"Trish!!" sigaw ng nanay ko mula sa labas ng kwarto ko. "Oras na para bumangon ka dyan , hindi kita pinapakain at pinag aaral para lng humilata ka dyan!! Bumangon kna at malalate kna" dugtong niya.
"Haaay ! buhay. Tsk kelan ba kasi ako magiging malaya sa bahay na ito".
Tulad ng dati q ng nakagawian, babangon ako, uupo sa harapan ng salamin , kakausapin ang sarili.
"Maganda ba ako?" Nakasimangot na sabi nito.
" Bakit ba walang nagkakagusto sken?" . "Mabait naman ako, maalaga, masipag at mapagmahal. Ano ba kasi ang kulang? Sabihin mo ano??.
"Kagandahan".
"Huh?? Salamin ikaw ba yan?? nagtataka na sabi ko.
Hanggang naramdaman ko na lng ang pagtuktok ng nanay ko sa ulo ko.
"Aray ! Nay naman ! " sabi ko habang hinahaplos ko ang ulo ko.
"Alam mong bata ka, nagpapantasya ka na nman eh ! kelan ba magiging malinaw sau na "pangit ka, pangit, pangit". gigil na sabi nito.
"Nay" naluluhang sabi ko.
"Bumaba kana at kumain ka. Malalate ka na naman ! dalian mo kung hindi malilintikan ka talaga sken." pagkasabi ay bumaba na ito.
Naiwan ako na nag iisa sa loob ng silid ko. Umiiyak at naguguluhan.
"Bakit ba ako laging nasasaktan tuwing sinasabihan nila akong pangit?"
-------------------------------------------------------- Guys follow me on instagram @iamtrish_dada