Chapter 14

908 24 11
                                    

Tinanaw ni Reina si Cindy at nakita niya itong humihingi ng paumahin sa pagtitig sa kanya.

Alam na niya na si Cindy ang dahilan kung bakit nalaman ng mga ito na darating sila.

Maya-maya lang ang lumapit sa kanya si Cindy.

"Ate, sorry talaga habang mag-kausap kasi kami ni Lola Ofelia nadulas ako"pagpapaliwanag sa kanya ni Cindy at nagpeace sign.

Wala rin naman ng magagawa si Reina at nandito naman na sila nginitian nalang niya ito.

Inayos niya ang utensils nilang mag-iina  at nilagyan niya ang mga ito ng pagkain.

Saktong sakto nga ang niluto nila puro Filipino Dishes.Na ikinatuwa ng kanyang anak at siya dahil namiss nila ang ganitong klaseng pagkain.

"Hija, magtatagal kaba rito?"tanong ng kanyang Mommy kay Reina.

"Mommy, kapag natapos yung project na ibinigay sa akin baka bumalik na ako sa ibang bansa"sagot ni Reina.

"Hija, I'm begging you rito ka nalang tumira.Kayo ng mga bata tumatanda na kami.Gusto namin kayong makasama lalo na ang apo namin.Hindi paba sapat ang limang taon mo sa ibang bansa?sana ibigay mo naman sa amin itong pagkakataon na ito.Tumatanda na kami ng Daddy mo".nakita niya agad sa mata ng Mommy niya ang labis na pagkagusto na rito na sila tumira.

"Hija, tama ang mommy mo if you want work, bakit hindi sa company natin?besides you are our heiress."segundang sagot naman ni Daddy.

Tiningnan niya ang kambal na nakikinig lamang sa kanilang usapan at siguro rin ay hinihintay nito ang kanyang isasagot.Dahil kahit ang kambal ay gusto na rin dito tumira.

"I'll think about it Dad and Mom"tanging naisagot niya sa kanyang magulang.

"Mga apo masarap ba ang food natin?"paglalambing na saad ng kanyang Mommy sa kambal.

"Yes po lola mom, namiss din po namin itong adobo"magalang na sagot ni Rei.

"Lola Mom, always po ba tayong ganito po kakain?"tanong ni Gael

"Why apo?"pagtatanong ng kanyang Mommy kay Gael.

"Kasi po lola mom, this is my favorite and pwede po bang always ninyo po kaming paglutuan ni Kuya Rei ng ganito"paglalambing na saad ni Gael.

Naikinatawa ng Daddy at Mommy ni Reina dahil sa pagiging madaldal ni Gael at pagiging mahilig sa pagkain kaya kung titingnan ay medyo chubby ng konti si Gael.

"Sure apo, kahit anong gusto mong food iluluto ni lola mom for you and sa kuya Rei mo"sagot naman ng kanyang Mommy.

"We love you Lola Mom"magkasabay na saad ng kambal.

Nakita niya ang labis na saya sa mata ng kanyang Mommy.

"How about Lolo Dad?"tanong ng Daddy ni Reina na kunwari ay nagtatampo.

"We love you rin po Lolo Dad"sagot naman ng kambal sa kanyang Daddy.

Unforgettable TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon