back, I will crack your head open!"
BINABASA MO ANG
Keyller Rafe Hayes (Wild Men Series #34) Tagalog
Narrativa generaleUpang mapaghigantian ang pumatay sa pamilya niya ay pinasok ni Keyller ang grupo ng Foedus para makahingi ng tulong. Ang Foedus ang grupo ng mafia na kinatatakutan sa underworld. Sa kanyang paghahanap sa suspek ay nakilala niya si FReesha, aka Lot52...