Balang Araw

14 2 1
                                    

Darating din yung araw na makakasama kita,
na mahahawakan ko ang kamay mo habang pinagmamasdan natin ang ganda ng umaga,

Darating din ang araw na mahahawi ko ang buhok mo habang paulit ulit na binabanggit sayo ang katagang "Mahal Kita" ,

Darating din ang araw na mayayakap kita't mahahagkan habang nakikinig sa paborito nating musika,

Darating din ang araw na mapagmamasdan ko ng malapitan ang iyong mukha habang pinapaalala sayo kung gaano kang kaganda,

Darating din ang araw na sabay tayong mamasyal, kakain ng siomai, kikiam, fishball at kung ano ano pa,

Darating din ang araw na sabay nating pagmamasdan ang buwan habang iniinom ang kapeng tayo ang nagtimpla,

Pangako, mangyayari lahat ng yan Mahal ko.
Balang araw, magkikita at magkakasama din Tayo.

My Forever HomeWhere stories live. Discover now