emotera

71 2 4
                                    

Sorry po, trying hard akong writer hahaha, trip ko lang naman kasi toh eh , palipas oras lang . Pero tnx sa makakabasa love you all =*

(ANDREA)

Ako nga pala si ANDREA SANTIAGO LOPEZ ang nag-iisang bestfriend ni SOFIA ALARCON MENDEZ, naging bff kami simula nung maging mag-classmate kami nung 2nd year kami.ngayon 4th year high school na kami.Malapit na kaming magkahiwalay ng landas.Ang drama ko eh nuh? Sana kahit gnun hindi siya makalimot,kung makakalimot man siya , sana pag-aaral ang dahilan hindi barkada.Masakit kasi yun eh pag nalaman mo na may bago na siyang mga kaibigan. tapos ikaw nakalimutan ka na.

Two years na kaming magkaklase at magbestfriend ni Sofia. Ngayon graduating na kami ng highschool. Ngayon pa lang nalulungkot na ako kasi magkakahiwalay na kami ng landas. Hehe tama na nga ang drama.

Andito ako ngayon sa kwarto ni Bff . Mapagtripan nga muna siya.

"Grabe ang panget naman ng kwarto mo besh." kunwari lang naman yun. Sa totoo lang ang ganda nga eh , napakalinis pa. Lahat nasa ayos

"Ehdi panget na kung panget tss saka wag ka nga maingay may naglalaba" pikon niyang sabi

"eh ano naman connect nung maingay sa naglalaba ?" ako

"Wala," siya

"Praning mo talagang babae ka , lumilipad na naman yang isip mo tsk" ako . minsan talaga hindi ko maintindihan pinagsasabi nitong babaeng to

nagkwentuhan lang kami ng about sa kung an-ano. Syempre di mawawala sa usapan namin yung pinakammahal nitong besh ko na si Jasper. Praning na nga talaga siya. Kaya ayoko mainlove eh . Baka mapabayaan ko din ang sarili ko katulad ni besh.

"Uuwi ka na agad ? " malungkot niyang tanong

"Yup , bakit hindi mo kayang mhiwalay sa akin ? Kanina pa tayo magkasama ah , di ka pa rin nagsasawa sa mukha ko ?" pang-aasar ko

"Loka ! yan ka na naman sa mga trip mo eh. Sige umuwi ka na nga " siya

"ok sige bye besh ! Wag ka na malungkot mahal ka din nun hahaha " sabay takbo ko palabas ng bahay nila

"Sira ka ! Humanda ka sa akin bukas !" ako

(Sofia's P.O.V)

" Haaayyy mag-isa na naman ako " buntong hininga kong sabi

Nakakaasar naman kasi , bakit pa kailangang lagi nalang siya yung nasa isip ko. Halos mabaliw na ako araw-araw , na kahit saan man ako magpunta ay nakikita ko siya. Ganito ba pag inlove ? Halos di ka na makakain pag hindi mo siya nakikita ? Yung tipong basta may dala kang rice , tapos siya yung uulamin mo ? Nuh ba tong pinag-iisip ko .

Nakahiga lang ako sa kama , nakadilat man ako o nakapikit mukha pa rin ng pinakamamahal ko yung nakikita ko. Yung mga araw na nagkakasama kami , yung mga ngiti niya at tawa na kay sarap pakinggan . Napapangiti ako mag-isa sa mga naaalala ko. Mukha na akong baliw nento

***FLASHBACK***

''hahahaha nakakatawa ka tol '' sabi ni jasper

''bakit naman ako nakakatawa aber?" masungit kong tanong

"kasi ang kalat mo kumain hahaha" siya

"eh? anong masama kung makalat akong kumain ? akala mo siya hindi makalat kumain , tingnan mo muna sarili mo saka ka tumingin sa iba!" hmmpf kaasar talaga siya , akala naman niya papatalo ako

"eh mas malala ka pa sa bata kung kumain eh , tingnan mo nga yang sarili mo , pati buhok mo kumakain ng kanin, pati lamesa pinapakain mo na hahaha " makatawa talaga siya wagas

"oo na ako na makalat kumain , ako na busabos kung kumain , ikaw na panalo kaasar ka talga !" pasigaw kong sabi

"ito naman pikon agad hahaha" siya

"manahimik ka na nga ! nawawalan ako ng ganang kumain sa'yo !" napipikon na ako , kahit kailan talaga lagi akong asar talo kay jasper , pero deep inside kinikilig na ako kasi para kaming mag-bf/gf . Nandito kasi kami sa isang kainan , "Karindirya ni Aling Rosa" pinagtitinginan na nga kami eh

"aba kailan ka pa nawalan ng ganang kumain ah ? sa katawan mong yan daig mo pa ang baboy kung makalamon ! hahaha " sige tumawa ka lang , ayos lang sa akin ang pikunin mo ako basta nakikita kitang tumatawa

"oo na, tumigil ka na please? napipikon na ako !" hay naku , buset talaga tong mokong na toh , pasalamat siya mahal ko siya , kung hindi naku baka binalatan ko na siya ng buhay

ngumisi lang siya tapos sabay tusok sa tagiliran ko " ano ba wag mo nga akong kilitiin ! "

"ang panget mo kasi pag nakabusangot ka eh hahaha" siya

"ok fine whatever , tara ubusin na natin tong pagkain baka mapanis na kakahintay sa atin "

"ok" nakangiti niyang sabi . kinikilig talaga ako sa kanya , ang gwapo pa niya

***END OF FLASHBACK***

"aaaahhhhhh" napasigaw na ako

Maloloka ako sa pinag-iisip ko . Ano bang mayron yung lalaking yun at naadik ako sa kanya ng ganito . Ang hirap ng ganito , di ko na kaya , mababaliw na ako . Di na nga ako kumain kasi wala akong gana , ewan ko ba sa sarili ko . Kapag hindi ko nakikita si Jasper nawawalan ako ng gana sa buhay . Pati tuloy yung mga tao sa paligid ko naaapektuhan T_T . Ano ba dapat kong gawin ? Sana mag-umaga na para makita ko na siya .

~hanggang dito muna

Mahal Kasi KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon