Chapter 3

30 0 0
                                    

Meron sina Kenji na meeting para sa isang role play para bukas. Ang napag-planuhang meeting place ay sa bahay ni Yui.

"Kenji! May meeting kayo kina Yui?"

"Oo meron. Bakit?" Sagot sakin ni Kenji.

Kenji Seña. maitim, chubby, average height. Pero napakagaling magsalita, forte nya ang english at mahilig sa anime.

"Baka naman meron akong pwedeng gawin? Gusto ko sumama eh." yaya ko dito.

Dito nahalata nya rin na gusto ko makita si Yui. Although 'di ko sila ka-group.

"Ano? Eh 'di ka naman namin ka-grupo. Teka, gusto mo makita si Yui no?"

Bago pa man ako makapagsalita eh dumating si Yui at may dalang mga papel.

"Marie, ikaw na bahala sa editing ng script. Kenji, try mo gawan ng extra dito para lahat ng group members makagalaw. Ako na dun sa plot ng story." sabi ni Yui.

Halatang-halata ang leadership at pagiging resourceful. Nakaka-turn on talaga.

"Problema na lang natin ay 'yung ibang props."

"Sinong gagawa? Eh lahat tayo may gagawin na." Wika ni Kenji at tinabig ako sa bewang.

"Aray! A-ako na." nasambitla ko bigla ng sikuhin ako sa bewang ni Kenji.

"Sige! That will be a great idea. Total magaling ka naman sa Arts eh! Laking tulong mo din sa amin!" masayang sabi ni Kenji na pilit ang ngiti sa akin.

Mahilig talaga ako sa arts. Especially when it comes to sketches. Madami na rin kasi akong experience sa arts. Bata pa lang ako nakitaan na ako ng ganitong talent. Glad it was useful. At the same time pang-segue para makasama ang gusto ko.

"Sigurado ka?" tanong sa akin ni Yui.

"Oo naman"

"Paano 'yung group mo? Baka makaistorbo pa kami dun." wika sakin ni Yui.

"Wala na akong gagawin. Script lang naman pinagawa sakin and I'm done with it." Sagot ko rito.

Isang simpleng script lang ang ginawa ko para sa group namin. Si Emily naman ang leader kaya no problem ako.

"Aww. Ang bait mo naman! Sige kita-kita na lang sa bahay!" Nakangiti ito sa akin at umalis na.

"Ikaw ha. Inlove ka na pala." wika ni Kenji.

"Hehe. Ganun talaga. Tsaka gusto ko rin mag-effort para naman medyo mahalata. Pasimple pero matinik!" mala-pantasya ang mukha ko habang sinasabi ito.

"Tse. 'Di ko alam sayo. Pero, goodluck! Kita na lang tayo sa 7/11." sabay umalis ito.

<><><>

4:30 na ng hapon at naghihintay na ako kay Kenji sa 7/11. Excited na ko makita ang bahay nila, at mga tao sa bahay nila. Kating-kati na ko makita sya! Harot!

"Tara"

Nagulat ako ng biglang si Kenji pala ang bumulong sa akin sa likod.

"Grabe ka ginulat mo 'ko."

"You only live once." Sagot nito at sabay umalis na kami.

Ang bahay daw nila Yui ay kailangan pang sumakay ng tricycle at jeep. Tinext nya sakin ang address at
babanggitin na lang kay manong driver.

Maya-maya'y nakarating na kami at tinawag namin si Yui.

"'Yan! Nandyan na pala kayo! Halika pasok na kayo." sabi sa amin ni Yui nang makarating kami sa bahay nila.

Not A Typical Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon