Prologue

40 0 0
                                    


ITINAAS ni Summer ang kanyang kanang kamay. She did that to cover her eyes from direct sunlight, habang nakangiting tumitingala. Kakarating lang nila sa resort na pag-aari ng pamilya nila... Villa de Verano.

Originally the resort was named Villa De Altamira but during her seventh birthday, her parents change its name to Villa de Verano, which is named after her. Her Mother has Spanish blood so, de Verano means "of summer"... Villa of Summer.

Summer Altamira, s'ya ang nag iisang anak ng mag asawang George at Lindsay Altamira. Kilala ang pamilya nito hindi dahil pawang mga negosyante ang mga magulang nito at isa sila sa may malaki at magarbong bahay sa buong Maravilla, kundi dahil mapagbigay at matulungin ang mga ito. Madami silang mga tinutulungan na charities at mga pinag-aaral na mga batang kapos palad at hindi kayang pag-aralin ng mga magulang. Katunayan nga ay may tinutulungang orphanage ang mga ito sa Maravilla, at ito ang isang dahilan kung bakit bawat bakasyon ay nandirito sila.

Maliban rin sa gustong-gusto ni Summer ang dagat ay nandirito ang matalik nitong kaibigan mula pagkabata. Dito ito nag-aral ng elementary, pero mula ng mag high school hanggang ngayon na mag ta-tatlong taon na sa kolehiyo ay sa Manila ito nag-aral.

Napatingin ito sa gawing kanan nito and there she saw someone as if looking at her from the far side of the resort. Hindi na ito sakop ng resort nila, she always saw him every time na kadarating lang nila simula ng mag high school ito at hindi na dito namamalagi.

Summer knew na lalaki ito base na rin sa suot. The guy is only wearing jeans at alam nitong tinitignan s'ya nito. Creepy as may sound pero nasanay na ito, tsaka sa bawat dating lang naman nila at hindi n'ya na ito nakikita sa mga sumusunod na araw.

"Summer...naririnig mo ba ako? Kanina pa kita tinatawag."

Biglang tulak ni Trinity Natividad o mas kilala bilang Trina, ang matalik nitong kaibigan.

"Huh?" wala sa wisyo itong tumugon.

"Ewan ko sa 'yo!"

Pagkatapos at tinalikuran s'ya at naglakad na paalis. Nang matauhan ay sumunod ito agad sa kaibigan.

"Hoy! Sorry na, hindi lang talaga kita napansin."

Hinging paumanhin nito na nakapagpatigil ng lakad ng kaibigan.

"Oo, na. Palibhasa hindi ko matiis na magtampo sa'yo."

Napangiti ito sa sinabi ng kaibigan kaya agad n'ya itong niyakap.

"Na-missed kita."

"Ako rin, missed kita, sobra."

Simula ng mag college ito ay nakagawian n'ya na rin na dito mag enrol ng summer subjects n'ya. Pinayagan naman ito ng school n'ya dahil kilalang university sa Maravilla ang pinapasukan n'ya tuwing summer at pareho lang ang standard nito sa pinapasukan n'ya sa Manila.

"Ang tagal mo, kanina pa 'ko dito."

Napangiwi ito ng makita ang nakangiwing mukha ni Trina.

She made a fake cough. "Sorry, nasiraan lang si Mang Caloy on his way to pick me."

Napabuntong hininga naman ang kaibigan as she looks at Summer smiling shyly at her.

"Hmmph... Ano pa nga ba? Let's go, para matapos tayo ng maaga."

Tumango naman ito at sumunod na sa kaibigan. Ito ang huling araw ng enrolment para sa summer class at marami ang mga humahabol na makapag-enrol.

"Uh, mauna ka na sa admin, susunod ako. Punta lang akong cr, okay?" Trina asked her.

Tinanguan n'ya lang ito at naglakad ng muli. Maraming mga bumabati sa kanya ng makita ito sa eskwelahan. Maraming nakakakilala sa kanya dito at 'yung iba mga dati n'yang ka-klase dito.

The Bastard's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon