Chapter 1

21 0 0
                                    

Chapter 1 - I'm a Playboy

"Hey dumbass!" Narinig kong sigaw ng isang galit na galit na Blaze.
"What's that huh?" Ngayon nasa harap ko na siya at nagpipigil naman akong hindi tumawa mukha tuloy ako natatae.

"Ha? Anong pinagsasabi mo dyan dude?" Inosente ko pang tanong din sa kanya.

"Still pretending? What the fuck man? You'll regret this." Banta niya. Inis na inis talaga hahaha! Wala naman akong ibang ginagawa ah?

Well, konting inisan lang naman siya lang naman tong laging mainit ang dugo parang biruan lang. Kase kanina boring na boring ako sa biyahe kaya naman nilabas ko yung cellphone ko dahil nakahinto naman hinanap ko yung PINAKAmachong picture ni Blaze.

Yung nakahubad siya tapos nakamacho pose. Tangina lang diba? Stolen siya hindi ko kasi maipaliwanag ang nakakatawang pose niyang yun. Akalain mo ba naman ang isang masungit-inisTalo-perfect na Blaze may ganung kahibangan? Kung ako yun siguro hindi na magtataka ang mga tao sa paligid ko

Binulungan ko yung malapit na babae sakin "Uy tignan mo ang hot ni papa Blaze dyan nu pwede mong isave sa phone mo pagtapos ipasa mo ha."

Tuwang tuwa naman yung babae at nanginginig pang kinuha yung cp ko Yun lang kase yung iisang nadala ko pagdating ni Lola the monster.
Syempre lagi kong dala yun baka may magyayang babes e.

Para bang natutunaw na silang lahat pagkabalik sa akin nung phone ko. Walangya HAHAHA! Hindi malaman mga itsura ng mga pasahero. Kaso, yung bakla kasi pinaalam pa kay Blaze na ang hot niya daw dun. Kaya tuloy ngayon inis na inis sakin, napakaConservative ng gago! Ulul.

Kesyo daw nakakasira ng image at baka daw mawalan na ng respeto sa kanya ang mga taong katrabaho niya habang ako lakompake mas malaki image ko sayo uy

"Kuya Adaaam! Kamusta trabaho? Ikaw driver ngayon diba? Upo ka muna imamassage kita mukhang nakakapagod yun." Pambungad sakin ni Princess at hinila na kaagad ako para makaupo.

Relax na relax ako sa masahe ni Princess dahil nakakapagod talaga magtrabaho sa isang trabahong hindi ka sanay gawin. Isang CEO napunta bilang jeepney driver? Wth diba gano kalayo yun.

"Mae I'm jealous. I worked hard too! And my job is more difficult than him and he made fun of me! That's absurd." Tumabi sakin si Blaze at masama pa ang tingin sakin.

Wala na akong ganang makipagtalo pa sa ginawa ko kase pagkatapos ng mahirap na trabaho ay ganto ang resulta. Haaay saraaap~

"Ha? Kuya Adam kindly explain?" Aww. Mae massage paaa~

"I showed a naked photo of him. That's all nothing serious." Diretsahang sabi ko alangan namang magpaligoy ligoy pa ako at dragona nanaman si Princess. Kaiyak

Pagdating talaga kay Mae hindi ako makapagsinungaling, hindi ko siya matanggihan sa lahat ng pabor niya lahat ng bagay ginagawa ko para mapasaya siya at si Daylan sa tingin ko ang makagagawa nun. Pero higit sa lahat hirap parin ako bitawan siya sa isang lalaki, well kaming tatlong ugok ganun malay ko ba kung bakit basta pagdating kay Mae kami ay iisa.

Tulad ng dati sinermonan ako ni Mae blablabla..

Isang palakpak ang nagpatigil sa eksena. "I'm happy to announce thiiis!" Kinikilig na sabi pa ni Mama (baliw)

"Announce what?" Masungit na tanong ni Blaze naka-cross arms pa ang loko at halatang tuwang tuwa sa panenermon ni Mae sakin.

"Ang saya kong iaanunsyo ito sa inyooo!" Inulit ni Mama ang sinabi niya kanina pero sa tagalog naman.

"State it please!"

"Atat lang be? Eto na be." At saan nanaman natutunan ni Mama yang "Be" na yan? Tsismosa talaga tong nanay namin e.

"Ugh. Whatever Mom." Pagsuko ni Blaze. Pinikit nalang niya ang mga mata niya saka nawalan ng hininga. Joke! Ubod ng sama ng ugali niyan, Sus hula ko mauuna pa kami kesa sa kanya. Sabi nga nila matagal mamatay ang masamang damo. (Like Blaze WAHAHA)

"BUKAS!" Pabitin pang sabi ni Mama. Inaabangan ko talaga kase baka may good news at makakauwi na din sa Mansion. Kay mama kasi sinasabi ni Lola ang balita.

"BUKAS! Wala tayong makakain. Kaya akin na mga kinita niyo ngayon araw! Pangtongits. Joke Mamamalengke kami bukas ni Adam." Napanganga nalang kami at napatakbo sa ref, gutom pa man din kami kase galing trabaho paguwi pala gutom padin?

Bumungad samin ang ref na walang kalaman laman kundi isang pitchel na puno ng tubig lang..
Napatulala na lang ako, nagpapalakasan nalang kami ng tunog ng gutom na tiyan. Ayoko namang ibenta tong cellphone ko dahil andito mga chikababes ko..

Ah! Bright idea!

"Ano pinaggagawa mo Adam beybs?"

"Yak! Clint mandiri ka nga sa sinasabi mo!" Diring diri kong sabi, 'beybs' seryoso?

Ngayon ko lang napansin na kumakain siya ng mansanas tapos gutom ako... Gutom ako... Gutom~

"ADAAAAM! Akin lang ang mansanas ko!" Inilayo sakin ni Clint ang kinakain niyang mansanas. Habang ako tulo tulo na yung laway ko dahil muntikan ko ng makagat kaso ngipin ko lang din ang nakagat ko ang sakit pa tuloy.

"Konti lang naman arte neto!" Talagang nagpupumilit pa akong makagat man lang dun sa mansanas na kinakain niya. Kaya naghabulan kami tanginang Clint na tong talaga e ubod ng damot! Pwe!

Tinanggal ko na yung sim at memory card. Inilipat ko lahat ng contacts ko sa Sim saka lahat ng pictures na pangblack mail ko kay Blaze ungas pati lahat ng ari-arian ko sa phone. Diba magandang ideya?! Hohoho

"Ma lalabas lang ako!" (Kakain) hindi talaga ako makatulog ng walang laman ang tiyan sorry na prends.

Di bale ibenta tong phone na ito kesa walang makain wala rin naman akong load para ipangtext sa mga chikababes ko.

"Magkano po ba benta niyan ngayon? Brand new pa po yan ilang beses ko lang po ginamit." Totoo yun. Kakabili ko lang nitong cellphone 2 araw bago pumunta ang evil naming Lola.

Nakatulala lang sakin si ateng sa pawnshop. Ha! Hindi na ko magtataka kung bakit siya nakatulala sakin,

"Masyado bang gwapo ate? Pasensya na po ah." Ngumisi pa ako ng nakakaloko

"Sigi dahil gwapo ka! 35,000 na yan! 😍" kinikilig niyang sabi.
Ha! Alam ko namang walang makakaresist sa kagwapuhan kong ito nu! Pwede na pangkain lang naman e uuwian k--

"EHEM!" Nagulantang ang mundo ko ng marinig ko silang LAHAT.

"Sinong nagsabi sayo na pwedeng magtago ng sikreto?"

"At bakit ngayon mo lang sinabi na may maibebenta ka?"

"Fool,"

"Adam beybs gutom na kooo~"

Sunod sunod nilang sabi si Papa minamassage lang si Mama at nakikisangayon nalang sa sinasabi nito.

Akala ko pa naman masosolo ko yung pera ko madami pa man din akong gustong bilhin 😭

"PE-RA." Wala akong nagawa kundi ang ibigay kay Mama ang perang kapalit ng pinakamamahal kong cellphone huhuhu.

Kumain kami sa karinderya para daw tipid kung ako daw ang gagastos nung pera malamang daw walang matitira kahit centavos. Grabe siya

Inaamin ko na magastos nga ko parang tama nga si Mama don sa part na yun. Napatango nalang kaming lahat sa sermon ni Mama lagi kasing tama kainis.

Anyways, because i am so full right now. My motto in life : "Clothes make a Man, but a perfect suit creates a Gentleman."

Bakit ganyan kamo? Kase madalas ang mga tao nanghuhusga dahil sa kasuotan nila. Oh kunwari ganit-ganit ang damit ko saka puro grasa diba masasabi mong pulubi ang isang yun base sa kasuotan niya? Kahit hindi mo naman kilala.

Plus, adik ako sa mga damit. ADIK. Kaya ganun nalang ang motto ko, being a certified playboy must have the perfect suit.

Girl Gamer GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon