Nandito na ako ngayon sa harap ng gate ng school namin. Iniisip ko pa din ang paninigaw saakin ni mama kanina. She's not like that before. As in. Ngayon niya nga lang ata ako sinigawan ng ganoon.
Bigla namang bumukas ng kusa ang gate. Upgraded na nga pala
Naglalakad na ako papasok nang mapansin kong wala ng estudyante kahit isa. Nilibot ko naman ang paningin at namangha sa mga nakikita.
Ang pinaka school ay gawa sa salamin. As in salamin talaga! But the thing is.. kita naman ang loob nito. I saw the students on the first floor. Nag lelesson na sila.
Mas lalo naman akong namangha dahil ang school ay hindi naka tapak sa lupa! Kundi naka lutang ito. Kaya pala narinig ko sa usap usapan na safe dito pag lumindol.
Slinide ko naman na ang Sliding door para makapasok. It's made on glass too.
Pagkapasok ay bumungad agad sakin ang isang napakalamig na hangin. Nang tumingin sa gilid ay may limang aircon dito. Even their aircon is different! It's made on black glass. At halos kasing laki ito ng isang pintuan. It's so huge!
Nagulat naman ako sa isang taong sumulpot sa harapan ko.
"You're late" Lalaki siya at may hawak na PadX49. "What's your name?" Tanong pa niya.
"Sunny" Sagot ko.
"Turn on" Ani niya sa gadget na hawak. Bigla namang umilaw ito at lumutang ang mga apps sa loob. Pinindot niya sa hangin ang 'Note App' at isinulat ang pangalan ko dito.
"You're already late so i will write your name here" Sambit niya at umalis na. Unang araw palang ng pasukan nalista na agad ako
Hinayaan ko nalang yon at hinanap na ang hagdan. Pero halos naikot ko na ata ang buong baba pero wala akong nakitang hagdan.
"What are you looking for?" Sulpot nanaman nung lalaki kanina.
"Stairs" Tumawa ito. Ang weird ng tawa niya
"Walang hagdan dito. Elevator lang" Sabay turo niya sa kanang bahagi ng hallway. Kaya naman pala napakataas ng building na ito. May elevator naman pala. Tamang tama! Sa 12 floor pa naman ako.
"Thanks" Naglakad na ako papalapit sa elevator na sinasabi nung lalaki kanina. Pagkalapit ko dito ay napansin kong wala itong pindutan sa labas. Hanggang sa nakita ko bandang kaliwa na parang may nakasulat.
Speak
Ayan lang ang tanging naka sulat sa gilid. Ilang minuto pa bago nag sink in sa utak ko ang nais iparating nito.
"Open the door" Ani ko at bigla namang bumukas ang elevator. Namangha ako kaya tuwang tuwa ako nang makapasok. Ang elevator na ito ay gawa din sa salamin. Pagtumingin ka sa gilid at sa likod mo ay repleksyon mo ang tanging makikita.
Sa bandang taas naman. Sa harapan. Doon lumalabas kung anong floor naba. Sa gilid naman ay hinanap ko ang pindutan pero wala. Napag isip isip ko kung paano ito gagana.
"12 floor please" Ani ko at biglang gumalaw pataas ang elevator. It's so cool!
Maya maya ay biglang bumukas ang pinto. Lumabas na ako at bumungad sa harapan ko ay isang elevator din. Kumanan ako at tinignan ang mga room at hinanap ang section ko.
Halos lahat ay nag lelesson na. Late na late na talaga ako!
Andaming room sa 12 floor. Sa tingin ko ay nasa 30 room ata ito. Well, it's not impossible that there are so many rooms here. Malaki din naman ang school.
Kada room na madadaanan ko ay sarado ang mga bintana pero transparent ito. Napansin ko din na kada kwarto ay may sari sariling aircon. Not one, but three aircon. Sosyal
Ang mga room ay malalaki din, pero kada room ay nasa 20 students lang. Kaya siguro ganito kalaki at karami ang mga room dito.
Ang mga upuan ng mga estudyante ay high tech na din. Maging ang upuan ay gawa sa salamin, ang pinaka table ay isang monitor. Hindi sila gumagamit dito ng ballpen at papel. Dahil gadget ang ginagamit nila para mag aral.
Their table is their gadget. It's a glass monitor. May pindutan sa ibaba nito at kapag pinindot mo ay lalabas ang mga apps. Pero ang mga apps ay may koneksyon lamang sa pag aaral. Walang apps dito na pang social media o kung ano pa. It's for studying.
They don't use a blackboard here. They use a large glass monitor to display all the lessons. Halos lahat ng nandito ay gawa sa salamin. Cool!
Naglakad lakad pa ako hanggang sa makarating ako sa pinaka gitna ng floor na ito. I saw our section in the front of the door. Jupiter 1
By the way. Ang section namin ay hango sa mga planeta. We're Jupiter 1. The high section, o sabihin na nating section 1.
Sa gilid ng pinto ay may nakalagay na isang monitor na kasing laki ng iPad. Itatapat mo lang ang ID mo dito at malalaman na nila kung doon ka ba talaga sa section na iyon. Nang maitapat kona ay biglang nag kulay green ito at may nakalagay na Present.
Maya maya lang din ay kusa nang bumukas ang pinto. Pumasok na ako at saakin agad pumukaw ng tingin ang mga kaklase ko. Maging ang professor namin.
"I'm sorry i'm late sir" Ayan agad ang nasabi ko nang makaharap ko siya. Bahagya pa akong yumuko.
"It's fine. Pasalamat ka at first day palang. I hope you won't be late next time"
Nakahinga naman ako ng maluwag nang sabihin niya iyon. "Yes sir. I promise that i won't be late next time. Thankyou" Humanap na ako ng upuan at may nakita ako. Yung nasa bandang dulo. Pupunta na sana ako doon nang may magsalita.
"She's poor that's why she's late" Ani ng isang babae. Maganda ito. Makinis at may katangusan ang ilong.
"Anong connect?" Sambit ng isang lalaki sa likod. Nagtawanan naman ang buong klase dahil sa sinabi niya.
"Fool!" Umirap pa ito bago humarap sakin. "Wala silang pambili ng sasakyan kaya na late siya. In short. Naglalakad lang siya papasok, and there's more! "She's from C3! What a poorita girl"
Humiyaw ang buong klase at nagtawanan sila.
"Enough!" Sigaw ng professor na nagpa tigil sakanila.
Sinamaan ko ng tingin ang babaeng ininsulto ako kanina.
Lumapit ako sakaniya. "So ano naman sayo kung galing ako sa C3? Atlease hindi ako mapang insulto gaya mo" Sasampalin niya sana ako pero nasalo ko ang kamay niya.
I smirked. "Tsaka. Bakit? Hindi ba pwedeng maglakad? May paa naman ako para gawin yon. Eh ikaw? May paa ka nga, pero hindi mo ginagamit. Ano ka lumpo?"
Pagkasabi ko noon ay binitawan ko ng malakas ang kamay niya kaya tumama ito sa desk. Nilagpasan ko naman na siya at umupo na sa pwesto ko.
I was next to the man who had spoken to her earlier.
Sa ilalim ng upuan ay may lagayan ng gamit. It's huge, kaya doon ko nilagay ang bag ko.
"You're so cool! Never pang may sumagot sakaniya ng ganiyan" Napatingin ako sakaniya.
"She deserve it. What a fucking spoiled brat" Natawa siya sa isinagot ko.
"Ang cool mo talaga! Anong name mo?" Biglang tanong niya. Bakit niya ba ako kinakausap? Eh alam niya namang mahirap lang ako.
"Hell" Sagot ko. Hindi naman niya alam kung maniniwala ba siya sa sinabi ko.
"Just kidding" Dagdag kopa na ikinatawa niya. Maya maya lang ay nagsimula na ang panibagong lesson. This time. Our subject is science. My favorite subject of all!
YOU ARE READING
NEW TECH (ONGOING)
Ciencia FicciónI am Sunny Cole Villareal. I live in the year 2050 where all gadgets are upgraded. Even the laws of society are different. No one wants to be born poor. Hindi namin kasalanan na mahirap lang kami. That's why i hate all those richest people. Mapanghu...