Chapter 6

41 2 1
                                    

Almost 1:45 ng tanghali at ako ay nakaupo sa upuan, nanonood ng tv. Every Sunday na lang bored ako although busy sa schoolworks at examinations.

Tuwing saturdays ko kasi ginagawa ang lahat ng kailangang gawin. Para pagdating ng Sunday ay relax na. Relax na tipong mabo-bore din. (ano daw?)

Kinabukasan ay regular classes lang naman. Sa wednesday pa kasi ang aming exam kaya chill muna.

Kinuha ko ang phone ko at tinext si Yui.

"Uy busy ka ngayon?"

"Hindi. Bakit?"

"Gala tayo?"

"Sige, saan tayo magkikita?"

"Susunduin kita diyan. 2:30"

"Ha? Eh, sige."

Iyon na lang at ako'y naghanda na pumunta sa kanila. Ewan ko kung bakit siya ang niyaya kong lumabas. Sa tingin ko namimiss ko lang siya.

<><><>

Polo shirt, pants, at pair ng Vans shoes ay handa na ko. Konting ayos ng buhok ay ok na. Buhok lang talaga ang pinaka-favorite kong asset sa sarili ko. Basta malinis tignan ok na.

Nakasandal ako sa pintuan ng aking sasakyan habang hinihintay si Yui sa tapat ng bahay nila. Halos 2 hours of preparation hindi parin siya tapos. Grabe talaga ang mga babae.

3:00 pm na ng lumabas sya sa bahay nila. Printed polo shirt din, colored pants, at pair ng doll shoes. Nakalugay ang kulot niyang buhok sa right at walang make-up. Pero, ang ganda niya parin. 'Yung tipong 'di na kailangan ng retouches, maganda na. Best example ay si Yui.

"So tara na?" maaliwalas na mukha ang bumungad sa akin. Napangiti rin naman ako at sabay bukas sa pintuan ng kanyang uupuan.

"Mauuna na po kami, aagahan po namin ang uwi namin. Maraming salamat po." wika ko sa kanyang tita kasabay ng pagtungo nito bilang pagpayag.

Sumakay na kami at umalis na sa village.

"So, saan ang punta natin?" Tanong nito sa akin.

"Ikaw ba? Saan mo gusto pumunta?"

"'Dun muna tayo sa may park. Mamaya na tayo kumain mag-gala muna tayo."

"Okay po, madam" sabay ngiti nito sa akin.

"Bakit nga pala niyaya mo ako gumala?" biglang tanong nito sa akin.

"Wala kasi akong ginagawa sa bahay. Ikaw lang kasi ang kilala kong madalas walang ginagawa pag weekends" sagot ko rito.

"Ganun, bakit hindi sina Vince, Geoff, o si Dominic?"

"Si Vince daw may sakit. Si Geoff umuwi sa Cavite kasama ang family niya. Si Dominic may basketball training at 'di raw siya pwedeng lumiban kasi malapit na ang game nila."

"Hmm, no choice nga kaya ako na lang." Sagot nito sa akin.

"Actually hindi, gusto rin kasi kitang kausapin about sa buhay-buhay natin. Alam mo yun, kwentuhan lang."

Pero deep inside talaga na-miss ko lang siya. Ayoko muna mag-salita kasi masyado pang maaga, maybe this is just the chance to know her more.

<><><>

Nakaupo na kami sa park at na may table at 4:00pm pa lang. Nagkaroon kami ng quality time mag-usap.

"Ano nang balita sa inyo ni Mark?" Seryosong tanong ko dito.

"Ah, wala naman. No movements. Medyo awkward parin." Meaningless ang mood at tila walang pakialam sa sinabi.

"Eh ang pag-momove-on? Kamusta?" dagdag kong tanong dito. Matapang akong magtanong kasi 'di niya alam na gusto ko siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not A Typical Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon