Chapter 23

421 14 11
                                    

Nasa byahe sila Reina pauwi sa Manila ng biglang mag-ring ang kanyang cellphone.Inabot niya ito sa dashboard ng kanyang sasakyan.Nakita niyang ang kanyang Daddy ang caller napaisip siya kung anong kailangan ng kanyang ama dahil bihira lang naman itong tumawag sa kanya.

Sinuot niya ang bluetooth earphone upang maiwasan na rin ang aksidente  dahil maraming nagiging kaso ng car accident at ang karaniwang dahilan ay ang pagkakaroon ng katawagan habang nagmamaneho.

"Hello Dad,Do you need anything?"wika niya matapos niyang sagutin ang tawag nito.

"Pauwi na ba kayo hija?I have some matters to discuss with you anak."saad nito sa kanya.

Iniisip niya kung anong kayang sasabihin ng kanyang ama.Bihira lamang ito tumawag dahil madalas ang kanyang Mommy ang tumatawag sa kanya at sumisingit lang ang kanyang Daddy palagi.

"Yes dad nasa byahe na kami, Ano ba yung sasabihin mo Dad?"tanong niya rito dahil labis siyang nagtataka kung anong gusto nitong sabihin na mukhang importante.

"Not in the phone hija, Hihintayin ko nalang kayo.Mag-iingat ka sa pagmamaneho.I miss you and the twins.I love you"saad nito sa kanya hindi maiwasan ni Reina ang mapangiti dahil noong bata pa siya ay Daddy's Girl siya.

Hindi na siya lumalayo sa kanyang ama dati at madalas ay lagi siyang nakabuntot kung saan man ito ay gusto niya nandoon din siya.Hindi maiwasan ni Reina ang mamiss ang kanyang kabataan.Noong bata siya ay pangarap niyang magkaroon ng asawa tulad ng kanyang Daddy.Dahil saksi siya kung gaano nito kamahal ang kanyang Mommy at kung gaano ito kabuting Ama.

Hindi nga lang siya magkaroon ng asawang pinapangarap niya ngunit ayos lamang ito sa kanya dahil may mga anak naman siya na tunay na nagpapasaya sa kanya at kahit kailan man ay alam niyang hindi siya iiwan.

"I love you too, Daddy."saad niya rito at binaba na ang tawag.

Naalala niya rin noong panahon na nagalit ito sa kanya lalo na ng hindi niya sabihin kung sino ang ama ng mga kambal.Naiintindihan naman niya ang galit nito dahil nag-iisa lamang siyang anak nito.Hindi rin naman siya natiis ng kanyang ama at masaya siya dahil nagkaroon siya ng ganitong klaseng pamilya.Handa siyang damayan sa kanyang mga problemang kinahaharap at handang maging sandalan niya sa mga oras na mahina siya.

Hinihiling niya na sa susunod niyang buhay ay ito pa rin ang maging magulang niya at higit sa lahat hinihiling niya na maging ina pa rin ng kambal.Kuntento na ang puso niya sa kasiyahan at pagmamahal ng pamilya niya hindi lang pakikipagrelasyon ang laging makakabuo sa kulang sa buhay natin.

May pagkakataon na ang pamilya natin ang magpupuno ng mga kulang sa ating mga sarili.Hindi natin kailangan ng relasyon para maging kuntento.

"Mama, Kuya Rei have a crush to Faith."saad ni Gael at tumawa.

Sinilip niya ang mga ito sa salamin at nakita niya ang pamumula ng leeg ni Rei dahil sa sinabi ni Gael.

"Bigboy na ang isa kong baby, may crush na."pagbibiro niya rin dito na lalo pangnagpapula rito.

"No Mama, Gael is lying and you always be the girl I love the most"saad nito sa kanya.

Hindi maiwasan ni Reina na mapangiti ang sarap sa pakiramdam ng maging isang ina.Lagi siyang magpapasalamat dahil sa pagkakaroon niya ng mga ganitong klaseng anak.

"No Mama. I'm not lying po, He always told me that Faith is pretty and She's the girl that Kuya want to be his wife someday".saad nito sa kanya.

Unforgettable TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon