Soulmates

1 1 0
                                    

Title:
Soulmates (Novel)

Genre:
Romance, Comedy

Teaser:

Sabi nila...

"Kahit gaano man kabagal ang ikot ng mundo at kagulo ang takbo nito. Sa huli, may natatanging tao na ibibigay ang tadhana para sa 'yo...

Ang SOULMATE mo."

Parang ganito...

Parehong nabigla mula sa pagkakayuko ang isang binata at dalaga, nang sandaling magkadikit ang mga daliri nila sa loob ng kalis na pinaglalagyan ng benditadong langis sa may pintuan ng simbahan.

Dahan-dahan silang nag-angat ng ulo at nagkatinginan. Tipid na nagkangitian sa isa't-isa dahil sa weird response ng mga katawan nila sa simpleng dampi na 'yun.

"Ahmm.. conductor na rin pala ng kuryente ang langis, akala ko tubig lang," basag ng binata sa awkwardness sa pagitan nila.

"Akala ko nga rin. Pero taga-Meralco ka ba? Ang lakas ng ground mo, eh."

Napangiti ang binata, "Hindi eh. Architect ako, hindi lineman."

"Ganun ba? Kaya pala. You start to build my dreams na, eh."

They both laughed on their own antics. Pero kalaunan may napansin ang dalaga.

"Seryosong tanong. Nagkita na ba tayo?"

Umiling ang lalaki. Wala itong maalala na missed encounter nila. At kung meron man, hindi nila hahayaang pakawalan ang isa't isa nang ganun lang. Love at first sight hit them big time.

"Sa tingin ko ngayon lang tayo nagkita. Bakit? Minsan mo na ba akong napanaginipan na ama ng mga anak
mo?"

"Hahaha! Loko! Hindi pa naman. Pero kidding aside tho, you look familiar.."

"Ganun ba? Well, hindi pa naman huli ang lahat para officially magkakilala tayong dalawa, right?" He extended his hand for a handshake, "I'm Bright Robles."

Buong lugod namang nakipagkamay ang dalaga, "Oo naman. I'm Tala, Tala Mendez."

Sa bawat pagyugyog ng mga kamay nila sa isa't-isa, masinsinang pinagmamasdan ni Tala ang mukha nito. And there, sa malalim nitong dimples sa kaliwang pisngi, naalala niya kung saan niya ito unang nakita.

"OMG! Naalala ko na! Nakita kita sa sketchpad ni Nanay!"

"Sketchpad?"

"Sketchpad?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mchay101's StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon