TWO

1.4K 44 0
                                    

"Kumusta ang bakasyon mo?" usisa sa akin ni Andrea habang kumain kami sa paborito naming lokasyon, ang rooftop.

Pilit akong ngumiti. "Tulad pa rin ng dati. Araw-araw kong nararamdaman ang pagiging sampid ko sa pamilya ni Daddy," kibit-balikat kong tugon.

Natigil naman siya sa pagsubo ng kanyang kinakain at tumitig sa akin. "You okay?" she asked worriedly.

I bit my lower lip and looked upward to surpressed my tears. "It was like I've been living in hell, Andrea. Nakakapagod pero wala akong magawa kasi hindi ko pa naman kayang buhayin ang sarili ko," malumbay na saad ko at pilit na ngumiti.

Yes, anak ako sa labas ng tatay ko. Namatay ang tunay kong ina sa panganganak sa akin kaya naman walang nagawa ang ama ko kun'di ang kupkupin ako. Para sa iba ay swerteng matatawag ang magkaroon ng pamilya ngunit hindi iyon ang lagay sa sitwasyon ko. Araw-araw nila akong inaalipin sa bahay, tila isa akong katulong at hindi kamag-anak.

Isang marahan na tapik ang ginawad niya sa akin. "Sumama ka sa akin," aniya na ikinakunot ng noo ko.

"Huh?"

Ibinaba niya ang hawak niyang kutsara at saka nakangiting tumitig sa kawalan. "Tatlong araw, tatlong araw tayong maglaho sa paningin ng lahat," saad niya.

"Hindi kita maintindihan." Umiling ako at astang susubo nang muli siyang magsalita.

"Pumunta tayo sa ibang lugar, sa Batangas o kung saan man. Magbakasyon tayo," puno ng galak na wika niya.

"Nahihibang ka ba, Andrea? Kasisimula pa lang ng pasukan," pagpapaalala ko rito.

She smirked at me, then pointed at the whole surroundings. "Kaya kitang saluhin sa paaralang ito, baka nakakalimutan mo?" mayabang niyang turan at sabay kaming tumawa.

Totoo ang sinabi niya. Hindi magiging problema kahit umabsent kami dahil anak siya ng may-ari ng pinag-aaralan namin. Gano'n pa man ay umiling nalang ako at ipinagsawalang bahala ang sinabi niya. Nasisigurado ko na sinabi niya lang iyon para pagaanin ang loob ko.

Nagpatuloy kami sa pagkain habang paminsan-minsang nagkukulitan. Hindi ko maiwasang hilingin na sana... sana kapatid ko nalang si Andrea. Kahit pa halos iyon na talaga ang turingan naming dalawa ay palagi ko pa ring iniisip ang sitwasyon kung saan totoo ko siyang pamilya.

Napakasaya siguro niyon.

TWO DROWNING HEARTS (Oneshot) ✅COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon