1

0 0 0
                                    


"Mama! Kuya! Kain na po!"

Inilapag ko na ang scrambled egg sa mesa at naglagay ng tatlong baso ng marinig ko na may bumaba galing ng hagdan. Pag lingon ko ay nakita ko si kuya na nakababa na at si mama na may dala dalang basket na puno ng mga bagong pitas na gulay galing sa garden namin.

"Kumain na po tayo. Mama eto po oh" nagsandok ako ng kanin sa plato ni mama ganun na din sa plato ni kuya.

"Salamat anak/ thanks" sabay na sabi nilang dalawa na ikinangiti ko naman.

Masaya ako kapag sabay kaming kumakain dahil minsan kami lang dalawa ni mama ang kumakain ng sabay. Si kuya kasi minsan wala sa bahay lagi syang pumupunta sa templo para mag ensayo. Simula nung namatay ang papa namin lagi na nag eensayo si kuya. Minsan nalang din sya umuuwi dito. Kaya natutuwa ako ngayon na nandito sya at kasabay naming kumakain.

"Shun aalis ka nanaman ba mamaya?" Lumingon ako kay kuya ng mag salita si mama.

"Hindi ma, magpapahinga muna ako ngayong araw" pagkatapos nyang sumagot ay isinubo na nya ang huling pagkain nya. Natapos na din akong kumain at ganun na din si mama. Nung tumayo ako para magligpit na sana ng pinagkainan namin ay biglang nanlabo saglit ang paningin ko at agad din namang luminaw ulit. Kinusot ko ang mata ko dahil sa biglang paglabo nito.

"Are you okay?" Lumingon ako sa gawi ni kuya Shun at tumango. "Oo kuya may pumasok yata na dumi sa mata ko. Ako na po ang magliligpit ma" tumango naman si kuya at si mama naman ay tinulungan nalang akong mag ligpit sa lamesa.

----------

Hapon na ngayon at natapos ko na ang mga gawaing bahay. Wala kasi talaga akong magawa. Nasanay na din ako na naglilinis ng bahay dahil wala naman akong ibang magawa. Habang si mama naman syang nasa garden namin. Sobrang hilig ng mama kong mag tanin talaga. Parang makokompleto nga yata nya ang gulay sa bahay kubo. Andami kasi nyang tanim na gulay. Kaya hindi narin kami nahihirapan bumili ng gulay. Simula ng mawala si papa sa amin gusto ni mama na mamuhay kami ng simple. Ito siguro sa tingin ko ang way namin para makalimot sa nakaraan.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagbabasa ng libro. Balak ko nga sana manood ng anime pero hindi ko alam kung anong papanoorin. Kaya magbabasa nalang ako. Nang makaramdam ako ng antok ay itinabi ko muna ang libro at umidlip saglit.

Naglalakad ako ngayon sa isang malawak na patag. Habang pinagmamasdan ang mga bulaklak na nagsasayawan dahil sa hangin.

"Psst"

Lumingon ako sa likuran ko dahil sa boses na narinig ko. Nakarinig ulit ako ng parang may humahagikhik, parang nanggaling ito sa isang bata.

"Tulong"

Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar  dahil sa boses na naririnig ko. Saan ba ang boses na yun?? Baka nasapanganib sya. Tumakbo ako kahit hindi ko alam kung saan ako patungo. Inilibot ko ang paningin ko para hanapin kung may tao ba sa paligid.

"Malapit na sila!"

Bakas ang takot sa boses na naririnig ko. Sinong sila? May humahabol ba sa kanya? Bakit wala akong nakikitang tao dito? Sinubukan kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

"Umalis na kayo! Nanjan na sila! Umalis na kayo!"

Tagaktak ang pawis ko ng magising ako. Anong klaseng panaginip ba yun?? Tinignan ko kung anong oras na ba dahil madilim na ng tignan ko ang bintana. "Gabi na pala"  Napabalikwas ako sa aking kama ng may marinig akong nabasag galing sa baba. Agad akong umalis sa kama ko at lumabas ng kwarto. Nasa dulo ang kwarto ko kaya hindi ko agad makita ang nasa ibaba. Kakatokin ko sana ang kwarto ni kuya pero naisipan kong tignan muna kung ano yung nabasag sa baba.

Habang pababa ako ng hagdan ay agad akong napatakip ng aking bibig. Nagkagulo gulo ang mga gamit at may mga bakas ng dugo sa sahig at pader. Tinignan ko ang paligid at hinanap ng mata ko si mama at kuya.

Pinulot ko ang baseball bat na nasa sahig at hinanap si mama at kuya. Pumunta ako sa kusina pero agad akong napatago sa gilid ng pader ng makita ko si mama at dalawang mga naka itim.

"Ibigay mo na sa amin ang kailangan namin!" Idinikit ko lalo ang katawan ko sa pader habang pinapakinggan ang sinasabi nila.

"Wala akong alam sa pinagsasabi nyo! Umalis na kayo dito! Aahh!" napadiin ang hawak ko sa baseball bat ng marinig ko ang pag daing ni mama.

"Manahimik ka! Sa lagay mo ngayon mukang naubos mo na ang iyong natitirang mahika. Ha! Ano? Gusto mo ba talagang mamatay?!"

"Kahit patayin nyo ako wala kayong mapapala!"

"Nasasagad mo na ang pasensya ko! Eto ang nararapat sayo!"

Bago pa may mangyari kay mama ay lumabas na ako sa aking pagkakatago. "Bitawan nyo ang mama ko!" Agad namang napatigil ang lalake sa gagawin nya at lumingon sila sa gawi ko. Bakas ang pagkagulat at pag aalalasa muka ni mama ng makita ako.

"A-audrey anak"

"Anak? Hindi ko alam na may anak kapa palang naiwan dito, gusto mo rin bang masaktan katulad nung lalake kanina?" Bakas ang gulat sa muka ko ngayon na ikinatawa ng dalawang lalake. Si kuya? Bakit wala sya dito? Nasaan sya ngayon?

"Anong ginawa nyo sa kuya ko?" Kahit nanginginig na ako sa takot ay pinilit ko paring magpakatatag.

Pero nagulat nalang ako ng biglang may lumabas na itim sa kamay ng isang lalake at papunta ito ngayon sa direksyon ko at sa isang iglap tumilapon ako at tumama pa ang katawan ko sa kung anong bagay.

"Audrey! Mga hayop kayo!" Naririnig ko ang sigaw ni mama.

"Manahimik ka! Ang ayoko sa lahat yung pinapatagal ang trabaho ko"

Kahit nahihirapan idinilat ko ang mata ko at nakita ko na sinasakal ng isang lalake si mama. Mga hayop! Ang mama ko! Gusto kong sumigaw pero wala akong lakas sobrang sakit ng katawan ko. Kuya nasaan ka ngayon? Hindi nag tagal naglabas ulit ng itim na mahika ang lalake. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay naluha nalang ako sa aking nasaksihan. Pinatay nila ang mama ko.

"Kung magmamatigas ka lang rin naman ay mabuti pang mamatay ka nalang" gusto kong tumayo at ipaghiganti ang mama ko pero lintik na katawan to ayaw makisama. Sobrang sakit. Ang sakit. Mga hayop sila!

"Anong gagawin natin sa isang ito?" Idinilat kong muli ang aking mata at nakita ang dalawang pares ng sapatos sa harap ko. Hindi ko man lang napansin na nandito na pala sila sa harap ko. Sobrang sakit ng katawan ko at nanghihina ako.

"Ako na ang bahala dito" hindi ko alam kung ano ang susunod na nangyari pero bigla nalang nagkaroon ng pagsabog at pagdilat ko ulit ng mga mata ko ay wala na ang dalawang lalake. Kahit nahihirapan inilibot ko ang paningin ko para hanapin kung nasaan sila pero isang lalake ang nakita ko, may mga sugat ang katawan nya at dugo sa ulo.

"K-kuya" bago pa ako tuluyang mawalan ng malay naramdaman ko na binubuhat ako.

"You're safe now Audrey, kuya's here"

And after that tuluyan na ako nawalan ng malay.

Keenstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon