Katuparan

14 3 0
                                    

Napakasarap sa pakiramdam na mahalin ka ng buo,
yung tipong di mo kailangang lumuhod maibalik lang ang pagmamahal sayo.

Napakasarap sa pakiramdam na may isang taong takot na mawala ka,
isang taong magpaparamdam ng iyong halaga.

Akala ko hindi ko na mararanasan ang ganyan pakiramdam,
Akala ko habambuhay akong magiging uhaw sa pagmamahal
Akala ko buhay ko'y tuluyan ng mawawalan na ng kabuluhan

pero hindi pala,
Kasi dumating ka.
lahat ng pakiramdam na gusto kong maranasan, nararanasan ko na.
Minahal mo ako ng higit pa sa sobra.
Pagmamahal na kahit kela'y di ko nakita sa iba.

My Forever HomeWhere stories live. Discover now