TWO

142 1 0
                                    


*kkrriinngg kkrriinngg* (School Bell)

Recess na! Haysalamat! Medyo nagutom nadin ako..

"Tara na Marlo, punta tayong canteen". Sabi ko..

"Ayoko, diet ako pre!" sagot ni Marlo..

"LIBRE KO!" dagdag kong sabi.

"Tara pre! Hindi na pala ako mag di-diet. Sasusunod nalang, nagugutom narin ako eh!" :))

"Payag agad basta Libre, eh no?"

"Eh, libre eh! Diba sabi nga nila? Wag tanggihan ang blessings."

"Takaw mo! Halika na nga."

--------------------

"Oh, ano sayo pre?" Sabi ko kay Marlo.

"Isang sushiwong, Isang C2, Isang chicharon, at dalawang slice nang Pizza."

"Wow naman! Ang dami ha? Ano tingin mo sakin, Nanay mo? Sige na nga bibili na ako. Maghanap kana jan nang mauupuan natin." Sabi ko at umalis na.

Pagkatapos kong bumili. Hinanap ko kung saan si Marlo, mabuti nalang tinaas niya kamay nya hudyat yun para malaman kung saan kami uupo.

"Ito na pre oh! Isang sky flakes para sayo at tubig. :) Pero teka, san ako uupo eh isang upuan lang nandito sa table natin?" Sabi ko sa kanya.

"Sa dami dami kong sinabi, eh isang sky flakes lang binili mo? -.- Kumuha ka nang libreng upuan mo dun! Ang kuripot mo."

Ano ba 'to! Kinukuha kasi nang ibang mag babarkada yung upuan sa ibang table eh kaya isa nalang natitirang upuan. Mabuti nalang may nakita akong isang upuan na bakante at kukunin ko na sana nang biglang....

"Ako naka una nang upuan!" Boses nang isang babaeng pasigaw.

Nakayuko ako at tiningnan ang upuan na nakahawak din ang kamay nang babae dun.

"Eh, ako una nakakita eh!" Sabi ko..

Dahan-dahan kong tiningnan yung babae, bigla akong tumiklop na parang makahiya sa nakita kong mukha....

Sh*t! Si Million pala! Imbes na magalit ako, bigla akong napangiti na parang wala sa sarili.

"A-a-a-aaah, I-i-ikaw pp-pala yan Million." Nahihiya kong sabi.

Hinablot niya ang upuan at umalis na. Habang ako nandito parin nakatayo kung saan kami nag agawan nang isang upuan. Naka ngiti ako na parang tanga. Ang ganda niya talaga.. Nang bumalik na ako sa katinuan ko, dun ko na narinig ang paulit ulit na sigaw ni Marlo.

Touch her.... And I will kill you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon