~dedicate ko sa'yo pillows :) dahil sa'yo napagtripan ko sumulat hahaha tnx alot muah muah :*
~Maraming salamat po sa mga nag-like nento kahit OA lahat ng mga pinagsasabi dito . :*
Lumipas ang maraming oras simula nung umuwi si ANDREA . Naiwan pa rin sa isip ko ang mukha ni Jasper , at yung mga araw na kasama ko siya . Pinapangarap ko siya ngayon na magkatabi kami . Kinikilig ako pero iniisip ko kung sasabihin ko ba sa kanya na mahal ko na siya , o habambuhay ko nalang itatago tong nararamdaman ko at kalimutan nalang na minahal ko siya . pero ang hirap kasi .
di ko na namalayan yung oras
"4 am na pala aga pa naman ng pasok ko " inaantok kong sabi
Hindi na ako natulog , naligo na ako , tapos kumain ako then nag-ayos na. Aalis na sana ako ng biglang naisip ko na , wag nalang kaya ako pumasok ? Gusto ko matulog nalang ... Ay di pwede , gusto ko makita si JASPER ko eh >_< pero ...si besh kasi ... di bale na nga siguro naman maiintindihan ako ni Besh Andrea kung bakit ako bangag ngayon ...
Pumasok ako sa room ko at naupo , di ko pinansin yung mga nag-go-good morning sa akin . Tumungo nalang ako sa desk ko , at natulog . Buti nalang pumasok ako , mas nakakaantok pa dito sa room kaysa sa bahay eh , kahit maingay mga kaklase ko.
after 537687876 ... seconds
may gumigising sa akin
"ano ba wag ka ngang magulo " inaantok kong sabi
kinalabit ako ...
"ano ba wag ka ngang makulit " ako
kinalabit na naman ako pero mas malakas na kalabit na
"ano ba nakakairita na ah , sabi ng wag kang----"
"ANONG SABI MO MS.MENDEZ ?! " sigaw na tanong ni ma'am sungit este MS.JIMENEZ
" wa--wa-wala po ma'am" nauutal kong sagot
"ANO PANG GINAGAWA MO JAN ?! TUMAYO KA NA AT GAWIN MO NA ANG PARUSA MO !" ang sungit talaga ni ma'am
"o--p-po" ako
nagtawanan lahat ng mga kaklase ko , piling ko ang liit-liit ko . Halos mabingi ako sa halingawngaw ng tawa nilang lahat . Naaasar ako , bakit kasi sa lahat pa ng makakalimutan ko , bakit yung schedule pa ng masungit na teacher ko na toh ...
Habang naglalakad ako palapit dun sa pisara ... Naiiyak ako na naiinis , alam mo yung piling ng sobrang pagpipigil mo ng inis eh halos maiyak ka na , nawala yung antok ko dahil sa nangyayari ngayon. First time kong mapagtawanan ng maraming tao , bwisit kasi , may nalalaman pang parusa tong lukaret naming teacher , di nalang siya namatay . tsk
At ngayon nandito na ako sa harap at naka-SQUAT lang naman , kitang-kita ko yung mga kakalase kong nagtatawanan , yung iba hawak na nila tiyan nila sa katatawa yung iba naman nakangisi , yung iba naiinis din kay ma'am syempre yung mga kaibigan ko yun. Ikaw ba naman natulog lang sa room eh parurusahan ka ng ganun . Letseng RULES ni Ma'am Jimenez hindi nakakatuwa , noon pag may napaparusahan na iba tawang-tawa ako ngayong nararanasan ko na . Never na akong tatawa , dahil iba pala ang piling ng napapahiya at napaparusahan ng dahil lang sa mababaw na dahilan.
"Magdusa ka " pagkadaan ni ma'am jimenez sa harap ko
Napabusangot ako sa sinabi ni ma'am , nagsalubong yung mga kilay ko sa inis . Gusto ko na siya sabunutan sa sobrang pagtitimpi ko , naudlot pa niya yung masarap kong tulog
Napansin siguro ni ma'am yung reaction ko. Kaya alam mo ang ginawa niya ?
Pinatungan lang naman niya ng tatlong libro yung mga kamay ko habang naka-squat ako ng magka-cross yung mga paa ko . Ang sama dba ? Lalong nag-init yung ulo ko sa ginawang yun ni ma'am . Kung kanina nakakaya ko pang magtimpi , pwes humanda siya ngayon
BINABASA MO ANG
Mahal Kasi Kita
Novela Juvenil~Is there a possibility na maging kayo ng bestfriend mo ? What if he loves you as bestfriend ? How about the feelings you have for him ? Are you going to reveal it and tell it to him ? O itatago mo nalang ito habambuhay ? ~we'll see ...