CHAPTER 2

44.9K 722 11
                                    

Chapter 2



Umaalingaw-ngaw at tumatagudtog ang malakas na musika sa loob ng Le Vieux Port bar at puno ng mga taong nag iinuman at nag sasayawan. Umaalingasaw din ang amoy ng alak at sigarilyo na mas nag bibigay intensidad sa mga tao.

Hindi na mabilang ni Elise kung ilang customer na ang napag silbihan niya. Aminadong natutuwa siya dahil hindi niya inaasahan na ganito kadami ang mga taong pupunta ngayong gabi sa Le Vieux Port bar, kulang ang bilang ng waitress para sa mga ito kaya naman hindi rin siya mag kanda ugaga sa pag kilos.

"Here's your order ma'am" aniya sa grupo ng mga kababaihan na naka upo sa pa-letrang C na upuan. Inilapag niya ang tray na may lamang alak at dalawang bucket ng ice cube.

Pangatlong balik na rin niya ito dahil kada mauubos ang inumin nila ay tinatawag siya ng mga ito para umorder ulit. Sa pangatlong balik niyang ito ay napansin na niya na namimikit-mikit na ang mata ng mga ito dahil sa kalasingan at dahil na rin sa taas ang level ng alcohol na kanilang ino-order.

"Thank you Ms." Pasalamat ng babaeng kulay blonde ang buhok at naka suot ng black na bodycon na hapit na hapit sa katawan nito kaya naman kitang kita ang ma-umbok nitong hinaharap.

"Want a shot? It's pretty good" matinis na boses ng isang babae na tumayo at nag lakad papunta sa kaniya at inabot nito ang isang basong may alak.

Agad siyang napa ngiwi ng maamoy ang alak na iyon. Sa tanang buhay niya ay hindi pa siya na-kakainom ng kahit anong klase ng alak at kahit kailan ay hindi niya iyon susubukan.

"P-Pasensya na po, hindi po ako umiinom salamat nalang po" paumanhin niya habang naka ngiwi pa rin at kinukumpas ang isang kamay para ipabatid na ayaw niyang uminom.

"One shot won't kill you, girl, come on" pamimilit pa nito sa kaniya at nag si-udyukan na rin ang ibang kasama nito.

Wala siyang magawa kundi ang ngiwian ang mga ito. Hindi talaga siya umiinom, base palang sa amoy ng alak ay parang masusuka na siya.

Paano kung inumin niya iyon at malasing siya agad?, alam niyang mataas ang level ng alak na iyon kaya paniguradong mahihilo agad siya, at first time niya ding makakainom kung sakali, kaya baka tamaan siya agad.

"Pasensya na po, hindi po talaga ako umiinom, tsaka kailangan ko na pong umalis, marami pa kasi akong aasikasuhing customer" giit niya sa mga ito.

Bagsak balikat nalang ang itinugon sa kaniya ng mga babae at nag pasalamat siya at hindi na siya pinilit ng nga ito. Ngumiti siya ng mapakla bago umalis at nag tungo sa bar counter.

Pag karating niya doon ay pabagsak siyang umupo siya sa harap at inilagay sa bar counter ang tray na hawak niya.

"Pagod ka na ba?" pukaw na tanong sa kaniya ni Josh, sadyang nilakasan nito ang boses para marinig niya.

"Sakto lang" ngiti niyang tugon dito.

"Nakita ko 'yon" may pag tataka niyang tinignan si Josh.

"Nakita ang alin?" tanong niya.

"Pinapa-inom ka ng mga babaeng yun kanina" ngumuso ito para ituro ang grupo ng kababaihan na huli niyang binigyan ng order sa hindi kalayuan.

"Ahm, p-pero hindi ko naman tinanggap 'yon, tsaka hindi ako umiinom" agad niyang sagot kay Josh.

"Nakita ko rin 'yon... Mabuti at hindi mo ininom, matataas ang kalibre ng mga alak dito, hindi bastang normal na alak na nabibili mo lang sa tindahan" anito na nahihimigan niya ng pag babala "Tsaka wag kang basta-bastang iinom ng mga alak na ibibigay nila sayo, dahil baka hinaluan na nila ng kung anong gamot 'yon" dagdag pa nito sa kaniya.

My Possessive and Obsessed BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon