Chapter 1

13 1 0
                                    

"Please Kylyne! Babayaran kita! PROMISE YAN!" sabi ng kaibigan ko kuno na si Danica. Di naman kami close eh. Lumalapit lang yan pag may kailangan. Tss -___-.

"Oh sige, eto na ang 500 mo oh! Kulit! basta bayaran mo ah? Kundi suntok abot mo sa akin." -Ako

Bigla naman siyang namutla at tumango-tango."Oo nga, sige alis na ako babay!"

Tss lokong babae yun. Nangutang pa ng 500 para makapasok sa party na pupuntahan nya. Entrance fee daw! Kakainis -.- Ipon ko pa naman yun. Pero sige na nga lang, kawawa kase eh. May tiwala ako sa kanya na babayaran talaga nya yun.

Pumasok na agad ako sa bahay, pero nadaanan ko ang kwarto ni mama at papa. Haaaay! Nag aaway na naman sila. Punyeta talaga. Lage nalang ba silang ganyan? Kahit nasa harapan pa nila ang mga anak nila, nag sisigawan parin sila at nagmumurahan.

"ITO!? ITO LANG BA ANG KAILANGAN MO SA AKIN ANTONIO!? PERA!? OH AYAN! KAININ MO! ISAKSAK MO SA BAGA MONG PUTANG INA KA! LAGI KA NALANG NANG HIHINGI NG PERA PARA IPANG SUGAL AT IPANG INOM! BAKIT DI KA NALANG MAG TRABAHO HA!? PARA MAKATULONG KAPA SA AMIN! ANG HIRAP LANG PAG IKAW ANG NASA POSISYON KO! AKO NALANG LAGE ANG NAG TRA-TRABAHO! DI MO BA KAMI MINSAN INIISIP!? GUSTONG GUSTO KO NANG MAGPAHINGA!" at nakarinig ako ng paghikbi. Si mama yun.

"WALA KANG KARAPATAN PARA SUMBATAN AKO! *PAK* OO ITO LANG ANG KAILANGAN KO SAYO. PUNYETA KA! MAKA ALIS NA NGA! NANDIDIRI AKO SA UHOG MO! WALA KA TALAGANG KWENTA KAREN!" -papa

Bigla nalang bumukas ang pintuan at lumabas si papa na pulang-pula sa galit."OH!? ANONG TINITINGIN TINGIN MO DYAN? PUNTAHAN MO NA ANG BWESIT NA BABAENG YUN!"

Pumasok agad ako sa kwarto at tumakbo sa kinaroroonan ni mama.

"Ma, shhh tahan na. Andito na ako ma"

Napa buntong hininga ako dahil may panibagong pasa na naman si mama.

"Ma, hiwalayan mo na si papa. Lage ka nalang nasasaktan nang dahil sa kanya."

"Susubukan ko anak. Mahal ko ang papa mo eh. Haha nakakatawa nga eh, noon napaka sweet nya pero ngayon pinag bubuhatan na niya ako ng kamay"

"Basta ma pag ayaw mo na ipangako mo sakin, hihiwalayan mo na ang demonyong iyon. At wag na wag mo kaming iiwan ha? i love you mama"

Niyakap ako ni mama at binulong niya ang isang katagang pinang hawawakan ko na hihiwalayan na niya si papa at di niya kami iiwan. "Pangako"

Pinag pahinga ko muna si mama, lumabas na ako para magluto nang hapunan.

mga ilang minuto bumukas ang pintuan at nakita ko si kuya.

"Kuya Kyle!!" pumunta ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Musta bunsoy? Wala kayong klase?" tanong ni kuya at hinalikan ang noo ko.

Mahal na mahal ko ang kuya ko, siya lage ang nag tatanggol sa akin. Siya ang nagpapasaya sa akin.

"Wala kuya, may meeting daw ang teachers eh"

"haha oh sige, hmm ang bango ah? ano bang niluluto ng prinsesa ko?"

"Adobo kuya! Dali kain na tayo! Gisingan mo na si mama"

Pero ilang minuto wala pa si kuya, tatawagin ko na sana siya nang sumigaw siya."HINDIIIIIIIIII! MAMA GUMISING KA! GUMISING KA MAMA! *hikbi* *hikbi* BWESIT! KYLYNE! TUMAWAG KA NANG AMBULANSYA!"

~~~~~~~~~~~

hala T.T anong nangyari kay tita karen? abangan sa next chapter. Hanggang dito muna :)

-JST-Montefalco:")

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trust IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon