---Fiestahan day----
"Mga tanga okay na ba kayo? sunduin na natin sila ji" Tanong ni Minho habang naka tingin sa salamin at nagaayos
"Okay na kame si hyunjin ata hindi" Sabi naman ni bang chan kaya napatingin silang lahat kay hyunjin
"Huh? ah ok na ko"Sabi ni hyunjin
"Ano meron? Bat parang kinakabahan ka?" Tanong ni felix sakanya
"Wala" Pag deny naman ni hyunjin
"Aamin na kasi siya mamaya kaya pag umalis daw sila ni seungmin wag na hanapin" Sabi naman ni bang chan
"Ah yun lang pala eh tara na nagaantay na sila" Sabi ni Minho kaya lumabas na sila sa Bahay ni chan at nag drive papunta sa Bahay ni jisung
"Hi tita sila jisung po?" Tanong ni Minho sa mama ni jisung nang makarating na sila sa Bahay ni jisung
"ay anak nasa taas sila nung mga tropa niya sa kwarto" Sabi naman ng mama ni Minho
"Sige po tita akyat po kami sakanila" Sabi ni Minho at naglakad na sila paakyat sa kwarto ni jisung
"Wow pare anak" Pang aasar ni bang chan kay Minho
"Tangina mo" Sabi naman ni Minho
"Hi guys" Sabi ni hyunjin nung buksan niya ang pinto sa kwarto ni jisung pero biglang nanahimik nang makitang nakatitig si seungmin sakanya
"Ganda ng suot mo" Sabi ni hyunjin pagkaupo sa tabi ni seungmin
"Thank you, sayo din maayos" Sabi naman ni seungmin at tumingin lang sa labas ng bintana
"Okay ka lang? Bat parang kinakabahan ka?" Tanong ni hyunjin
"Bat naman ako kakabahan? Fiestahan lang naman tayo pupunta" pagsisinungaling naman ni seungmin
"Kinakabahan ako dahil sabi mo ngayon mo sasabihin kung ano ba tayo" sabi no seungmin sa sarili
"Hoy tara na" Sabi ni jisung sakanilang dalawa kaya naman tumayo na sila para makababa at sumakay sa kotse.
-----fiestahan------
"Ang cute nung hairband putaa" Sabi ni seungmin kay jisung
"Boss gusto mo nun?" Kinalabit no hyunjin si seungmin at nagtanong
"Hindi ang cute lang hehe feel ko bagay sayo" sabi ni seungmin
"Tara try natin" Pag aya ni hyunjin para ma solo si seungmin
"Sige, sung may try lang kame ni hyunjin dun na hairband" pagpaaalam ni seungmin kay jisung
"Okay landi well lodicakes text nalang" sabi ni jisung kaya natawa ng kaunti si seungmin
"Tara" pag aya ni seungmin kay hyunjin kaya naglakad na sila papunta sa store nung hairband
"Try mo tong sungay tutal demonyo ka naman" pang aasar ni seungmin ng isuor niya ang kulay pulang sungay kay hyunjin
"Pasalamat ka boss kita kundi" sabi ni hyunjina at inalis ang hairband na pinili ni seungmin
"Kundi?" Pag tatanong ni seungmin
"Wala ibang hair band nga pilian mo ako" sabi naman ni hyunjin
"Eto cute white tas cat ears kahit si toothless yung kamukha mo" Pang aasar ulit ni seungmin
"Sige isa pa kim sky seungmin" Sabi ni hyunjin at tinry and hairband na pinili ni seungmin
"Ano gagawin mo pag inulit ko?" Tanong naman ni seungmin na nangiinis
"Hahalikan kita" Sabi ni hyunjin kaya nanahimik naman si seungmin
"A-ano y-yan na yung b-bilhin natin pwede na yan" Pag utal utal na sabi ni seungmin dala ng gulat niya sa sinabi ni hyunjin
"Tignan mo nanahimik ka din" Sabi ni hyunjin at tumawa ng kaunti dahil ang cute daw ni seungmin
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------(。・ω・。)ノ♡
Any thoughts?LATE PUBLISH PASENSHA AKDBSKSJJS STREAM SKZ KINGDOM AND DI MAG STREAM MAMAMATAY DAW CHAR NOT CHAR BWISET KA MNET
https://youtu.be/kybhfbm0gU8
-L
BINABASA MO ANG
Nangangamba • SeungJin
FanfictionA sequel of "You, I hate you to death" "Pare it's very mahirap kaya umamin you know" "Matalino ako oo pero pagdating sakanya nagiging bobo ako bigla" 2nd book of the "bobo series" Start: April 15, 2021 End: May 28, 2021