Chapter One
MALAKAS ang kaba ng puso ko. Parang intensity twelve habang papalapit si Guy sa akin.
"Hi there, Bess." with his soft spoken voice na may authority, bungad niya sa akin.
Pormal lang ako na kunwari ay hindi ko siya pansin and not existing. Patuloy kong nililinis ng wax ang ebike 3 wheels ko. Habang kinikilig ako sa pangalan na itinatawag niya sa akin, Bess. For short of Vanessa at dahil best of friends daw kami. And siya? I used to call him Guy, kasi Gerry ang true name niya. Yuck! Old fashioned name na kasi kaya ginawa kong Guy, and besides, siya lang ang guy sa puso ko. Promise!
"Oh, hi there!" kunwari ay nagulat ako. Gayong halos araw-araw ko siyang nakikita sa Village namin at palaging inaabangan ko. "What's new?" sabi ko saka muli kong inabala ang sarili ko. "Malapit ko nang makuha yung license ko sa dentistry." isinampa niya ang paa niya sa ebike ko na bagung bago. With his dirty shoe, but actually hindi naman marumi iyon. Naturalmente, kunwari ay magagalit ako."Feet off, please!" hinampas ko ng basahan ang paa niya.
"Sungit mo naman, Bess."
"Nakita mong nililinis ko, a?" Umirap ako.
Sinipat niya ang ilalim ng shoe niya, "Malinis naman,a? Bago ito, look"
"Whatever." Kunwang pang-iisnab ko at bahagya kong sinulyapan ang sapatos niyang flat na american leather at style na pang araw-araw.
"Bago rin ito,noh?" sabi ko, "Halos mabura na nga yung brand name nito sa kakalinis ko," simangot ang mukha ko, pero the truth is, hindi naman sa ebike ang concern ko kaya araw-araw ko nililinis iyon. Kundi, ang tumayo doon at abangan ang pagdaan niya. Madalas kasi siyang huminto sa tapat ng garage namin kapag nakikita niyang naroon ako. At ang paglilinis lang ang dinadahilan ko para hintayin ang pagsulpot niya."Ano ba'ng kailangan mo at binubwisit mo na naman ang umaga ko"
Tumawa siya. Mahinang halakhak na gustung-gusto kong naririnig sa kanya
"Yayayain sana kita."
Tumigil ako sa ginagawa ko. "Saan na naman?" kunwa'y nainis ako, pero ang totoo, iyon naman talaga ang hinihintay. Ang routine namin kapag araw ng Linggo, ang mag-bonding at kumain sa labas na kung tawagin ay tusok-tusok na fishball at kwek kwek na penoy, pagkatapos ay maglilibot sa buong Village.
"Dating gawi..
"Ikaw ang taya?" nagpatuloy ako sa ginagawa ko.
"Lagi naman, eh." ginulo niya ang buhok ko
Hindi ko siya pinansin kunwari. Para bang ang sipag-sipag ko at ang bilis ng mga kilos ko. Syempre, paimpres.
"Ano? Ayaw mo ba?" pumihit siya sa kinatatayuan niya. Lumapit sa harapan ko. "C'mon, hayan ka na naman, pakipot ka pa." biro pa niya sa akin sabay pisil sa pisngi koKunwari ay nainis ako. Awtomatikong pinalis ko ang kamay niya sabay hampas ng basahan sa dibdib niya. "Huwag mo nga akong buwisitin." Nagpatuloy ako sa ginagawa ko.
"Sige na. Sunday naman ngayon." Pamimilit na niya.
Kilig to the bone naman ako kapag kinukulit niya ako ng ganun.He lives one block away from where we live. Aside from being smart and handsome, my Guy is a down to earth person. No matter what kind of clothes he wears, nakikita ang pagiging class niya and the good upbringing of his parents who are currently in the States and on vacation ay hindi maitatago.
"Bakit hindi ka sumama sa parents Mo?" I pretended, but I almost died of grief when his parents left because I thought kasama siya sa bakasyon for a few months.
"Ano naman ang gagawin ko dun?"
"Magpapakasaya. Kesa andito ka at kinukulit ako."
"E, di hindi na tayo nagkita kung sumama ako sa kanila."
My heart trembled again at what he said, kahit alam kong biro lang iyon.Si Guy ang lalaking hindi mahilig sa magarbong lifestyle. Simpleng tao kahit sobrang guwapo. In fact, puwede na nga siyang hindi magtrabaho dahil solong anak siya at President ang dad niya sa isang kilalang company. Pero ginusto pa rin niyang mamasukan kaysa nakahiga raw sa bahay at nakatambay. That's why I like him so much. Or let's just say that I'm obsessed with him every hour and every minute of my life. Being near him makes everyday seem like a sunny summer day no matter what typhoon comes. But my excitement and love are undercontrol. Because I don't want him to find out my true feelings. Although very close at malambing, hindi ko pa rin alam kung ano ang totoong nararamdaman niya para sa akin. Or kung friendly lang ba siya talaga. Iyan ang palaging itinatanim ko sa isip ko. Kahit pa inaasam ko na isang araw ay magsasabi siya sa akin na mahal niya rin ako.
BINABASA MO ANG
This Girl's In Love With You
RomanceThis Girl's In Love With You Noemi De Guzman Lingat Kasabihan na mahalin mo na lang ang bestfriend mo bilang kaibigan at bff mo, kung gusto mong maging forever ang pagsasama n'yo. But never fall in love with your bestfriend, kung ayaw mo...