"PHOEBE!" masaya at masiglang sigaw ng kaibigan kong si Andrea habang tumatakbo patungo sa akin.
Unang araw namin ngayon sa eskwela bilang Senior High kaya naman napagdesisyunan kong hintayin na lamang siya rito sa gate.
She hugged me tight and giggled when she pulled herself away. "Lalo kang gumanda," aniya.
Inirapan ko lang siya at inakbayan. "Oo, alam kong gusto mo ng libre mamayang lunch, hindi mo na kailangang mang-uto." Sinimulan ko siyang kaladkarin sa paglalakad.
"Tsk! Sana man lang ay sumakay ka 'di ba?" tumatawa niyang sambit.
Napailing ako at nakangiting pinagmasdan ang eskwelahan habang nilalakad namin ang daan patungo sa aming silid.
"Ang laki ng pinagbago ng school natin," puna ko nang nakita ang mga bagong benches sa gilid ng pathway.
"Hmm. Estudyante lang ang hindi nagbabago." Mahina siyang tumawa sa huli bagamat naroon ang pait sa kanyang tono.
Doon ko pa lang napagmasdan ang mga mag-aaral sa paligid. Naroon ang pagkadisgusto sa mga mata ng ilan sa kababaihan at pagnanasa naman sa mangilan-ngilang kalalakihan habang nakamasid sa kaibigan kong si Andrea.
Huminga ako nang malalim at saka tinapik ang kanyang balikat dahilan para matuon muli sa akin ang kanyang atensyon. "Don't mind them, inggit lang sila sa kagandahan mo." Pagsusumubok kong pagaanin ang loob niya.
Ngumiti siya at marahan na napailing. "Hindi mo ako kailangang bolahin, Phoebe. Ngunit huwag kang mag-alala, sanay na ako. Mula nang lumabas ang nude photos ko ay hindi na iba sa akin ang mga pangmamaliit sa kanilang mga mata."
Hindi ko maiwasan na malungkot para sa kanya. Isang taon na ang nakararaan nang nagimbal ang buong school sa kumalat niyang hubad na larawan. Naging usap-usapan iyon at hanggang ngayon ay mukhang hindi pa rin limot ng lahat. Matagal ko ng kaibigan si Andrea, nagulat man ako sa nakita ay hindi ko pa rin siya nagawang husgahan. Ni hindi ko rin siya tinanong ukol sa litrato at hinintay na lamang kung kailan siya kusang magkukwento na hanggang ngayon ay hindi niya ginagawa.
"Hayaan mo na, ipinagmamalaki naman kita," sinsero kong wika at saka ngumiti nang muli siyang tumitig sa akin.
Totoo iyon. Ipinagmamalaki ko siya dahil sa kabila ng mga nangyari ay nanatili ang sigla niya sa pag-aaral. Hanga ako sa angking tatag niya, bagay na talaga namang nakakamangha sapagkat hindi lahat ay may gano'ng katangian.
"Sige na. Ako na ang manlilibre." Inirapan niya ako saka kami sabay na tumawa.
"Dalawang servings ng spaghetti, ha." Pagsakay ko sa pagbabago niya ng usapin.
I wonder... can I be strong like her?

BINABASA MO ANG
TWO DROWNING HEARTS (Oneshot) ✅COMPLETED
Historia CortaSHORTSTORY|TRAGIC|COMPLETED Can you save others as you save yourself at the same time? STARTED: 03/25/21 ENDED: 03/25/21