Chapter 13: The Battle.
Third Person POV.
Late na pero habang natutulog ang lahat ng tao meron namang mga taong gising pa rin at hanggang ngayon ay nagpapatayan. Nagpapatayan hindi lang dahil sa kung ano ang mga pinapaniwalaan nilang tama, kung hindi para sa isang misyon. Isang misyong alam nilang hindi basta basta.
"Nagkita na naman tayo, Blood." Sabi ni Shadow habang hawak hawak nito ang kanyang kunai at pinapatamaan si Blood.
"I know Shadow. And this time, I'm going to kill you." Sabi ni Blood sa malamig na boses.
Napasmirk lang si Shadow sa sinabi ni Blood, kahit hindi nito nakikita ang kanyang mukha. Napangisi naman si Blood dahil alam nyang ito na ang panahon para sa wakas ay mapatay na niya ng tuluyan si Shadow. Ang kanyang mortal na kaaway.
"This may be one of our battles Blood. But this is not the Last." Malamig na sabi ni Shadow kay blood.
Tiningnan lang sya ni Blood ng masama at ganun rin naman si Shadow kay Blood.
"Psh. No one can stop me This time Shadow. I assure you that."
At sabay ng pagsabi ni Blood ay bigla niyang kinuha ang kanyang Shuriken at inihagis niya ito kay Shadow. Habang iniiwasan naman ito ni Shadow at ginagawang pananga ang kanyang kunai sa shuriken ni Blood.
Papalapit ng papalapit sila sa isa't isa. Biglang sinipa ni Blood si Shadow sa may paanan pero biglang nakaiwas si Shadow sa pagtama ng sipa kay Blood at saka niya ito inatake ng kunai niya pero sadyang mailap si Blood dahil kung mabilis umatake sa kanya si Shadow ay sya namang mabilis niyang pag atake din rito at nahawakan din niya ang kamay ni Shadow at ipinaikot ito sa kanyang likod at saka niya sinipa ang likuran ni Shadow.
Napahandusay sa lupa si Shadow dahil sa bilis ng impact at sa lakas ng pagkakasipa sa kanya. Bumangon naman sya agad at saka hinarap si Blood.
"Mukhang gumagaling ka na nga Blood. Not like Before." Mahiwagang sabi ni Shadow sa kanya.
"At humihina ka na ata This time Shadow." Sabi naman ni Blood at saka nito nilabas ang kanyang Nunchaku galing sa kanyang likuran.
Pinaikot ikot nya ito at saka mabilis na lumapit kay Shadow at pinapatamaan niya ito gamit ng kanyang Nunchaku, pero sadyang mabilis rin umiiwas si Shadow kaya hindi niya masyado natatamaan ito.
"Ito lang ba ang kaya mo Blood? Tandaan mo hindi lang ang isang Nunchaku ang makakapatay sa akin." Sabi nito at saka nya kinuha ang kanyang Dagger at iyon ang ginawa niyang armas panlaban sa Nunchaku ni Blood.
Habang naglalaban naman silang dalawa ay nakatingin lang sa kanila ang isang taong lubos na nakakilala sa kanila. Pinapanood lang nya ang paglalaban ng Dalawa. Kung sino ang matatalo at kung sino ang mamatay sa huli.
"Boss. Oras na!" Biglang sigaw ng isang kasamahan ni Shadow.
At iyon ang hudyat na kailangan na nilang tapusin ang labanan nila ni Blood. Bigla niyang hinawakan ang Nunchaku ni Blood at saka niya biglang pinatamaan si Blood sa kanyang braso gamit ang dagger. Nakaiwas man si Blood pero nadaplisan pa din siya. Sinipa ni Blood si Shadow pero sadyang mabilis ito at bigla nalang nawala sa paningin niya.
"Nakawala ka na naman sa kamatayan mo Shadow."
Iyan ang huling sinabi ni Blood at saka tumalikod na at nakita niya ang kasama niyang napapailing.
"Natakasan na naman niya ang kamatayan niya." Sabi nya.
"I know." Sabi lang ni Blood sa malamig na boses at saka na sila umalis.
BINABASA MO ANG
Shut Up or I'll Kill You! #Wattys2017
ActionAno ang gagawin mo pag may biglang humila sayo at sinabihan kang "Shut Up or I'll Kill You!" Tatakbo ka ba o Makikipagtitigan?---Gemma Lara Saavedra is the name and this is my-our story.