Chapter 1 - The Breakup

4 0 0
                                    

Cris's POV

Napakasarap naman talaga sa pakiramdam ng malamig na simoy ng hangin lalo pa't tanaw na tanaw sa terrace ng bar ko ang mga city lights habang umiinom ako ng wine. This is the best feeling, a time for myself.

Sana ganito na lang palagi, stress-free at walang mga epal. Ngunit nasira bigla ang pagmumuni muni ko nang nakarinig ako ng nakakarinding ingay na nanggagaling sa labas ng bar ko.

Bumaba ako para tignan kung ano ang nangyayari at naabutan ko si Mang Jerry na bouncer namin na nakikipagtalo sa mga salarin kung bakit nasira ang "me time" na dapat ay ine-enjoy ko.

"Sir kailangan niyo na talagang umalis. Wag na ho kayong mag eskandalo dito kung hindi ay mapipilitan po kaming tumawag ng pulis. At isa pa po, baka mapagalitan lang po kami ng may-ari nitong bar..."

"Mang Jerry, anong nangyayari dito?"

"Ay Sir, eto po kasi sila eh nagpupumilit po pumasok kahit sabi ko pong bawal dahil wala pong dalang ID yung isang kasama nila."

"Ahh sige, ako nang bahala dito"

At lumapit ako sa mga nagpupumilit pumasok at sinubukang kausapin sila.

"Ano po bang problema?"

"Eh yan kasing.. malaking, kalbong taong yan eh ayaw kaming papasukin."

Nanggigigil ako dito ha, kung makapag asta parang si mang jerry pa ang may kasalanan. Ibinigay ko kay Mang Jerry ang wine glass na hinahawakan ko at humarap sa walang modong tao habang nakapamulsa ako.

"May ID po ba kayo sir?"

"Sinabihan ko na nga siyang malayo pa yung lugar na pinanggalingan namin eh at tyaka di pwedeng balikan ko pa yung ID ko dun tas babalik dito anlayo kaya"

"Kung ganon. Wala po pala kayong ID hindi kayo makakapasok, at dahil hindi kayo makakapasok umalis na lang po kayo"

Kita ko naman sa mukha ang pagkairita niya.

"Pake ko ba! At isa pa, sino ka ba sa inaakala mo ha!"

Biglang uminit ang ulo ko at lumapit ako sa kanya habang pinapantay ang mukha ko sa mukha niya.

"Ako lang naman si Cris, ang may-ari ng bar na kinatatayuan mo. At isa pa, hindi mo ba nakikita yun?"

Sabay turo sa pangalan ko na nakabalandra sa harapan ng bar.

"Kaya umalis na kayo dito dahil kung hindi mapipilitan akong tumawag ng police"

Lumapit naman ang mga barkada niya at inawat na siya.

"Bro! Halika na, sabi ko naman sayo sa susunod na araw na lang tayo mag inuman eh... Sir pasensya na po talaga dito sa kasama namin, mainit lang talaga ang ulo eh, pasensya na po talaga"

At hinila naman nila yung may topak nilang barkada. Naku! Nakakstress ang mga ganyang customer.

Nag vibrate ang phone ko at agad naman nawala ang pagka bad mood ko nang makita kung sino ang tumatawag. Agad ko naman itong sinagot.

"Hello babe?"

"O babe, san ka na?"

"Pasensya ka na babe, nagkaroon lang talaga ng problema sa bar, pero papunta na ako, hintayin mo ko ha"

"Ok sige sige"

Agad naman akong umakyat sa office para kunin yung mga gamit ko. Kung hindi dahil sa mga mokong na yun kanina ay hindi ako malelate sa date namin.

Pagkakuha ko ng gamit ko ay agad akong sumakay sa sasakyan at pinaharurot ang takbo nito.

Iba na talaga ang buhay kapag nagtatrabaho ka na. Puro stress na lang ang kakaharapin mo lagi. Ako pala si Cris, isang may-ari ng bar. Sinimulan ko ang bar business ko no'ng 20 years old ako through the support of my parents, at ngayong 22 na ako, marami na akong pinagdaanan at nakakaya ko nang i-manage ang bar ko ng mag-isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Accepted LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon