Goodbye Friendship..'till I fall in love again.

7 0 0
                                    

AS usual, kung ano ang nangyayari sa araw-araw at kung ano ang ginagawa ko ay routine na sa akin. Maliban na lang sa paglilinis ng motorbike. Hindi na ako naglinis ng motorbike ko kinabukasan. Hindi ko rin ipinarada sa labas. Pero sa bintana ng kuwarto ko ay nakadungaw ako ng umagang iyon. Alam ko na dadaan ang kotse ni Guy kagaya ng dati. Hihinto at kakausapin ako sandali bago tuluyang papasok sa trabaho. Pero sa pagkakataong iyon, natanaw kong dumaan nga si Guy sakay ng kanyang modelong kotse. Saglit na bumagal ang takbo pero pagkatapos ay tuluyan nang umusad palayo. Kasi, nakita niyang wala ako at nasa loob ang motorbike ko. Bagay na nakapanibago kay Guy alam ko.

Kumapal na ang alikabok niyon. Sa tagal na hindi na nalilinis at hindi na rin nailalabas.

Peeping through my window, halos araw-araw ay iyon lang ang nadagdag sa routine ko. Ang abangan ang pagdaan ng kotse ni Guy kapag pumapasok siya sa trabaho tuwing umaga, at sa gabi sa oras ng pag-uwi nito ay naroon din ako at naghihintay sa bintana. Kasiyahan ko na ang makita siya sa araw-araw. Kumpleto na ang mahapon ko kahit malaki na ang naging kulang.

Kahit kailan ay hindi niya nakakalimutang bumusina kahit wala ang presence ko sa harap-bahay namin. Para iparamdam lang sa akin na papasok na siya sa work. Alam niyang maririnig ko iyon ano man ang ginagawa ko. Ewan ko lang kung nagtataka siya sa hindi ko na paglalabas ng motor tuwing umaga. Kung sabagay, siya na rin naman ang nagsabi na itigil ko na ang paglilinis ng motor at iutos ko na lang kay Ging. Dahil nga para daw akong lalaki.

Minsan, bumababa siya ng kotse at hinahanap ako sa kasambahay namin.

"Tulog pa po si, ate." Katulad ng bilin ko, iyon ang palaging isinasagot ng Ging kapag hinahanap niya ako.

"Hindi ka pa ba, kakain?" Si mommy iyon dahil kadalasan ay nagpapahuli ako sa pagkain. Kung minsan naman ay nauuna ako sa dinner table para hindi nila mapuna ang pananamlay ko.

Bihira na rin akong magbukas ng laptop dahil ang dahilan ng pakikipagchat ko ay si Guy lang naman at si bestfriend. Bakit pa ako makikipag-usap sa kanila? Lalo ko lang sasaktan ang kalooban ko.

Ilang linggo na rin ang lumipas. Habang tumatagal ay lalong bumibigat ang nararamdaman ko instead na nakakapag-move on na ako. Napansin kong nawawala na ang mga baby fat ko, dahil kadalasan ay nalilipasan ako ng gutom at napupuyat dahil hindi ako makatulog. Siguro, dahil nakasanayan ko na ang pakikipag-usap kay Guy sa gabi. Ang kumain sa maghapon na siya ang kasama ko lalo kapag Sunday. Ang pakikipag-chat magdamag at matutulog sa araw kapag nasa work si Guy. Mga bagay na nakasanayan ko at nawala sa buhay ko.

Naisipan kong lumabas ng araw na iyon ng Linggo. Pinalinis ko kay Ging ang motorbike. Inilabas niya iyon sa harap ng bahay at sinimulang punasan ng metalpolish habang nakatanaw ako sa bintana sa itaas. Sunday iyon at walang pasok si Guy.

Ilang saglit pa, tanaw kong lumapit si Guy.

"Nasa itaas si ate, nagbilin po na huwag siyang abalahin."

Natanaw kong malungkot si Guy nang umalis. Pero hindi ko na dapat bigyang pansin iyon dahil mas sobrang lungkot ang nadarama ko. May Elayza siya na nagmamahal sa kanya at minamahal niya. Samantalang ako ngayon ay nag-iisa. Kaya wala na akong pakialam kung ano man ang nararamdaman niya sakaling malaman niyang pinagtataguan ko siya.

Sinulyapan ko ang laptop sa ibabaw ng headboard. Alam kong mag-oonline siya para doon ako abangan at hintayin. Para ano? Kung Kausap din niya si bestfriend habang nag-uusap kami? Parang loaded ang pakiramdam kapag ganun. Saka dati ay ako ang priority, ngayon ay second bet na lang ako? Parang hindi ako sanay.

Pero tukso, nilapitan ko ang laptop at binuksan ko iyon. Offline si bestfriend. Sinubukan kong buksan ang album niya sa kanyang account. Tumambad sa akin ang mga selfie pictures nila ni Guy. Mga shot sa resort noong magkakasama kaming nag-bonding doon. Inisa-isa ko iyon.

This Girl's In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon