2

0 0 0
                                    


"Are you sure she's okay?"

"Shun okay na nga sya. Paulit ulit ka naman eh"

Nagising ako sa ingay na narinig ko. Pagdilat ko ay nasa hindi pamilyar na lugar ako. Nasan ako? Anong nangyari? Inisip ko kung ano ang mga nangyari at isa isang bumalik sa alaala ko ko ang mga nangyari. Ang mama ko.

"Kuya" agad kong hinanap si kuya at nakahinga ako ng maluwag ng makita ko sya na may kausap na babae. Napatingin sa gawi ko ang babae na bakas ang pagkagulat.

"Shun you're sister's awake" and as on que agad lumingon si kuya sa gawi ko.

"Audrey! Thank God you're awake. May masakit ba sayo?" Bakas ang pagalalasa muka nya.

"Okay lang ako kuya. Kuya si mama?" Biglang naging seryoso ang muka ni kuya.

"Mama's dead Audrey, hindi ko sya naabutan. I I'm sorry kung nahuli ako ng dating. Kung hindi lang sana ako nahuli ng dating hindi sana namatay si mama, hindi ka sana napahamak" alam kong sinisisi ni kuya ang sarili nya. Kahit masakit ang nangyari. Kailangan kong magpakatatag lalo na ngayon, kami nalang ng kuya ko ang naiwan. Sya nalang ang meron ako. At hindi ko alam kung anong mangyari kung pati sya ang mawala din sa akin.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ni kuya. "Wala kang kasalanan kuya, it's not your fault. Pagbabayaran nila ang ginawa nila kay mama" Naramdaman ko na niyakap ako ni kuya kaya naman ibinaon ko ang ulo ko sa dibdib nya.

-----------------

Nandito parin ako ngayun sa room ng hospital. Nalaman ko na nasa hospital pala ako ngayon. Dito ako dinala ni kuya. Abala ako sa pagbabalat ng mansanas ng biglang bumukas ang pinto.

"Mukang maayos ka na nga, maya maya lang din ay pupunta dito si Shun" tumango nalang ako sa sinabi ng doctor. Di rin nag tagal ay dumating na nga si kuya Shun.

"Shun, pwede ng makalabas ang kapatid mo. Kamusta naman ang inaasikaso mo? Natapos mo na ba?" Napatingin ako kay doctora Anna.

"Yeah, pupunta din kami ngayon sa headmaster" tumango lang din si Doc Anna. Ano kaya ang tinutukoy nila? Nawala ang malalim na iniisip ko ng tawagin ako ni kuya.

"Audrey let's go" tumango lang ako at sumunod kay kuya. Nagpaalam din ako kay Doc.

"Kuya saan tayo pupunta? Di ba tayo uuwi ng bahay?" Takang tanong ko sa kanya. Inilibot ko din ang paningin ko at tinignan ang paligid.

"Hindi na tayo babalik doon" gulat na tinignan ko sya.

"Kuya? Bakit? Paano yan? Saan tayo titira ngayon? Babalik ka ba sa templyo? Aalis ka nanaman ba ulit?" Huminto sya sa paglalakad kaya naman ganun din ako. Inangat ko ang ulo ko para matignan sya.

"No, I'm not leaving you Audrey. Not anymore" naguguluhan man ay tumango lang din ako. Naramdaman ko rin na hinawakan ni kuya ang kamay ko.

Habang naglalakad kami napansin kong parang nasa loob kami ng isang campus. Teka kailan pa nagkaroon ng campus dito? Ang alam ko lumabas kami ng hospital ni kuya. Inilibot ko ang paningin ko at napagtanto ko na meron palang mga estudyante na naglalakad. May iba din akong napapansin na napapatingin sa gawi namin.

Hindi ko na namalayan na nasa harap na pala kami ng isang pinto. Binasa ko ang nakalagay sa pinto Headmaster, pagbukas ni kuya ng pinto ay natuon ang atensyon ko sa lalakeng may edad na na naka upo. Sya siguro ang headmaster.

"Shun sya na ba kapatid mo?" Tumingin ako kay kuya at tumango naman ito.

"Well naayos ko na ang papers nya, heto ang magiging schedule nya, eto naman ang uniform at susi ng magiging dorm nya" nagtataka ako na tinitignan ang mga gamit na nasa table nya ngayon. Naguguluhan ako sa mga nangyayari.

"Kuya ano to?" Imbes na si kuya ang magsalita agad akong tumingin sa headmaster.

"She looks confused Shun, Hindi nya ba alam na dito ka nag aaral?" At sa sinabi nyang iyon agad nanlaki ang mata ko at napatingin kay kuya na nakatingin na din pala sa akin.

"Kuya nag aaral ka?! Kailan pa? Bakit wala kang sinasabi sa akin? Akala ko ba sa templo ka pumupunta?" Ang gulo. Bakit di ko alam? At bakit naman wala man lang nagsabi sa akin na nag aaral pala si kuya? Kaya ba minsan lang sya umuuwi ng bahay? Dahil nandito sya?

"I'll explain everything Audrey. Ihahatid muna kita sa dorm mo. Headmaster thank you" tango lang ang isinagot ni Headmaster. Kinuha ni kuya ang mga gamit sa mesa at lumabas na kami. Pag labas namin pansin kong wala ng mga estudyante. Siguro oras na ng klase nila. Napatingin ulit ako kay kuya medyo nauuna syang maglakad at ako naman ay nakasunod lang sa kanya.

Hindi rin nag tagal ay nakarating kamisa isang building. Malaki ito at mukang luma na ang itsura pero maayos at maganda parin tignan. Sinundan ko lang si kuya hanggang sa maratin na namin ang magiging dorm ko. Pag bukas nya ay nagulat ako sa laki ng kwarto. May mini sala at kusina. Napansin ko din na may dalawang pinto ang isa ay may nakasabit na 'do not enter'.

"This will be your room Audrey. Lahat ng dorms dito ay may tig dadalawang tao bawat rooms." Inilapag nya ang mga gamit ko sa kama kaya naman lumapit ako sa kanya para mag tanong.

"Now kuya explain to me everything. Bakit di ko alam? Alam ba to ni mama?" Bumuntong hininga sya at humarap sa akin.

"Yes, alam ni mama. Hindi namin sinabi sayo dahil dapat ay ako lang ang mag aaral dito para mas lalos lumakas ang kapangyarihan ko, this is not an ordinary school Audrey. This is a school for no ordinary people like us" and again nagulat ulit ako sa nalaman ko. Alaka ko ba gusto na nila mamuhay kami ng normal? Bakit nag aaral dito si kuya?

"Akala ko ba mamumuhay na tayo ng normal kuya? Mama said that. Pero bakit inilihim nyo sa akin?" Medyo nasaktan ako sa nalaman ko dahil naglihim sila sa akin.

"Napagusapan namin ni mama na magpapatuloy ako Audrey. This is for you, I did this to protect you. At ngayong dalawa nalang tayo. Mas lalong delikado na audrey at alam mo yan." Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi nya. Tama, all of this happened because of me. To protect me from them.

"Kung dati ay, pinagbabawalan ka ni mama na gamitin ang kapangyarihan mo. Ngayon Audrey you can use your powers here, you should use your powers starting today" tango lang ang isinagot ko sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Rest Audrey, bukas ka pa papasok. Iiwan muna kita dito okay? May klase pa ako" tango lang ulit ang isinagot ko sa kanya at agad akong umupo sa hidaan ko ng isara na nya ang pinto ng kwarto. Napabuntong hininga nanaman ako.

Mukang malabo na mamuhay kami ng normal. Di ko aakalain na gagamitin ko nanaman ulit ang kapangyarihan ko, kung nagpupursigi si kuya ngayon dapat ako rin. Poprotektahan ko sya kahit anong mangyari. Dumako ang mga mata ko sa bracelet na suot ko, nangunot ong mata ko ng wala na ang kulay ng bracelet na suot ko mukang so kuya ang may gawa nito. Agad ko din itong tinanggal sa kamay ko at ng matanggal ko na ito naramdaman ko ulit ang kung anong lakas na dumadaloy sa buong katawan ko. Parang mas gumaan ang pakiramdam ko ngayon. Sa tagal ko ng suot ang bracelet na yun ngayon ko lang ulit naramdaman ang kapangyarihan ko na dumadaloy sa buong katawan ko.

It's a sealing bracelet, ipinasuot ni mama sa akin ito simula nung mamatay si papa.  Napatingin ako sa bintana at inalala si mama at papa.

Keenstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon