11

13 0 0
                                    

Nakakulong

Habang ang araw ay malaya,
kapangyariha'y pinapakita,
sa mga atensyo'y nagpapakasasa,
pero may napag-alam silang iba,
kaya lahat ay naawa.

Naawa dahil sa likod nito
ang buwan ay nakatago,
nakakulong sa kanyang anino,
nakakulong kagaya ko.

Nakakulong ang pagmamahal sa'yo.
'Di pwedeng palayain—magkakagulo.
Nakakulong lang dapat,
dahil ito'y nakakabuti sa lahat.

Ako ang buwan,
na nakatago sa araw na iyan.
Hindi ko kailanman malalamangan,
na siya ang dahilan,
kung bakit ka masaya at nagkakaganyan.

(June 20, 2019)

—pray. believe. fight.

For You. Para sa'yo. Para sa imo. Where stories live. Discover now