Puro mensahe nila ng tatlo kong kaibigan ang nasa cellphone ko.Hindi pa kasi ako sigurado kung pupunta ako mamayang gabi sa restobar which is doon ihe-held ang event sa pagkapanalo ng welzone.
Chess:
Ano na?Mamayang 6pm dapat nandoon na.Punta ka na please...
Kalaunan ay nag reply ako.
Me:
Hmm.Oo na po.
Pinatay ko na ang cellphone at nagtungo sa closet.Am I gonna wear dress o simpleng shirt lang?They are celebrating their championship so.Simple lang ang suot kong dress.
Nag light make-up nalang din ako para mas ma enhance at bumagay sa suot ko.
Sumagi ang sinabi ni Drew sa'kin noon,pero ang ginawa ko ay ang itaboy siya.Hinayaan kong mapalapit siya kay Elise.Hindi pa kaya nawala ang nararamdaman niya para sa'kin?
Napatingin ako sa relo ko.Alas syete na pero hindi naman talaga agarang pumunta doon.Biglang tumunog ang cellphone ko kaa agad kong tiningnan.
Sky:
Pupunta ka?
Napalunok ako.I wasn't expecting him to text me.
Si Sky ang palagi kong kinakausap tungkol sa mga bagay dahil kumportable ako sa kaniya.Alam naman niya ang totoong nangyari at maayos siyang kausap.
Me:
Oo.
Sky:
That's good.Sunduin kita mamaya,okay ba?
Me:
Talaga? Libre?
Sky:
Of course! Walang hindi libre sayo.
Napangiti ako.I like him pero hindi na gaano kagaya noon.Parang napunta na ang lahat kay Elperes.
Ilang minuto na ang lumipas,tumawag si Sky nasa labas na daw siya naghihintay.I look myself in the mirror bago ako lumabas.Agad ko namang nakita si Sky na nakasandal sa kotse niya.He looks very attractive.Lalo na't ngumiti siya nang makita ako.Ngumiti ako at lumapit sa kaniya.Nang nasa harapan na niya ako,hindi siya kumibo.
Nakatulala lang sa'kin.
"Ang ganda ko talaga."
Pabiro kong sabi at tumawa.Natauhan naman siya at agad na tumikhim."You look gorgeous.Saan ang punta mo?" Biro niya kaya hinampas ko siya.
"Hindi ba pwedeng mag dress?Simple lang nga 'to e..."
"Kase makikita mo ang kambal ko kaya ka—"
Hinampas ko ulit siya.
"Hindi totoo 'yan!"
Tinawanan niya lang ako.Napanguso ako.Paunti-unti na siyang nang-aasar kapag magkasama kami!"Congrats pala sa inyo.Ang galing galing niyo kanina ah!"
"Thank you.Nakita ko ang mga kaibigan mo kanina maliban sa'yo.I thought you didn't watch the game?"
Patanong niyang wika."Hindi ko kasi sila katabi pero nanood ako 'no."
"Kaya pala.Get in."
Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa front seat kaya umupo na ako doon.Medyo malayo raw ang restobar na pupuntahan namin.Nang makarating na kami ay pinagbuksan niya ulit ako ng pintuan.Maraming naka parada kaya sigurado akong marami ang inimbita nila.
Naglakad na kami ni Sky papasok at sa pagtapak ko palang sa entrance ay rinig ko na ang ingay,sumasabay ang mga tao sa beat ng music at dance floor lights.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Chase
Teen FictionCloud and Sasha (2021) Started: February,22,2021 Finished:May,25,2021