10 십 sib

161 5 0
                                    

Lunch Break:

Lisa POV:

"Hey Chaeng, do you know who Kim Jisoo is?"

"Sino yun?"

As expected. Ano namang alam ni Chaeng sa student council. Mas alam pa niyan kung anong store ang may masarap na tteokbokki.

"Nevermind."

Nahihiwagaan talaga ako kung sino yung Kim Jisoo na yan.

"Uy Bes si Dongwook oh." kumaway si Rose sa di kalayuan. "Dongwook!"

"Yow!" bati ko din dito.

"Hi girls!" He waved back at us. "Lisa, mamaya ah." He made a heart finger.

"Sige pre!" I laughed at him. Lakas talaga ng tama neto ni pareng Dongwook.

Papunta na sila Dongwook sa court. May practice na siguro sila.

Siniko ako ni Rose. "Uy ano meron mamaya?"

"Wala naman. Nag aya lang ulit siya lumabas after ng practice."

"Yiieeee!" inakap ako ng mahigpit ni Rose.

"Aray ko naman." Nagpumiglas ako. "Ano yun bes?" Naubo ako. Sobrang higpit kasi nang pagyakap ni Rose.

"Inakap kita kasi kinikilig ako."

"Kilig ba yun? Parang papatayin mo na ko sa higpit eh." natatawa kong sagot sa kanya.

"Siraulo!" natawa din siya sa kalokohan niya. "Pero bes, malapit nang maging kayo niyan ni Dongwook."

Napailing ako. "Ewan."

"Anong ewan? Hindi ka ba kinikilig?"

"Sakto lang."

"Bes anong sakto lang?"

"Ba't ba ang dami mong tanong?" Medyo naiirita na ko.

"Eh kasi wala ka namang sinasagot." ramdam ko din sa boses ni Rose ang pagkairita. "Bes aminin mo na kasi."

"Aminin ang alin?" nagsalubong ang kilay ko. Ano bang sinasabi nito ni Rose? At tsaka bakit ba napunta sa ganito yung usapan?

"Na hindi mo na gusto si Dongwook!"

What the hell is she talking about?

Agad gumapang ang galit sa dibdib ko. "Ano bang sinasabi mo dyan?" Napatayo na ako.

"Hindi mo na siya gusto Lisa!"

Talagang pinipilit niya pa talaga. "Teka nga, ba't ba pinipilit mo yan? Ikaw ba nakakaramdam?"

"Sige sabihin mo nga sa'kin. Anong naramdaman mo nung niyaya ka ulit niya lumabas?"

Napakunot noo ako. Nung inaya niya ko?

Sa pagkaka alala ko, kahapon pagka alis ni Karina nakatanggap ako ng text galing kay Dongwook.

A Letter from Me to You (Complete) TAGLISH FANFICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon