3rd person pov
"Ano gusto mo gawin boss?" Tanong ni hyunjin ng makarating sila sa mall
"Kahit ano ikaw ba?" Tanong pabalik naman ni seungmin
"Tara timezone" Masayang pagyaya si hyunjin
"Tara g" sabi ni seungmin kaya naglakad na sila paputang timezone. Nang makarating bumili na sila ng coins para magamit sa mga machine.
"Boss libre mo ako pag nakuhaan kita ng stuff toy dito" Sabi ni hyunjin at itinuro and claw machine
"Sige ba basta pag di ka naka kuha ako ililibre mo" Paghamon naman ni seungmin
"Sure easy basic lang yun" sabi ni hyunjin at lumapit na sa may claw machine
"OH DI KA NAKA KUHA LIBRE MO AKO!" Sabi ni seungmin at tinawanan si hyunjin
"Pwede last chance please pleasee" Sabi ni hyunjin at nagmakaawa kay seungmin na tinatawanan lang siya
"Sige last chance na yan ha" sabi ni seungmin kaya biglang nilaro ulit ni hyunjin ang claw machine.
"Okay okay boss itong puppy ba?" Tanong ni hyunjin kay seungmin na pinapanood lang siya
"Yes" sabi ni seungmin kaya itinapat ni hyunjin ang claw sa puppy na gusto ni seungmin
"OH NAKUHA KO LILIBRE MO AKO" Sabi ni hyunjin at tumatalon talon pa habang hawak yung puppy na nakuha niya
"Oo na ice cream diba" sabi ni seungmin at nakatingin lang kay hyunjin
"Oo hehe eto oh puppy mo" Sabi ni hyunjin at iniabot ang stuff toy sa lalaki
"Gago bakit kamukha mo yung puppy?" Pabirong sabi ni hyunjin
"Tangina mo di kita lilibre makita mo" Pagbabanta naman ni seungmin
"Joke lang boss to naman. Tara na sa ice cream ko" sabi ni hyunjin at hinawakan si seungmin sa pala pulsohan at hinitak ito para maglakad na
"Huy awat di aalis yung ice cream mo ang sakit" Sabi ni seungmin at inalis ang pala pulsohan niya sa kamay ni hyunjin (a/n pala pulsohan is wrist sa mga di nakakaalam)
"Ay sorry sorry masakit ba? Saan? sobrang sakit ba? Patingin nga ako" sabay sabay na tanong ni hyunjin
"oa mo di naman ganun kasakit tara na" Sabi ni seungmin at nagdalawang isip pa kung hahawakan niya ang kamay ng lalake. Hinawakan niya.
"Hi sir good afternoon" Sabi ng babae sa counter pagka pasok nila sa ice cream shop
"Ano flavor sayo?" Tanong ni hyunjin kay seungmin. Hindi padin sila bumibitaw sa pagka hawak ng kamay nila
"Mint chocolate chip" Sabi ni seungmin kaya lumapit na sila sa may counter
"Uh one mint chocolate chip and one Cookies and cream" Sabi ni hyunjin sa babae
"Sir jowa mo?" Tanong ng babae kay hyunjin kaya nagulat silang dalawa
"Uhm hindi hindi" Pagdeny naman ni hyunjin
"Bakit po grabe yung holding hands" Mahinang sabi ng babae pero narinig padin nilang dalawa kaya bigla silang nagkatinginan at inalis ang pagkahawak sa isa't isa
"Sir 200 po" sabi ng babae sa counter. Ilalabas na sana ni seungmin yung wallet niya pero biglang nilapag ni hyunjin yung 200 na kinuha niya sa bulsa nya
"Huy ako magbabayad diba?" Nagtatakang sabi ni seungmin kay hyunjin
"Joke lang yung kanina boss ako na pinapa kalma nga kita eh" sabi ni hyunjin kaya naman namula ng kaunti si seungmin
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------(。・ω・。)ノ♡
Any thoughts?Yon nga nag d8 sila sana all LF kadate.
-L
BINABASA MO ANG
Nangangamba • SeungJin
Hayran KurguA sequel of "You, I hate you to death" "Pare it's very mahirap kaya umamin you know" "Matalino ako oo pero pagdating sakanya nagiging bobo ako bigla" 2nd book of the "bobo series" Start: April 15, 2021 End: May 28, 2021