Chapter 1

30 11 0
                                    

"Ang init!" Ani ko nang makabangon na sa higaang banig. Yeah. We're poor. Halos isang beses sa isang araw nga lang kami kumakain.

By the way. I am Sunny Cole. 18 years old and a college student. Nabigyan ako ng scholarship galing sa may ari ng school. I don't know why he gave me a scholarship.

Hindi naman namin siya kaano ano at kakilala. As if namang may kamag anak kaming mayaman. Sa totoo lang ay mahirap pa kami sa daga. The technology is upgraded, pero kami ay nasa ilalim pa din.

Our furniture and house is just a simple.

Ang kada city dito ay nahahati sa tatlo, at nakabase sa antas ng pamumuhay niyo kung saan kayo lulugar.

Nakalugar kami sa C3. Ang panghuling city dito. Ang ibig sabihin lamang ng lugar na yan ay ang pinaka mababang antas. Nakakakain lamang kami ng isang beses sa isang araw, at kung minsan pa nga ay wala.

Ang pamumuhay sa lugar namin ay mahirap. Kailangan mong magpunta pa sa C2 para lamang makakuha ng tubig. Ikaw mismo ang mag iigib.

Imagine, Isang kilometro ang layo nito sa lugar namin pero kinakailangan pa naming magpunta roon
para lamang may mainom kami.

Ang pagkain naman ay nanggagaling sa presidente. Kailangan mo pa itong pagtrabahuhan para lamang mabigyan kayo ng supply.

Ang gagawin mo lamang ay magpunta sa C1 kung saan nakalugar ang mga mayayaman at matataas na antas ng mga tao. Kinakailangan mong maglinis doon. At kung sa C3 magsisimula. 2 kilometro ang layo non sa amin.

Ang C2 naman ay ang mga taong may kaya sa buhay. Nakakakain pa naman sila ng tatlong beses sa isang araw. Hindi man mayaman, pero hindi naman sila kasing hirap nang sa amin.

Ang iba sa taga C2 ay may kaya sa buhay kaya nakakabili pa sila ng ibang gadget gaya ng GlassCx39. Ito ang uri ng cellphone na gawa sa glass o salamin. Ang mga taga C2 ay ito lamang ang kayang bilhin. Hindi nila kayang higitan ang mga taong nasa C1.

At ang panghuli ay, ang lugar sa C1. Walang problema ang mga tao dito. Payapa silang namumuhay. Ang pagkain nila ay hihigit pa sa pang tatlong araw na pagkain. Ang mga gamit nila ay upgraded na talaga.

Kadalasan na uri ng mga gamit nila ay gawa sa glass. Maging ang bahay ng iba ay gawa lamang sa salamin. Hindi ito isang uri ng salamin na madaling mabasag. Transparent ito pero hindi kayo makikita sa labas. Pero ang mga nasa labas na tao ay makikita ninyo.

Kadalasan sa C1 ay may koneksyon sa presidente. Halos lahat ng tao dito ay mapanghusga sa mahihirap.

Tiniklop ko na ang higaan namin at inilagay sa sulok para makapag ayos na din. Ito ang unang araw nang pagpasok ko sa eskwela bilang isang kolehiyo.

Kinuha ko naman na sa sabitan ang tuwalya at pumasok na sa banyo namin. Pagkapasok mo ay hindi ito naka tiles. Bato lang. Binuksan ko naman ang switch ng ilaw. Yeah nasa loob siya.

Ilang minuto lang naman ang nakalipas at natapos na agad ako. Pagkalabas ng banyo ay nakasuot na ako ng puting sando at isang cycling na black. I need it for my uniform.

Natanaw ko naman agad ang uniform namin na nakasabit sa may bandang salamin. Usually consists of a white shirt, red blazer and a red and white tie, with red and white skirts. Para bang uniform lang sa korea.

Una kong sinuot ang shirt, sumunod naman ang skirts, nang maisuot na ito ay kinuha ko na ang tie and blazer. Nang matapos mag ayos ay pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. It looks cute

Inalis ko naman na ang tuwalya sa ulo ko at medyo tuyo na pala ang buhok ko. Sinuklay ko na ito at medyo matigas pa. Ilang minuto pa bago ako matapos magsuklay.

NEW TECH (ONGOING)Where stories live. Discover now