"Pre kayo ba yung bago rito?" Nagulat naman ako sa biglaang tanong ni Manong na kakasakay palang sa Jeep na minamaneho ko. Sinong hindi ba namang magugulat sa itsura niyang yan?
Pormang manghoholdap kasi eh (yung tipong pinapanood mo sa teleserye)"Kingina naman manong e! Nakakagulat ka naman, opo kami nga po yun." Sagot ko nalang syempre kelangan may galang (kahit hindi ko gawain yun) kase baka totoong holdaper nga to. Wala na nga kaming makain tas hoholdapin pa? Huwaw kuya ambait mo po!
Tahimik lang na tumango si manong saka dumiretso nalang ng tingin.Habang nagdadrive ako si Papa at Blaze naman nakalambitin sa jeep o kaya pag nangangalay na uupo muna yung hagdanan para makapasok. Hindi naman pwede silang umupo sa upuan talaga dahil ano sila pasahero? Ulul.
Pero hindi naman lagi ako ang driver syempre kakapagod kaya lumambitin sa jeep try niyo, syempre kabado ka pa baka mahulog ka ng wala sa oras (kahit wala namang tamang oras para mahulog). Eh paano kung pasmado ka pa? Delikado na buhay mo.
"Papa Blaaaaze pwede ka naman dito sa tabi ko oh maluwag." Tawag ng isang bakla kay Blaze, hindi ko nanaman mapigilan ang tawa ko kaya inis talo nanaman sakin si Blaze ugok pinageenglish nanaman ako ng todo Ako naman snob bahala siya sa buhay niya Hahaha!
Si manong naman na nasa tabi ko chill chill lang habang naglalaro ng clash of clans napaisip tuloy ako kung nakaw ba yun or binili talaga. Hindi niyo ko masisisi kase ba naman mukang magnanakaw talaga pramis! Walang halong biro, tindig at porma palang matatakot saka biglang karipas ng takbo ka na e!
"Ah, kuya matanong ko lang." Biglaan kong tanong.
"Hmm?" Sagot niya ng hindi lumilingon saken. Aba nga naman sa gwapo kong ito sa isang laro lang matatalo? Isnobin ba naman daw ako?
"Nakaw niyo ba yan or sarili niyong binili?"
Gusto ko sanang itanong yan kaso baka mabugbog pa ko neto wala kaming pampaospital. Imbis na yan ang itanong ko eto natanong ko.
"Matanong ko lang, matagal na po ba kayo naninirahan dito?"
"Ah oo matagal tagal na rin hijo." Sagot niya hindi parin niya ako nililingon peymus si koya oh.
"Edi kung ganun kilala niyo bawat taong nakatira rito. Sino po ba yung PINAKAchix sa lupain na 'to?" Hindi ko mapigilang tanungin. Ilang araw na kaya akong tigang ayoko naman ng easy easy babes lang nu.
Dahil sa tanong kong yung napatigil si koya sa paglalaro ng coc saka ngumisi sa akin. Talagang tinitigan ako ng mabuti, kuya lalaki po ako at hindi ko po kayang ibenta ang sarili ko.
"Gusto mo ba talagang malaman? Baka masaktan ka lang kung makilala mo pa yung PINAKAmagandang dilag sa lupain na ito." Todo parin ang ngisi niya sa akin. Nagseryoso nalang ako sa pagdadrive dahil nakakailang talaga yung titig niya sakin.
"Ako pa ba? Sus easy! Hindi ako baguhan sa mga ganyan manong ibahin mo ako." Kinindatan ko pa si manong saka ngumisi na rin.
Nagkibit balikat lang siya "Ikaw ang bahala basta pakatatandaan mo lang ang pangalang Pink." Saka siya bumaba.
Tangina. Pangalan pa ba yun? Color yun e! Color! Pinagloloko yata talaga ako ni Manong.
Binaliwala ko nalang yung sinabing pangalan ni kuya dahil mukhang hindi naman nageexist ang ganung pangalan.
BINABASA MO ANG
Girl Gamer Girlfriend
RomanceIf you have to choose one of the options below what would you choose? A. Unlimited Money (FOR LIFETIME) B. Being a boyfriend of a hot and gorgeous superstar C. Being the most Famous and handsome man (That every woman desires) last but not the least...