3

0 0 0
                                    


Naisipan kong magluto dahil bigla akong nagutom. Buti nalang at may laman ang ref. Abala ako sa aking niluluto ng may biglang pumasok.

"Oh! Nandito kana pala. Nakakapanobago na may kasaba na ako ngayon dito sa kwarto. Hi! I'm Elise ako ang makakasama mo dito." Inihinto ko ang ginawa ko at humarap sa kanya.

" Inihinto ko ang ginawa ko at humarap sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ah hello, ako nga pala si Audrey. Pasensya kana kung nakialam ako sa mga gamit. Nagluto ako gusto mo bang kumain?" Kumuha ako ng dalawang plato at inihanda na sa mesa.

"Okay lang Audrey ano ka ba dorm natin to kaya okay lang magluto ka haha. Tamang tama balak ko sanang pumunta ng cafeteria after para kumain" ngumiti ako sa kanya at inilagay na ang tinolang manok sa mesa.

"Hmmm mukang masarap ah. Buti nalang at marunong kang magluto audrey di kasi ako marunong sa kusina eh hehe." Imupo na din ako at kumuha ng pagkain.

"Oo nga pala nalibot mo na ba ang buong academy?" Napahinto ako sa pagkain at imiling bilang sagot sa kanya.

"Hindi pa nga eh. Pero binasa ko na ang schedule ko kanina ay may mapa din naman na binigay kaya medyo may idea na ako sa mga lugar." Tumango naman si Elise.

"Oo nga pala Audrey what's your ability? Ako I have water ability. Ikaw ba?" Tanong nya sa akin.

"Ah ano. I have Ice" tipid na sagot ko sa kanya.

"Nice! Magkalapit lang pala tayo ng ability tamang tama talaga!"

Pagkatapos naming kumain ay tumambay muna kami sa sala at nag usap. Gusto kasi ni elise na mag usap daw kami dahil ngayon lang sya nagkaroon ng roommate. Madami syang kinwento about sa academy at kung anu ano pa. Kahit paano natutuwa ako dahil okay din pala na may kasama ka sa dorm. Agad ko namang naisip si kuya, ano kaya ang ginagawa nya ngayon? Napatingin naman ako kay Elise na bigla namang humikab. Nakaramdam na din ako ng antok ng makita ko syang humikab.

"Gabi na pala. Oh pano Audrey matutulog na ako may pasok pa tayo bukas at bukas din ang unang pasok mo. Grabe excited talaga ako bukas dahil magkaklase tayo!" Tumakbo na sya papasok ng kwarto nya ako naman ay naiwan na natawa sa ginawa nya. Napagdesisyonan ko na din na pumunta ng kwarto ko at matulog. Bukas na ang unang araw ng klase ko dito.

---------------

"Audrey gising na, baka ma late pa tayo"

Nagising ako sa katok ng pinto. Oo nga pala ito ang unang araw ko. Bumangon ako at agad pumasok sa banyo para maligo. Ng matapos na akong maligo ay sinuot ko na ang uniform ko sinuklay ko din ang mahaba at itim ko na buhok. Ng makuntento na ako sa ayos ko ay lumabas na ako ng kwarto at sakto din na lumabas si Elise sa kwarto nya.

"Tara na Audrey malelate na tayo" tumango nalang ako at sumunod sa kanya palabas.

Habang naglalakad kami madami ding estudyante na mga naglalakad may iba din na tumatakbo. Ng makarating na kami sa room namin ay lahat sila nakatingin sa gawi namin. To be exact sa akin mismo.

Keenstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon