three

851 43 69
                                    


VICE POV.

"Teka anong nangyayari?" takang tanong ni Ion.

"Ahh si Vice. Dating maid yung mother nya sa amin. Natatandaan mo pa ba? Si Nanay Rosario?" saad ni Kid pero umiling lang si Ion.

"Ano bang ginagawa nyo dito?" iritang tanong ni Ion kala Zeus.

"Makikikain nga, kaso baka ikaw yung unang kumain." saad ni Zeus at agad ko naman itong kinatulkan.

"Kilala kita Zeus, tang ina mo." saad ko dito at tumawa lang sila.

"Ano bang ginagawa mo dito ate?" Tanong ni Kid sakin.

"A-ah kase kahapon nasa bar ako tapos na lasing." saad ko.

"Tapos sinukahan ako tapos nagpadala dito sa bahay. Ang fc diba?" mataray na saad ni Ion.

"Wala naman akong sinabing dalhin mo ko dito. Mas maganda ngang iniwan mo ko sa bar kesa dito sa mabaho mong condo!" sigaw ko dito.

"Oo, araw araw ata may inuuwi ka dito." singit ni Zeus.

"Shut up bro. Umalis na kayo, mag tratrabaho pa kami." pagtataboy ni Ion kala Zeus.

"Ano namang klaseng trabaho yan huh?" saad ni Zeus na may halong nakakalokong ngiti at tingin.

"Sya yung tinutukoy kong secretary. Okay na kayo? Pwede na ba kayong umalis?" saad ni Ion habang tinataboy papuntang pinto.

"Ahhh sya pala yung tinutukoy mong malaking pwet. Jok lang tol bye bye HAHAHAHA." asar ni Zeus.

"Bye ate Vice!!" paalam nilang dalawa at tuluyang umalis.

"Idiot." tanging saad ni Ion. Di nya naman sinasabing pinagpapantasyahan nya ko.

Nang matapos kaming kumain agad naming nilagay ang mga pinggan namin sa plato. At syempre ako ang maghugas, asa ka dito sa kasama ko.

Nang matapos ay agad kaming bumaba para gumayak. Kasalukuyan kaming nasa parking lot. Buti na lang agad naming nahanap ang kotse ng damuho kong boss.

"Marunong kang mag drive?" saad nito sa akin at tumango lang ako. Bigla na mya lang hinagis ang susi ng kotse at sumakay sa backseat. Buti na lang talaga nasalo ko, kung hindi gasgas ang maganda kong fes.

Inirolyo ko muna ang mata ko bago ako pumasok sa sasakyan. Ubod talaga sya ng kabastusan. Pwede nya namang iabot yung susi ng kotse ng maayos, di nya parin magawa. Gumamit na lang ako ng waze kesa tanungin tong asungot na to. Buti na lang talaga mag load ako kung hindi sasagasaan ko na lang tong kaimbyernang boss na to.

Nang makapunta na kami sa parking lot ng building ay agad syang bumaba. Hayop na to, hindi man lang ako hinintay?

Bumaba na lang ako ng matiwasay. Okay narin yon, hindi ko rin naman sya gusto kasabay.

"Goodmorning po ma'am. Ask ko lang po kung emplayado kayo rito. May ID po ba kayo?" saad ng Guard bago pa man ako makapasok.

"W-wala akong ID kasi bago pa lang ako." paliwanag ko.

"Nako Ma'am, alam ko na yang mga modus na yan. No ID, no entry." pagmamatigas ng guard.

"Pero Kuyang Guard, secretary po ako ng CEO ng company na to. Mainit po ulo non baka pagalitan ako pag hindi ako nakapasok agad." pagmamakaawa ko pero parang wala parin talagang talab.

"Sorry Ma'am, pero kailangan nating sumunod sa mga security protocols dito." paliwanag ng guard nang bilang may tumabig sakin.

"Oh Im sorry hindi ko sinasadya. Wait, Vice?" saad ng babae at agad ko naman itong nilingon.

What's Wrong With Secretary Vice?Where stories live. Discover now